27

4.5K 222 4
                                    

Sumugod siya sa pwesto ni Scarlet na hudyat ng pagsisimula ng labanan. Umalingawngaw ang sigawan sa bangin. Sumugod na ang aking mga kasama laban sa mga bloodfist.

Biglang lumapit sa akin si Wency at nagtanong.

"Iinumin ko na ba ang ibinigay mo sa akin?"

"Hindi. Mamaya pa. Hindi pa ito ang tamang oras." Sabi ko sa kanya at tinignan ang paligid. Hindi ko tiyak kung paniniwalaan ko ang aking nakikita pero mukhang may pag asa kaming manalo sa labanan.

Pagtingin ko sa aking kanan ay nakita ko ang Centaur. Unti unti itong bumagsak sa lupa. Nang bumagsak ito ay agad yumanig ang lupa.

"Samahan mo ako!" Sabi ko kay Wency at tumkbo kami papunta sa pwesto ng Centaur.

Habang palapit kami ng palapit ay doon ko lang napansin kung gaano talaga ito kalaki. Madami itong sugat sa katawan at ang iba dito ay malalim. Agad kong inilabas ang aking mga potion at naghanap ng pwedeng ipanglunas sa kanyang mga sugat.

"Anong sinagawa mo!?" Tanong sa akin ni Wency.

"Naghahanap ng pwedeng igamot sa kanya." Sagot ko. Pagkapasok ng aking kamay sa aking lagayan ay nakadampot ako ng mga dahon. Agad ko itong inilabas at tinignan kung pwedeng ipanggamot.

"Bata, huwag mo nang sayangin ang mga dahon na dala mo sa akin. Tulungan mo ang Dragon na iyon. Mas malala ang kanyang mga sugat kaysa sa akin." Sabi nito sa akin.

"Hindi pwede. Malubha ang lagay mo. Mamaya ko na siya pupuntahan kapag pwede ka nang iwanan." Sabi ko.

Patuloy kong hinanap ang aking ipanggagamot pero nagsalita siya na ikinatigil ko.

"Unahin mo ang Drqgon na iyon. Mas madami siyang sigqt at siya ang punterya ng mga masasamang taong iyon. Siya ang tulungan mo."

Tinignan ko ito sa kanyang mga mata. Sinsero ang pagkakasabi nito at ang kanyang mukha ay seryoso. Siguro ay kaya nya talaga ang kanyang sarili. Hinawakan ko ang kanyang isang binti atsaka tumango.

"Pero bago ako pumunta sa Dragon,." Inilabas ko ang isang maliit na bote ng potion sa aking bulsa. "Wency, ipaamoy mo ito sa kanya. Unti unti niyang tatanggalin ang bisa ng itim na usok na nalanghap niya kanina." Sabi ko. Tumingin ako sa Centaur at nagsalita ulit.

"Huwag mong hahayaan na makuha ka ng mga Bloodfist." Sabi ko at sabay takbo.

"Huwag mo ring hahayaan ang aking kaibigan" sabi nito.

Sa kabila ng kanilang pagtatalo kanina, nakikita parin niya ang Dragon bilang kaibigan. Mabuting Spirit talaga ang Centaur na iyon. Agad akong tumakbo sa pwesto ng Dragon, Nang biglang may tumalsik na isang espada sa aking harap.

'Kid! Kunin mo ang espadang iyan!' Sabi ni master kaya kinuha ko iyon kaagad at sabay takbo muli. Habang papalapit ako ng papalapit ay bigla akong nagulat nang may humarang sa akin.

Isang bloodfist. Mapayat ito at nakasuot ng armor. Mayroon siyang hawak na espada sa kanyang kamay at isang shield sa kabila.

'Kid, dito na lalabas ang lahat ng pinag aralan at itinuro ko sa iyo. Gamitin mo ang lagat ng natutunan mo para matalo iyang payatot na iyan.' Sabi ni master.

'Opo.'
Agad kong inangat ang hawak kong espada at hinawakan ito ng dalawang kamay. Tinignan kong mabuti ang lalaki at pati siya ay naghanda na sa pagsugod.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon