Prologue

20.1K 484 24
                                    

 
 
"Walang makakatalo sa akiin! Ako si Vrendick at ako ang pinakamalakas na Spirit Bearer sa buong Mundo! WAHAHAHAHA!"
 
 
"Hindi! Hindi ikaw ang pinakamalakas na Spirit Bearer sa buong mundo!! Kahit kailanman ay hindi magiging malakas ang kasamaan!!"
 
 
"Anong sabi mo? Anong sabi mo!?! Wala kang karapatan na ako'y harangan sa aking mga plano!! Magbabayad ka!!"
 
 
"Ayokong sirain mo ang mundong ito! Balang araw! Magkikita muli tayo at ipapakita ko sayo kung gaano ako kalakaas!!!"

"Hindi na mangyayari iyooon!!!! DRAGON SPIRIT FORM!"

Lumabas ang Dragon Spirit sa kanyang katawan at unti unting bumalot ang Dragon Spirit sa kanyang katawan na nagbigay sa kanya ng mahahabang kuko, mahabang buntot at pulang balat.

"Ako ang Pinakamalakas na Spirit Bearer sa Mundo!! At walang makakatalo sa akiin!! WAAAAAHHH!!!"

"HINDI RIN MAGTATAGAL ANG IYONG KASAMAAN VRENDICK! WAAAHHH!!"
  
  
  
  
  
"Naglaban ang dalawa sa langit at nabalot ng Liwanag at kadiliman ang buong kalangitan nang mga panahong iyon. Natalo ni Vrendick ang kanyang kalaban at naghari ang kasamaan sa mundo.

Ngayon ay ika-100 taon na ang nakalipas nang naglaban ang dalawa sa pinakamalalakas na Spirit Bearer sa Balat ng kasaysayan. Walang nakakaalam ng totoong pagkakakilanlan ng nakalaban ni Vrendick pero ang alam ng lahat ay lumaban ito ng buong lakas para maipagtaggol ang mundo laban sa kasamaan ni Vrendick."

**

Mabilis akong tumatakbo dahil hinahabol nanaman nila ako. Hindi talaga nila nabubuo ang araw nila kapag hindi nila ako nasasaktan.

"KIIDD! Bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag usap! HAHAHAHA!" Sigaw nung isa.

Mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo dahil sa akin narinig. Malakas na ang loob nila dahil nakuha na nila ang kanilang mga spirits. Ako, hindi pa.
At baka hindi na.

14 taong gulang na ako pero wala parin akong Spirit. Dalawang taon na ang nakakalipas nang pumunta ako sa Spirit forest pero wala anong nakuhang spirit doon. Ang nakuha ko lamang ay isang kwintas na may pulang bato sa gitna.

*flashback*

Lahat na ng mga kabataan na edad walo ay nasa harap na ng Spirit Gate. Lahat sila ay handa na sa pagkuha ng kanilang Spirit.

Ngunit hindi ako.

Isa ako sa mga matatalino sa aming klase. Ngunit mahina ang aking pangangatawan. Maliit ang aking katawan kung kaya't sanay na ako sa mga pang aasar at pangungutya nila sa akin.

Nag iisa na lamang ako sa aking buhay. Wala na ang aking mga magulang dahil nang lusubin ang lugar na ito ng mga Demons ay inalay ng aking mga magulang ang lahat upang mailigtas ako.

Inilagay nila ako sa isang kahon at sinabing huwag lalabas doon.

Ang kahon na iyon ay mayroong maliit na butas kung kaya't nakita ko ang lahat ng pangyayari. Nakita ko kung paano napaslang ng mga Demons ang aking mga magulang.

Nag Spirit Form ang aking mga magulang upang labanan ang mga Demons na iyon. Kilala ang aking mga magulang bilang malalakas na Spirit Bearer sa aming bayan ngunit nang nakaharap na nila ang napakalaking halimaw na iyon, wala silang nagawa at namatay.

Nong araw na iyon ang huling araw na nakita ko ang aking mga magulang. Iyon rin ang pangyayari na hinding hindi mawawala sa aking alaala na laging bumabangungot sa akin.

Ito ang isa pang dahilan kung bakit ayaw kong maging Spirit Bearer. Ayaw kong matulad sa aking mga magulang.

Kung kaya't ginagalingan ko na lamang sa aking klase ay gusto kong makasali sa Support Team ng aming Bayan.

Ang Support Team ay isang Organisasyon sa aming bayan na tumutulong sa paggamot sa mga sugatang Spirit Bearer. Karamihan sa mga Support Team ay walang taglay na Spirit kung kaya't nandoon sila. At gusto kung maging isa sa kanila.

Nang bumukas na ang Spirit Gate ay pinapunta na kami palabas sa Bayan. Papunta sa Spirit Forest.

