Nang makapasok si Kid sa portal, hindi niya akalaing ganito na kaagad ang kanyang mararanasan pagkapasok na pagkapasok niya. Naghahalo ang takot at panik sa kaniyang katawan samahannpa ng malakas at malamig na simoy ng buso ng hangin na sumasalubong sa kanya.
"Master! Masteeer!" Gigil na sigaw niya. Unti unti naman itong narinig ng kanyang master kung kaya't sumagot ito habang inaararo ang lupa na kanyang pagtatamnan.
"Bakit Kid? May problema ba?" Kaswal na sagot nito mula sa singsing. Narinig ito ni Kid kung kaya'y walang anu- ano'y sumagot agad ito.
"N-nahuhulog ako Master mula sa langit. Mamamatay ako nito pag nagkataooon!" Medyo nabubulol niyang sabo dahil sa kaba.
Nang marinig ito ni Val, walang emosyon ang kanyang mukha.
"Aah." Singhal niya.
Biglang namula ang mukha ni Kid sa narinig. Para bang wala lang sa kanyang Master na unti unti na siyang nahuhulog mula sa langit.
Halos isang segundo nalang ay babagsak na siyang tuluyan sa mapunong lugar na iyon. King kaya't mlalong kinabahan si Kid at hindi napigilang sumigaw.
"MASTER VAL!" sigaw nito at unti unti na siyang babagsak sa lupa. Halos limang metro nalang ang layo niya sa punong kanyang babagsakan.
Napapikit ito at tinakpan ang kanyang ulo mula sa mga dahong tatama sa kanya. Hinihintay na lamang niya ang sakit na mararamdaman niya na tuluyang magbibigay wakas sa kanyang buhay.
Ngunit nagtaka siya dahil halos sampung minuto na pero hindi parin niya nararamdaman ang sakit ng kanyang katawan dahil sa mga baling buto.
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niya na halos maabot na niya ang mga dahon sa tuktok ng puno dahil sa sobrang lapit na niya.
Napansin niyang lumulutang siya sa ere kung kaya't nagulat siya sa nangyari.
"Hindi ko pala nasabi sa iyo, kapag pumapasok pala sa isang portal, kadalasan ay manggagaling ka sa ere at babagsak papunta sa lupa ng mundong iyong mapupuntahan. Hehe" sabi ni Val sa kanyang disciple.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ni Kid ay hindi parin mawala kahit na unti unti na siyang bumabakgak mula sa pagkakalutang. Kinontrol ni Val ang katawan ni Kid at gumawa ng isang uri ng technique dahilan para lumutang ito.
Nang nababa na sa lupa, lubos na nanghina ang mga tuhod ni Kid na para bang natunaw ang lahat ng kanyang buto kasama ng kanyang lakas.
Walang anu ano'y pumasok si kid sa kanyang singsing at hinarap si Val.
"Bakit di mo sinabi kaagad!?" Nanginginig parin nitong sabi sa Master.
"Nakalimutan ko eh" sabi ni Val sabay kamot sa kanyang ulo at nakangiti.
"DAPAT IYON ANG UNA MONG SINABI SA AKIN! Akala ko mamamatay na. Akoo!" Sani ni kid habang maluha luha.
Lumapit si Val sa kanya at hinawakan ito sa kanyang balikat. "Mabuti at alam mo na ngayon. Sa susunod, hindi ka na magugulat at matarakot pa kapag pumasok muli tayo sa Portal". Sabi ni Val sa kanya.
Hindi mapigilan ang ngisi ni Val sa kanyang mukha ang nangyari sa kanyang disciple. Halos ganoon rin kasi ang nangyari sa kanya noon makapasok siya sa una niyang napuntahan na portal. Mabuti na lamang at nagkataong sa tubig siya bumagsak.
Binigyan ni Val si Kid ng isang pill para raw mapakalma ang kanyang sarili. Ilang segundo lang at umepekto na ang gamot at sabay silang lumabas sa singsing.
Pinagmasdan nila ang paligid nila at nakumpirma naman ni Val na hindi pa siya nakakarating sa mundong ito. Halos walang pinagkaiba naman ito sa mundo kung saan sila nanggaling kung kaya't hindi masyadong malaki ang pag a-adjustnagagawin ni Kid sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Spirits
Viễn tưởngKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...