"Aaaaahh!" Sigaw ng bata sa takot. Agad na sumuntok si Kid sa lalaking may patalim at tumalsik ang lalaking iyon palayo sa bata.
Nabitawan ng lalaki ang patalim dahil sa pagkakasuntok ni Kid. Dahan dahang tumayo ang lalaki. Tinitigan nito si Kid ngunit nang naramdaman niya ang awrang inilalabas ni Kid ay para bang bumaluktot ang buntot nito sa takot at tumakbo palayo.
*grhhaaaaaalll Sigaw ng lalaki.
Naglabas ng malakas na awra si Kid ngunit hindi niya ito napansin. Naramdaman nito ni Val at nagulat.
"Paano pa natuto si Kid ng Weapon intent? " tanong nito sa sarili dahil sa kanyang pagkakalala, hindi pa niya naituturo ito sa bata dahil parehas palang nilang pinag aaralan ang kakayanan ng Bemeroth.
Lumapit si Kid sa batang babae na muntikang atakihin ng lalaki. Nawalan ito ng malay diguro dahil sa takot.
"Kawawang bata naman ito." Sabi ni Kid at binuhat ang bata papunta sa damuhan at doon pinahiga. Inayos na ni Kid ang kanyang tent at gumawa pa ng isa para sa batang babae. Nang matapos ay nagsimula na siyang manghuli ng isda para kainin.
Nang nakapaghanda na ng pagkain ay ginising na ni Kid ang bata.
"Bata? Gising na." Malumanay na sabi nito sa bata. Inuga niya ang bata sapat pata magising ito.
*Urgh
Ungol ng bata habang dahan dahan niyang binuklat ang kanyang mga mata.
Nakiya niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanya at muli nanamang naalala ang nangyari kanina.
"Aaaaaaahh! Goblin! Tulong!" Sigaw ng bata sabay hampas hampas sa katawan ni Kid.
"Te- teka! S- sa-san- sandali!" Sigaw ni kid at pinigilan ang dalawang kamay ng bata sa paghampas nito sa kanya.
"Teka. Hindi ako goblin. Tao ako!" Sabi ni kid na unti unting nagpakalma sa bata. Unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakumpirma ngang tao ang nasa kanyang harap.
"Waaah!" Sigaw nito sabay yakap kay Kid at humagulgol ng iyak. Pinatahan siya ni Kid.
"Shh. Shh. Tama na. Kumain ka na muna at kanin ka pa tulog." Aniya sabay dala ng pagkain at binigay sa bata.
Pinahid ng bata ang mga luha at sipon na tumutulo sa kanyang mukha. "S-salamat poo." Sabi nito sabay kain ng inihaw na osda na ibinigay ni kid sa kanya.
Unti unting nahimasmasan ang bata at nagtanong na rin si Kid tungkol sa nangyari.
"Ano bang nangyari sa iyo? At, goblin? May goblin sa lugar na ito?" Sabi ni Kid sa bata.
"Naghahanap po kasi ako ng gamot para sa tatay kong may sakit. Wala naman pong doktor sa lugar namin pero sinabi po sa akin ng Aling Rosa na kailangan ni tatay ng dahon ng Blackfruit para gumalong eh." Aabi niya. Kumagat muna ito sa prutas na kanyang hawak at muling nagsalita.
"Habang papunta po ako sa gitna ng gubat, nakakita ako ng Blackfruit kaya agad aking pumitas ng dahon. Pero nagulat ako nang biglang may sumigaw sa likod ko. Goblin. Kaya ayun tumakbo na ako tapos napadpad ako dito..." sabi niya.
Nang marinig ito ni Val, malaki ang pagkakatulad nito sa dati nitang napuntahang mundo pero magkaibang magkaiba sa mga taong nandoon.
"Ah ganon ba. Gusto mo tulungan kita?" Tanong ni kid sa bata.
Tinignan ng bata si Kid na kumikislap ang mga mata sabay tango ng ulo bilang pagsang ayon.
"Ano palang pangalan mo.?" Tanong ni kid.
"E- emy" sabi nito.
"Ah. Ako naman si Kid. Natutuwa akong makilala ka." Sabi ni kid sa bata.
Dalawa ang daholan ni Kid kung bakit niya gustong tulungan ang bata. Una ay para makapunta sa isang bayan ba may mga tao para malaman kung nakapunta roon ang ibang spirit bearer na nakasabay niya papunta dito at pangalawa ay para malaman ang iba pang impormasyon patungkol sa mundong napuntahan niya.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...