"Nga pala Kid, nasaan tayo? Bakit ang dilim dito?" Sabi niya.
Hindi ko alam kung paano sasagot. Naghahalo ang Takot, pagtataka, pagkalito at gulat sa akin. Ano bang nangyayari?!
"A-ah. Ano po bang nangyayari? Bakit kayo lumulitang? Bakit kayo lumabas sa kwintas na ito? At sino po kayo?" Sabi ko.
Tinignan niya ako ng pagtataka at sabay tawa.
"Hahahaha! Sige. Uulitin ko muli ang pagpapakilala. Ako si Val. Isa akong Spirit Bearer dati. Isa ako sa pinakamalakas na Spirit Bearer noong araw. Siguro nasa 500 taon nang nakakalipas. Bale, nakaharap ko ang hari ng mga Demons. Hindi lang ako nag iisa. Marami kaming lumaban sa mga Demons ngunit ako lang ang natira at lumaban sa Hari ng Mga Demons. Hindi ko inaasahan na hindi pa pala sapat ang aking lakas para matalo ng tuluyan ang Demon King. Natalo niya ako ngunit bago ako mamatay, inilipat ko ang aking Soul sa kwintas na ito. At naghihintay lang ng tamang panahon para makalabas. At ngayon na nga ang tamang oras. Hahaha!" Sabi niya.
Napaisip ako. Sa aking pag kakaalala, isandaang taong nakalipas, si Vrendick ang Hari ng mga Demons. Pero 500 taong nakalipas? "Maaari po ba akong magtanong? Sino po ba ang Hari ng mga Demons na nakalaban ninyo?" Sabi ko sa kanya.
"Ah! Si Vrendick ang sinasabi ko. Napakalakas niya ha!" Sabi niya.
Aahh.. Ganoon pala. Ibig sabihin, napakatagal nang nabubuhay ni Vrendick.
"Noong 10 taon nang nakalipas, lumusob muli ang mga demons sa lugar na ito. Ginawa ng mga Spirit Bearer na mapigilan at matalo ang mga Demons. Nagtagumpay naman sila ngunit marami ang nasawi sa pangyayaring iyon." Sabi ko at napahinto. "Kasama ang aking mga magulang."
Napatingin siya sa akin. Nabakas sa kanyang mukha ang gulat at lungkot sa aking sinabi.
"Kid. Patawad dahil hindi ko alam." Sabi ni Val. Napaisip ito ng malalim. Tinignan niya ako ng masinsin. "Hhhmm. Base sa nakikita ko, ikaw Kid ay may mahinang pangangatawan. Ngunit nakikita ko sa iyong mga mata na may kagustuhan kang ipaghiganti ang iyong mga magulang sa kanilang pagkawala. Tatanungin kita. Nais mo bang maging isang Spirit Bearer?" Sabi ni Val sa akin.
Agad akong nagulat sa kanyang sinabi. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong ipaghiganti ang akong mga magulang sa mga Demons pero alam ko rin sa aking sarili na wala akong kakayahan at lakas para gawin iyon. Pero ano ang sinasabi ni Val sa akin.
"Ibig sabihin po ba niyan magiging master kita? Ganon ba? At tutulungan mo akong maging malakas?" Sabi ko.
"Oo. Tutulungan kita. Pero wala akong kakayahan para palakasin ka. Ang pagpapalakas ng tao ay nakasalalay sa kanyang sarili. Nandito lamang ako bilang tulong at gabay mo sa iyong pagpapalakas. Ang lahat ng gagawin mo ay para rin sa iyong sarili." Sabi niya.
Sa sinabi niya ay para bang binigyan niya ako ng panibagong pag asa. Ibig sabihin ba non ay lalakas ako?!
"Sige po! Pumapayag na ako. Lolo." Sabi ko.
"Sige ma- anong sabi mo!! LOLO! " Sabi niya.
"Ay. Patawad po. Paano ko po ba sasabihin ang pagtawag sa inyo." Sabi ko sa kanya.
"HHmm Val nalang ang itawag mo sa akin. Hindi na kailangan ng paggalang. Ayos lang iyon." Sabi niya.
"Sige po, Val."
At nag bow ako sa kanya. Bilang paggalang.
Nang iangat ko ang aking ulo ay nagaalita siya.
"Sige. Para sa unang pagsusulit. Kailangan mong lumabas. Magpakita sa mga humahabol sa iyo." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...