"Kailangan nating hintayin ang ating mga kasama para makumpleto ang anting sandatahan. Ilang oras ng mula ngayon inaasahan ng ating darating na ang mga Giants. nagsimula na rin magbago ng mga armas ang mga duwende para sa gamitin natin sa digmaang ito." Sabi ni Priest Meng.
"Ngunit ang kinakatakot ko ngayon ay baka hindi nakayanan at hindi na kayang hintayin ng ating barrier ang pwersa natin. Wala pa dito ang Goblin King ibig sabihin ay hindi pa ito ang pinaka pwersa ng Goblins." Sagot no Shin Feng.
Agad na napaisip si Priest Meng sa sinabi ni Shin Feng. Malaki ang punto nito kung kaya't agad na nag isip na iba pang paraan si Priest Meng upang malabanan ang pwersa ng mga Goblins.
"Sige, Ganito ang ating gagawin. Lahat ng mga nasa Spirit Bearer na bihasa sa paggamit ng mga pangmalayuang armas ay pumwesto sa itaas ng gate. Ang aga naman ng marunong gumamit ng mga sandata ay nanatili dito." Sabi niya.
Agad na sumang-ayon at kumilos ang lahat papunta sa kanilang tamang lugar. Kumilos na rin si Kid ng tigilan siya ni Priest Meng. Hinawakan nito ang braso ni Kid na dahilan ng pagharap ni Kid sa matanda.
"Sumama ka sa akin" Sabi niya.
Agad na tumango si kid kahit na naguguluhan at sumama kay Priest Meng. Maski si Master Val ay naguluhan sa sinabi ni Priest Meng. Alam naman ng Priest na malaki ang maitutulong ni Kid sa pagprotekta ng Central City ngunit kailangan niyang malaman ang lahat.
Agad na kumilos ang tatlong palayo sa kaguluhan at direksyon sa Martial Hall. Nang makapasok sa Martial Hall ay isinarado ng Priest ang malaking pintuan ng naturang gusali.
"Sumunod ka sa akin" aniya sa binata.
Hindi maiwasang mapaisip si Kid kung bakit naroroon sila kung kaya't nagtanong ito sa Priest.
"Bakit po tayo nandito Priest Meng?" Aniya.
"mayroon akong ituturo sa iyo na alam kong malaki ang magiging pakinabang nito sa iyong paglalakbay. Hindi lang dito sa mundo namin, kung di na rin sa ibang lugar na iyong pupuntahan." Sagot nito
Patuloy lang silang naglalakad hanggang sa huminto sila sa isang pader na may mga nakaukit na hindi maintindihang letra at simbolo.
Inilapat ng priest ang kanyang dalawang palad sa naturang pader atsaka gumulong ng mga hindi maintindihang salita.
Nagtingnan ang magmaster sa ginawa ng Priest.
Ilang sandali pa ay biglang nakaramdam si Kid ng Pagyanig ng kanyang kinatatayuan. Maski ang pader na may mga nakaukit ay yumanig din. Ilang sandali pa ay biglang gumalaw ang pader na iyon at bumukas na parang isang pinto.
Maririnig ang malakas na pag ugong dahip sa tagal na hindi ito nagamit o nabuksan. May mga agiw ring makikita sa paligid ng pader at kumalat ito sa lugar.
Ilang sandali pa ay natapos narin ang pagyanig at sumabog ang napakaraming alikabok sa hangin. Hudyat ito na nakabuoas na ng husto ang pader na mala pinto.
*Stugggg!
"Pumasok na tayo. Wala na tayong oras." Aniya at agad na kumilos papasok sa loob.
Madilim ang parteng iyon ng Martial Hall at mahaba. Parang isa itong kweba na hindi na nagagalaw ng napakahabang panahon.
Habang naglalakad ang tatlo ay biglang nagaalita si Master Val para basagin ang katahimikan nila.
"Ano ba talaga ang gagawin natin dito?" Sabi nito sa Priest.
"Osya, makinig kayong mabuti sa akin." Panimula niya.
"Tatlong taon nang nakalipas, nagkaroon kami ng isang ekspidisyon sa lupain ng mga Goblin. Isa itong malaking sikreto na hindi namin maaaring sabihin sa maraming tao dahil panigurado ay makakagawa ito ng malaking kaguluhan."
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...