Ang Spirit Forest ay ang nag iisang Kagubatan na puno ng mga Spirits na nakokontrol ng mga tao.

Halos nasa loob ito ng Bayan namin. Kung kaya't nakokontrol nila ang paglakas ng mga Spirits.

Ang mga Spirits ay lumalakas habang tumatanda sila. Mas matanda ang Spirit, mas malakas ito at mahirap makuha.

Ang mga spirits ay mga monsters na maaaring makuha ng mga tao. Kapag natalo nila ang Monster na iyon, maglalabas ito ng isang bato kung saan ang Monster na iyong natalo ay nasa loob nito. Ang tawag sa batong iyon ay Spirit Stone.

Ang Spirit Stone, kapag nilunok ay mapapasayo ang kakayahan ng Monster na iyon. Doon na mangyayari na magiging Spirit Bearer ka.

Ngunit hindi lang ang Spirit Stone ay maaari mong makuha sa isang Monster. May mga parte itong ng katawan na maaaring gawing Items. May mga parte ng Monsters na maaaring gawing damit, espada, panangga, mga proteksyon sa katawan at marami pang iba.

Nagsimula na ang paghahanap nila ng kani kanilang Spirits. Ngunit ako ay naghanap ng magandang lugar upang magpahinga at magmuni muni. Nakakita ako ng isang magandang lugar na maaaring magpahinga. Sa tabi ito ng ilog. Malinis ang ilog. Makikita mo ang mga isdang lumalangoy ng malaya doon. Nang tignan ko ang ilog, napansin ko na malalim ito. Hindi ko nakikita ang ilalim ng ilog. Ang nakikita ko lamang ay madilim na parte ng ilog.

Nagulat nalang ako nang itulak ako ng isang lalaki. Pagkatingin ko ay si Fred pala ito. Ang matalik kong...

Kaaway.

Lagi siyang nagagalit sa akin kahit wala akong ginagawa sa kanya. Gustong gusto niya akong saktan.

"Freeeeddd!!! Ba*brrlorrr hkit mo ko *brrlorr tinu lak!! "Sigaw ko.

"Wahahahaha!! Kawawa ka naman Kid!" Sabi niya.

"Freeedd!!! Hi *brrllorrr hindi ako *brrloorr mar *brrloorr ---"

Hanggang sa lumubog na ako sa tubig. Habang lumulubog ako, napaisip ako. Dito na ba magtatapos ang lahat? Ito na ba ang katapusan ko. Unti unti akong napapikit. Iniisip ko non na makikita ko na muli ang aking mga magulang. Siguro, ang pagkamatay ay ayos lang rin.

Hanggang sa nadama ko ang lupa sa aking likod. Naabot ko na pala ang dulo ng ilog. Ito na nga. Wala na akong pag asa.

Iminulat ko ang aking mata at nakakita ng isang kumikinang na bagay. Pinilit ko itong kunin at nang nakuha ko na ito ay unti unti na akong nawalan ng lakas.

Sumara na ang aking mga mata at naghihintay nalang ng aking katapusan.

**
 
Ang akala kong katapusan, hindi pa pala. Dahil nandito ako ngayon, hinahabol ng mga Ugok na ito! Agad akong kumanan at nagtago sa isang maliit na kwarto.

Narinig ko naman ang mga yabag ng kanilang mga paa.

"Hanapin niyo si Kid! Hindi pa tayo tapos sa kanya!" Sa nanaman ng isang lalaki.

Sa isip isip ko.

'Dati, si Fred ang nang- aaway sa akin. Nang tumigil siya, kayo naman pumalit. Hay naku!'

Ilang saglit pa ay napansin kong may umiinit sa aking dibdib. Pagkatingin ko ay umiilaw ng kulay pula ito. Nakakasilaw.

Para bang may lumalabas na isok na nanggagaling sa Kwintas na aking suot. Ilang saglit pa ay may marinig akong boses.

"HAAAY!  Sa wakas! Nakaalis narin ako sa Kwintas na ito!" Sabi niya.

Napalingon siya sa aking pwesto at nakita ako.

"Uy!  Ikaw diba si Kid! Salamat sayo ha! Kung hindi mo kinuha ang Kwintas na iyan,  habambuhay na ako doon sa ilalim ng ilog na iyon. Grabe inabot pa ako ng dalawang taon bago ko nalaman na nakaalis na pala ako doon." Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Sino siya?  At bakit kilala niya ako?

Napatingin siya sa akin. "Ay! alam ko ang iniisip mo. Ako nga pala si Val. Isa akong Spirit Bearer, Noon. Pero ngayon, isa nalang akong kaluluwa. Kung hindi dahil sayo, hindi ako makakaalis sa ilalim ng ilog na iyon." Sabi ni Val.

*****

Credits to StarryRays for the new cover of the story. follow him guys!

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon