33

4.7K 240 7
                                    

Inangat ng Centaur ang kanyang mga kamay at lumutang ang mga batong nasa bangin. Unti unting inayos niya ang itsura nito para ibalik ito sa dati.

Medyo masaya ako na malungkot dahil sa mga pangyayari ngayon. Malungkot ako dahil hanggang ngayon ay wala parin akong permanenteng spirit pero sa kabila non, masaya parin ako dahil alam ko na ang pakiramdam.ng mayroong Spirit. Nasarap ito sa pakiramdam at sa kahit na maiksing panahon ay naranasan ko ang pakiramdam na iyon.

Muling nagpasalamat ang Spirit at bumalik na sa dati niyang tahanan. Sinabi niya na madami pa siyang aayusin lalu na ang mga labi ng Dragon.

At dahil doon ay natapos na ang paglalakbay namin sa kabutihang palad ay walang nasawi sa amin. Madaming mga sugatan pero ang mahalaga ay buhay ang lahat.

Bumalik kami sa kampo at nakita namin doon si Rhea.

"Fred! Kid! Zed!" Sigaw niya sabay takbo papunta sa amin. Nang makaabot sa amin, bigla siyang tumalog at bumagsak kaming apat dahil isinampa niya ang karawan niya sa amin.

"Mabuti ligtas kayoo!" Sabi niya na may halong pag aalala.

"Malamang! Kaya nga nandito na kami diba?" Sabi ni Fred at nagtawanan kaming tatlo.

Sa tuwa namin ay hindi namin namalayan na nagsasalita pala si Scarlet.

"Mga kasama, hindi ko masasabing nagtagumpay tayo sa ating misyon..." sabi niya. Napatingala kami at huminto sa katuwaan.

Tumayo kami at tumingin kay Scarlet na ngayon ay nakatayo sa isang malaking bato.

"Pero, maraming salamat padin sa inyo at ligtas ang lahat. Walang napahamak sa atin ng malubha dahil sa nagtulong- tulungan tayong lahat. Madami akong kailangang sabihin sa aking ama. Lahat nang mga nangyari sa ating paglalakbay at asahan ninyo, makakatanggap kayo ng papuri mula sa kanya." Dugtong niya.

"Madami pa ang kailangang ayusin sa ating bayan at isa na doon ang seguridad. Hindi na muling mauulit ang nangyari sa atin ngayon!" Sabi pa niya.

Nagtinginan ang karamihan sa amin lalu na ang mga hindi nakasama sa bangin dahil nagtataka sila sa narinig nila.

"Alam kong marami sa inyo ang hindi maniniwala sa aking sasabihin pero, si Ben, isa sa mga anak ng kilalang pamilya sa ating bayan, ang naging espiya ng bloodfist. Maaaring hindi lamang ito ang pinaplano nilang masama. Maaaring may masama rin silang balak sa ating bayan. Kung kaya't, kailangan na nating kumilos at bumalik sa ating bayan upang maibalita  ito da buong lugar lalu na sa aking ama." Sabi niya.

Hindi man makapaniwala, nagsimula na kaming maglakad pabalik sa bayan. Maraming tanong si Rhea sa mga nangyari sa halos dalawang araw na hindi namin siya kasama at isa isa namin iyong sinagot.

Ilang araw pa ay nakabalik na kami sa bayan. Nang makatapak kami sa loob ng bayan, sinalubong kami ng mga hiyawan at palakpakan.

Ang mga mamamayan ng aming bayan ay sinalubong kami ng mga makukulay na banderitas at malalakas na tunog ng mga banda.

Sa paraang iyon, saglot kong nakalimuntan ang mga nararamdaman ko at lahat ng naranasan ko sa aming paglalakbay.

Tinahak namin ang daan papunta sa kastilyo ng hari pero sinalubong kami ng mga Gwardya. Sa harap ng mga gwardya ay may isang lalaki na may magandang kasuotan at may hawak na skrol. Ibinuklat niya ito at isinuot nag salamin.

"Salamat sa inyong sakripisyo mga batang Spirit Bearer. Mula sa Hari ng bayang ito, nais kong ipaalam na ako ay kasalukuyang nasa ibang bayan ngayon at sa makalawa pa ako maaaring makakabalik ng bayan. Nawa'y walang napahamak ng lubos sa inyo at napagtagumpayan ninyo ang inyong misyon." Sabi nito.

