Habang patuloy sa paghahagis ng mga nagbabagang bato ang mga Goblin, nagsimula nang umatake ang iba. Nang makita nila ang mga Spirit Bearer naunti unting humihina, naghahanda na ang mga Goblin sa kani kanilang pag atake. Nakahanda narin ang mga Spirit Bearer at ang kanilang mga Spirit Beasts para sa pagprotekta ng kanilang nasasakupan.
Patuloy parin ang pagatake at pagdipensa ng mga Spirit Bearer laban sa mga pag atake ng mga Goblin, dumating na limang High Priest kasama ang kanilang mga estudyante. Isa na doon ay si Jay.
Si Jay ay isa sa mga magagaling na Spirit Bearer na kasabayan ni Kid. Ngayon ay nasa 6th Ascended Mortal Realm na siya at masasabing isa na siya sa pinakamagaling na Spirit Bearer na gumagamit ng espada.
Dahil sa gabay sa kanya ni Tandang Roma ay gumaling siya sa larangan ng paggamit ng espada at naturuan din siya ng ibang mga sikreto nito na makakatulong sa pagpapalakas ni Jay.
"Jay, ihanda mo na ang iyong sarili. Aatake na tayo." Sabi sa kanya ng kanyang kasama. Tumango siya bilang sagot at inilabas na niya ang kayang espada.
Ilang sandali pa at isa isa na silang lumabas sa barrier at umatake sa mga Goblin na handa naring lumusob sa kanila.
Maririnig ang sigawan ng dalawang panig na naging hudyat ng malaking labanan sa panig ng mga Goblin at mga tao.
"Waaaaahhhhh!!"
*Grrraaaaahhrrll!!
Habang paliit ng paliit ang pagitan ng dalawang panig, patindi ng patindi ang tensyon na nararamdaman ni Jay. Habang palapit siya ng palapit sa mga giblin ay unti unti niyang nakita ang mga nakakatakot nilang mga mukha, mga matatalas na pangil at mga matang hayok sa dugo.
Ilang sandali pa ay nag pang abot na ang dalawang panig at maririnig na ang pagtama ng mga espadang hawak ng mga tao sa matigas na laman ng mga goblin.
*Ssssiiluunnggg!!
"Waaahhh!!"
*Graaaahhhh!
Ilang sandali pa at tumama na ang espadang hawak ni Jay sa katawan ng isang goblin.
Sa unang pagkakataon ay nakita ni Jay ang kanyang espada na nakatusok sa kanang balikat ng goblin na patuloy sa pagdaing sa sakit na nadarama nito.
Hindi man sanay na makakita ng dugo ng goblin ay itinuon parin ni Jay ang kanyang atensyon sa pag atake sa mga goblin.
"Jay! Mag ingat ka, parating na ang mas madaming Goblin!" Sabi ng lalaki sa kanya."
"Oo! Ikaw rin. Mag ingat ka!" Sigaw ni Jay sabay kilos ng espada para atakihin ang goblin na papalapit sa kanya.
Habang patuloy ang pag atake ni Jay sa mga goblin, bumulusok naman ang napakabilis na palaso na tumama sa ulo ng isang goblin. Ang palasong iyon ay gawa sa liwanag kung kaya't nang bumaon na ito sa ulo ng goblin ay unti unti itong nawala at naglaho.
Bakat parin ang butas sa ulo ng goblin na unti unting bumagsak sa lupa. Agad na hinila ni Ana ang lubid ng kanyang pana at unti unting nagkaroon ng panibagong palaso at itinuro sa direksyon ng panibagong goblin.
Ginagamit ni Ana ang kanyang Armas na LightBow at kasabay nito ay ang paggamit niya ng kanyang Martial Art Skill na Keen Eye.
Ang Keen eye ay isang Skill kung saan mas lalawak at lilinaw ang iyong paningin. Ang kga skill na ito ay karaniwan sa mga gumagamit ng pana bilang pangunahing armas.
Ilang sandali pa ay binitawan na niya ang lubid ng kanyang pana at bumulusok ang liwanag na palaso at tumama sa isang goblin.
Nagpatuloy ang ganong paglalaban at sa sitwasyong iyon. Masasabi na lumalamang ang mga tao laban sa mga giblins.
Hindi naman kalayuan sa digmaang nangyayari, nakatayo ang misteryong lalaki. Si Stragori. Nakadungaw ito sa mataas na bahagi ng isang bundok kung saan makikita ng malinaw ang digmaang nangyayari.
Hindi nito mapigilang mapangiti sa mga nangyayari at nakikita. Ngunit napansin nito na unti unting nagagamay ng mga tao ang pakikipaglaban sa mga goblin.
Bumakat ang inis at galit sa kanyang mukha. Muling bumalik sa kanyang isipan ang mga imaheng nais na niyang makalimutan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at unti unting inalis ang mga imaheng iyon sa kanyang isipan.
Ang kaninang inis at galit ay napalitan ng isang nakakatakot na ngisi.
"Ha! Hindi ko inaasahan na mabilis nilang mako kontrol ang mga bagay dito hahaha! Bigyan pa natin sila ng kaunting takot." Aniya sa sarili sabay labas ng isang trumpeta na gawa sa isang malaking sungay.
Ilang sandali pa ay itinutok niya ito sa kanyang labi atsaka inihipan. Naglabas ito ng malalim ngunit malakas na tunog.
*Truuuuuuuummmmm!!!
*Truuuuuuummmmm!!
Malayo man ang pwesto ni Ana ay rinig niya ang malakas na tunog na iyon.
"Saan nanggaling ang tunog na iyon?!" Tanong ng isa sa mga kasama ni Ana.
"Hindi ko alam pero mukhang hindi iyon maganda." Sagot ni Ana sa kanyang kasama.
Dahil sa malakas na tunog na iyon, para bang nagbago ang pagkilos ng mga Goblin. Para ang naadik ang mga ito at nagsigawan sila.
*Grrruaaaagghhh!!!
*Waaaarrrggghh!!
Nagbigay ng kilabot ang mga sigawan ng mga Goblin sa katawan ni Ana. Sa kanyang buhay, ngayon lang siya nakarinig ng ganoong tunog at hindi iyon maganda para sa kanya. Nakakatakot iyon.
Ilang sandali pa at para bang nagkagulo ang mga goblin. Lalu silang nanging marahas sa pakikipaglaban.
Matindi itong napansin ni Jay. Hindi niya inaasahan ang mga pagbabagong nangyari sa mga goblin. Dahil doon ay ang ginamit ang isa sa mga skill niya upang protektahan ang kanyang sarili.
"Z Slash!" Pagkasigaw niya ay agad nabumulusok ang tatlong liwanag nagawa ng kanyang espada na mayroong hugis na Z.
Dahil doon ay nahiwa ang mga goblin na na daanan ng skill ito. Dumanak ang napakaraming dugo ng goblin sa kanilang kinatatayuan. Kulay pula ang mga ito ngunit mas itim kaysa sa normal na dugo.
Ganito na rin ang ginawa ng iba pang spirit Bearer at unti-unting nababawasan ang bilang ng mga goblin na kanilang nakikita.
Ngunit hindi nila inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Dumagundong ang lupa na kanilang kinatatayuan.at sa malayong parte ng digmaang iyon maririnig ang mga sigawan ng mga goblin.
*Grrrrraaaarrrlll!!
*Waaaarrrggghh!!
Mga malalaki at matatabang mga goblin. Mga hobgoblins. May suot silang mga sira sira at lumang armor at bukod doon, may mga bitbit din silang mga armas.
Gawa ang kanilang mga armor sa mga sira sirang bakal at mga balat ng hayop kasama ang mga pangil at kuko nito. Mas malaki ang kanilang pangangatawan kaysa sa mga normal na goblin. Malalaki rin ang kanilang mga pangil at may mga mahabang kuko.
Nang marinig nila ang hudyat ni Stragori, agad silang nag takbuhan na para bang mga nakawalang baboy at sumugod sa mga spirit bearer. Mula sa kinatatayuan ni Ana, kitang-kita niya ang mga pangyayaring iyon kung kayat hindi na mapigilan ang matakot sa kanyang mga nasaksihan.
Agad niyang hinila ang lubid ng kanyang pana at inasinta sa mga hobgoblins. Hindi mapigilan ni anna ang panginginig kung kaya ng bitawan na niya ang lubid ng kanyang pana ay sa iba ito tumama.
Sa loob naman ng Martial Hall, kung nasaan sila Kid, Priest Meng at Master Val, tahimik na binabasa ni Kid ang makapal na libro. Katabi niya si Master Val na kasalukuyan ding binabasa ang libro.
Habang nagbabasa ang dalawa, inihahanda na ni Priest Meng ang lahat para sa magiging brutal na pagbreaktrough ni Kid.

BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...