Nakinig ng mabuti si Kid sa kwento ni Scarlet nang biglang huminto ang karwahe hudyat na nasa harapan na sila ng manor ni Shin Feng.
Binagbuksan sila ng isang gwardya at bumati. "Magandang araw po sa inyo. Nasa loob ng Manor si Master Shin."
Tumango si Lin Dong at inilagay ang mga kamay sa likod at naglakad papasok sa loob. Kasunod niya si Scarlet at si Kid.
"Mabuti na nga lang at nakita ako ni Lin eh,. kung hindi, siguro ay wala na ako ngayon." Patuloy na kwento ni Scarlet.
Nang makarating kasi siya sa Gaia, bumagsak siya sa isang gubat. Masukal ang gubat dahilan para magtamo si Scarlet ng maraming sugat at bali sa katawan noong araw na iyon.
Nagkataon namang dumaan ang karwahe ni Lin Dong sa parte ng gubat na iyon dahil papunta siya sa isang baryo malapit doon.
Bali ang isang paa ni Scarlet dahil sa pagkabagsak ng katawan. Mabuti at naagapan ito kaagad at gumaling. Sa loob ng limang buwan ay nagpapagaling si Scarlet. Napagpasyahan niyang sumama kay Lin Dong para matutunan ang paggagamot at tungkol narin sa mundong kanyang napuntahan.
"Oonga. Pasalamat tayo kay Lin Dong." Sagot ni Kid.
Nakahinga ng maluwag si Kid sa narinig. Mabuti nalangat maayos na ang kanyang katawan kundi mapapagalitan siya ng ama ni Scarlet.
Tahimik lang na nakikinig si Lin Dong sa usapan ng dalawa. Napakamisteryoso nito at laging tahimik. Bihira lang ito magsalita at maririnig lang ang malalim nitong boses kung kailangan.
"Nandito na tayo." Sabi ni Lin Dong sa dalawa na may malalim na boses.
Ilang sandali pa at bumukas ang punti at sinalubong sila ng isang lalaki. May malaki itong pangangatawan ngunit medyo kulubot na ang balat. May katandaan na si Shin Feng ngunit hindi maikakaila na balakas parin ang pangangatawan nito.
"Maraming salamat at nakarating ka, Lin Dong. Ang pinakamagaling na doktor sa timog." Aniya.
Tumango si Lin Dong at nagsalita. "Nasaan ang pasyente?".
"Nasa loob. Pasok ka." Aniya. Maotoridad nitong sabi hudyat para pumasok si Lin Dong. Aakma namang papasok si Kid nang harangin siya ng kasama na gwardya ni Shin Feng.
"Siya lang ang maaaring pumasok." Sabi nito.
Mag pagtataka sa mukha ni Kid. "Bakit?"
"Ang mga manggagamot lamang ang maaaring pumasok sa loob ng kwarto ng prinsesa." Sagot nito sa tanong.
"T-teka, manggagamot din ako!" Sabi ni Kid ngunit bago pa marinig ng gwardya ang mga huli niyang kataga ay biglang sumara ang puntong nasa harapan niya.
*Tuggg!
Parang tinabunan naman ng malamig na tubig ang katawan ni Kid at napatalon sa lakas ng pagsara ng pinto. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Scarlet sa nasaksihan.
"Hahaha!" Hindi niya napagilang ilabas ang iniipong tawa. Bakat parin sa mukha ni Kid ang kanyang pagkagulat habang humaharap kay scarlet.
"Ayos lang iyon Kid!" Aniya ngunit hindi parin naaalis ang kanyang natatawang mukha. Blangko naman ang isipan ni Kid nang biglang naalala niya ang tungkol sa mga misyong kailangan niyang gawin.
Napaupo nalang siya sa kanyang kinatatayuan at napakamot sa ulo.
"Uuuurrrgghh!!!" Iritang sabi niya.
Paano na ang mga susunod na misyon nakailangan kong gawin?
Ano na ang mangyayari sa akin?
Naguguluhang sabi ni Kid sa kanyang sarili ngunit napigilan iyon nang magsalita ang gwardiyang nagbabantay sa pinto.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasíaKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...