Sa aking pagkakaalala, siya ang tagapagsalita ng Hari. Siya ang taga anunsyo ng mga nais ipaalam ng hari sa kanyang nasasakupan. Mayroon itong mala-bilog na katawan dahil sa maliit siya at mataba. Pero hindi mo mababatid na malakas ang kanyang boses.

Tinanggal niya ang salamin sa kanyang mata upang humarap sa amin. Tiniklop niya ang skrol at nagsalita muli.

"Nagpapasalamat kami sa inyong lahat ngunit kailangan muna ninyong umuwi sa inyong mga tahanan at sa makawala ay inaanyayahan kayo ng hari na pumunta sa palasyo upang sabihin ang inyong mga naranasan." Sabi pa nito.

Lumapit ito kay Scarlet at nag-alay ng isang bow.

"Mahal na prinsesa." Sabi niyo at muling tumayo.

Muli ay naghiyawan ang mga tao sa aming paligid. Muling tumugtog ang banda na nagbigay dagundong sa lugar.

Umakbay sa akin si Zed at sinabi na bumalik na kami sa kanilang bahay. Nagpaalam na kami kila Rhea at Fred na sa bayan na nakatira.

"Paalam! Magkikita pa tayo sa ausunod!" Sigaw ni Rhea habang nakataas ang dalawang kamay at kumakaway.

Nagpaalam na kami sa kanila at sinimulan na ang paglalakad pabalik sa lugar nila Zed. Pero bago pa kami makahakbang palabas ng bayan ay nakarinig kami ng sigaw.

"ZED! KID!"  Sigaw nito na ikinalingon namin ni Zed. Nakita namin si Scarlet na kumakaway sa amin.

Natawa kami ni Zed dahil ang layo na ng nalakbay namin pero hinabol parin niya kami para magpaalam.

Habang naglalakad pabalik ay tinanong ako ni Zed.

"Kid, paano mo nagawa iyon?" Sabi niya.

Nagtaka ako sa tanong niya. Siguro ay nahalata niya ang tanong sa aking mukha kaya nagaalita muli siya.

"Yung ginawa mo sa Bundok. Doon sa bangin. Paano mo nakuha ang Spirit ng Centaur? Diba isang Spirit god na iyon? Paano?!" Sabi nito sabay hawak sa aking balikat at inalog- alog ang aking katawan.

"Te- teka teka." Sabi ko at itinigil na niya ang pag alog sa akin. At doon nga ay sinabi ko sa kanya ang dahilan.

"Hindi ko rin sigurado. Sa tingin ko ay alam ng Spirit god na iyon na wala pa akong spirit kaya sa akin siya pumunta." Sabi ko.

"Paano mo nalan siya nakiha kung hindi mo nakuha ang Spirit Stone sa katawan nya?" Tanong ulit nito.

Nagtaka ako sa sagot niya. 'Hindi mo alam?!' Sabi ko sa isip ko pero naalala ko ang sabi ni Master tungkol sa prosesong iyon. Siguro ay nawala na ang paraang iyon sa aming henerasyon kung kaya't hindi niya alam.

Huminga ako ng malalim at sinagoot siya.

"Haaaaay. Sige, ganito ang nangyari. Gumawa kami ng Spirit Contract. Sa kasunduang iyon, naisioan ng Spirit god na iyon na gamitin ang aking katawan para maging bearer niya, pero hindi siya mapapasaakin ng habambuhay. Sabi doon sa kasunduan na kapag natapos na ang kaguluhang nangyayari sa bangin ay maaari na siyang makaalis na aking katawan at ipagpatuloy ang kanyang pagiging Guardian sa bundok." Sabi ko.

"Ay, nga pala, maaari rin pala niyang makontrol ang aking katawan para maprotektahan ang aking katawan at ang kanyang sarili mula sa pahamak. Ayun." Mahaba kong paliwanag.

Nakabakat sa mukha niya ang halong gulat at taka sa aking mga sinabi. Para bang hindi siya naniniwala sa aking sinabi pero wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang akin sinabi.

Tumango nalang ito at tumahimik. Medyo natawa naman ako sa kanyang reaksyon.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon