18

4.5K 227 14
                                    

"Sinasabi ko na nga ba! Magaling ka, Kid. Pero binabalaan kita, nasa walumpung porsyento palang ang lakas na ipinapakita ko sayo!" Sigaw at pagmamayabang ni Jay.

Nagulat naman si Kid sa narinig. Hindi ito makapaniwala na ang lakas na naranasan niya ay hindi pa pala lubusang lakas ni Jay.

Nag iba ang awrang inilalabas ni Jay pati na ng kanyang hawak na espada. Kapantay na nito ang lakas na ibilalabas ni Kid sa kanyang awra.

"Humanda ka! Z Strike!"

Biglang bumulusok si Jay sa pwesto ni Kid at inatake ang binata. Isinalag naman ni Kid ang kanyang mga kamay sa atakeng gagawin ni Jay.

Isa ang Z Strike sa mga pinag tuunan ng pansin ni Jay na Skill. Isa ito sa mga malalakas na Offensive Martial Art Skill na nasa Tier 1 Core Rank. Itsa itong skill na may tatlong sunod sunod na atake. Nasa 5★ na ang naabot ni Jay sa pagc- cultivate ng skill na ito kung kaya' t mapaminsala na ang skill na ito.

Ang una at pangalawang tama ng espada sa katawan ng kalaban ay magsisilbing liyab sa pangatlong atake. Kapag tumama ang dalawang atake, magiging triple ang lakas ng pangatlong atake kung kaya't isa ito sa mga kinakatakutang Skill.

Unang inangat ni Jay ang kanyang espada at tumama ito sa mga braso si Kid. Nagkulay pula ang espada ni Jay na punong puno ng lakas. Maririnig at pagkiskis ng dalawang metal dahil sa pagtama ng espada ni Jay sa malabakal na balat ni Kid.

*Ssshhrrriinng!!

*Tiiiinnggg!!

Ilang sandali pa'y umatake nanaman si Jay. Pangalawa sa kanyang atake ang pagpunterya sa katawan ng kalaban mula braso hanggang hita. Nang tumama na ang espada sa katawan ni Kid, ganoon parin ang kinalabasan. Walang sugat na natamo si Kid ngunit makikit ana nahiwa ng bahagya ang kanyang suot.

Ang pangatlong hiwa na ginawa ni Jay at nakasentro sa mga tuhod ng kalaban. Ito ang pinakamalakas na atake ni Kid kaysa sa naunang dalawang hiwa na kanyang ginawa.

Napalaki ang mga mata ni Kid dahil nag iba ang awra na inilabas ni Jay. Napaurong ito ng kaunti para maprotektahan ang kanyang mga tuhod.

Nakailag si Kid sa atakeng iyon ni Jay. Napangiti ito at sumugod sa pwesto ni Jay. "Calamity Punch!" Sigaw niya.

Pagsuntok ni Kid, sinalag ito ni Jay gamit ang kanyang espada. Nang masalag ito, mapapansin ang panginginig ni Jay nang isalag ang kanyang espada sa atakeng iyon ni Kid.

*Shhling!!

Hindi na niya ito kayang pigilan kung kaya't pinuwersa niyang itama ang kamao ni Kid sa entablado. Tumalon ito ng malayo kay Kid at tumuyan na ngang tumama ang kamao ni Kid sa entabaldo.

*Bblluggssh!!

Nabalot ng usok ang buong entablado. Walang makita sa itaas nito dahil sa ataking ginawa ni Kid.

"Hindi ko na makita!"

"Ano ang nangyayari!?"

" *Cough bakit umusok!?"

Unti unti nang tumila ang mga usok sa entablado at makikita ang imahe ng hawalang binata sa itaas nito. Mapapansin ang namumuong pawis sa dalawang magkatunggali. Mabibigat narin ang mga hininga ng dalawa dahil sa paglalabang iyon.

"Hindi talaga ako nabigo na sabihin kong magaling ka at karapat dapat kitang kalabanin." Sabi ni Jay.

"Simula palang noong bata ako, wala nang makatalo sa akin sa labanan ng espada. Kung kaya't natuwa ako nang makita ko ang tulad mo. Ang akala ko ay wala nang makakatalo sa akin. Ngayon, binigyan mo ako ng alinlangan sa isip ko kung mananalo na ba ako." Aniya sa kanyang kalaban.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon