Chapter Fifty Eight

36 1 0
                                    

Sunday

Nagising ako matapos napanaginipan ang pagdukot samin tatlo. Umupo ako at napahilamos na ikinadaing ko.

Kinapa ko ang pisngi ko na agad ko ding tinanggal. Masakit.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo sabay tingin sa salamin. Napakagat labi ako dahil sa inis.

That Mertis!!! Arghhh!!

Medyo namumula ang magkabilang pisngi ko at alam ko na dahil ito sa pagkasampal niya sakin. Dahan-dahan kong binasa ito at naghilamos. Naligo na din ako at sinuot ang damit na alam kong binili ni Zephyr kasama na kase doon ang suot suot kong pantulog ngayon.

Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto at saka bumaba papuntang dining. Binati ako ng mga maids doon na ngayon ay naghahanda na ng mga pagkain saka umupo na sa pwesto ko kahapon.

"Uhm.. nasan si Zephyr?"

"Di pa bumababa Ma'am, baka tinanghali ng gising"

"Ah ganun ba.. uhm pedeng Ceia na lang ang itawag niyo saken? Masyado namang pormal ang Ma'am" nakangiting sabi ko sakanilang tatlo, nagkatinginan pa ang mga ito.

"Baka pagalitan kami ni--"

"Don't mind him,sabihin niyo na ako ang nag-utos" sabi ko at inumpisahang kumuha ng mga pagkain.

"You didn't wake me up" halos mapatalon ako sa gulat nung nakita siyang nasa balikat ko sabay kuha ng kutsara sa kamay ko at sumubo. Lumayo ako at umirap sakanya.

"Gross. Tss!" bulong ko. Ba't kase ganun siya? Marami naman sigurong mga kutsara't tinidor dito, palagi na lang niyang ginagamit ang kutsara ko. Ano yun? Indirect kiss? Tsk!

Naramdaman kong lumipat siya sa upuan niya at inusog na naman ito papalapit sakin at pinakaelaman ang pagkain ko. Napabored look akong tinignan siya.

"Ganyan ka ba palagi? Nangaagaw ng pagkain ng iba at iisang kutsara lang ginagamit mo?" tumingin siya saken habang ngumunguya.

"Hindi, sayo lang ako ganito" at bumalik ulit sa ginagawa niya na parang wala lang.

Napaiwas ako ng tingin, napakuyom ako habang pigil pigil ang sarili. Namumula na siguro ako ngayon dahil sa simpleng sinabi niya.

Ang aga aga... tsk tsk!

"What are you laughing at?" natigilan naman ang tatlong maids at napayuko na lang. "Beybie eat" at sinubuan ako. Kinontrol ko ang sarili na hindi ngumiti habang ngumunguya.

Nakita kong ngumingiti ang tatlong maids sakin na animo'y tinutukso pa ako. Napasimangot na lang ako sakanila. Nasa harap ko na naman ang kutsara na punong-puno ng pagkain, nilingok ko si Zephyr, ngumiti ito sakin at nginuso ang kutsara. Inirapan ko siya at kinuha ang kutsara at sinubo ko ito sa sarili ko.

"Ginawa mo kong baby" nakasimangot kong sabi. Nagkibit balikat siya at kinuha sakin ang kutsara.

"So? You're my baby anyway" at sinubuan niya na naman ako, di ko mapigilang ngumiti, saka ko ulit kinuha ang kutsara at siya ang sinubuan.

Greatest FearWhere stories live. Discover now