Papalapit na ako sa dragon nang bigla itong magwala. Magpupumiglas ito mula sa pagkakatali sa kanya.
"Paalisin ninyo ako dito! Mga hangal!"
Pinipilit niyang alisin ang mga tali na nakabalot sa kanyang katawan. Dahil doon ay hindi niya maikilos ng maayos ang bou niyang katawan, pati narin ang kanyang mga pakpak. Ilang sandali pa ay may tatlong lalaking nakasuot ng kapa ang pumunta papalapit sa dragon. Mula sa Aura na kanilang inilalabas ay alam kong nasa step 8 spirit practitioner na sila.
Dahandahan nilang inilabas ang kanilang mga armas sa kanilang likuran at inatake ang dragon.
Maririnig sa buong lugar ang sigaw ng dragon. Nagsulot ito ng pagyanig sa paligid ng kweba. Agad akong napahinto sa pagtakbo papunta sa dragon dahil napansin kong ibinuka nito ang kanyang bibig.
"Itigil niyo iyan!" sigaw ko at umiwas sa lugar ng dragon.
Hindi nakinig ang tatlong lalaki sa akin at nagpatuloy parin sa pag-atake sa dragon. Ilang sandal pa ay iniharap ng dragon ang kanyanag bibig sa pwesto ng tatlong lalaki at ibinuga ang kanyang naipong lakas sa kanyang bibig.
AAAAARRRGGHH!!
Sigaw ng tatlo ngunit huli na ang lahat. Naging alikabok sila katulad ng ibinuga ng dragon.
Nakaramdam ako ng matinding takot sa aking nakita. Ngayon lang ako nakakita ganoong katinding atake mula sa dragon. Dahil sa aking naramdaman ay bigla akong napaatras at nilamon ng takot.
Ang tatlong malalakas na lalaki ay naging alikabok sa isang atake lang ng dragon.
'Kid! Ngayon na! puntahn mo na ang dragon at tanggalin ang mga tali na nakatali sa kanya!' sabi ni master sa akin.
Hindi ko kayang magsalita o ibuka man lang ang aking bibig sa sobrang takot. Paano kung mangyari din sa akin ang nangyari sa tatlong iyon!?
'Kid! Hindi ito ang oras para matakot! Bilisan mo dahil baka matalo tayo laban sa mga masasamang taong ito!' sabi ulit sa akin ni master.
Ipinikit ko ang aking mga mata at ikinalma ang aking sarili. Nang medyo nawala na ang kaba sa aking dibdib ay tumayo ulit ako mula sa aking pagkakabagsak at tumakbo ulit.
Nakita ako ng dragon na papunta sa kanyang pwesto. Biglang tumayo ang mga balahibo sa aking likuran.
"BATA! Gusto mo rin bang matulad sa kanila!?" sabi ng dragon
Agad akong napahinto sa pagtakbo nang narinig koi yon.
'Hwag mo siyang pansinin Kid! Dumiretso ka sa isang tali at subukan mong tanggalin!' sabi ni master
Agad ko naming itinakbo ang isang tali na malapit sa dibdib ng dragon.
Nang makalapit ako ay nakita ko ang dulo ng tali. Ang dulo ito ay may malaking pako na nakatusok sa lupa.
'Master, paano ko po tatanggalin ang mga pakong ito, masyado po itong malaki!' sabi ko kay master
'subukan mong hukayin ang paligid ng pako. Kapag nahukay mo na ang paligid nito, sabihan natinagn dragon na iyan na subukan niyang hulain ulit ang mga tali.' Sagot niya
Agad ko nalang sununod angsinabi ni master. Agad kong hinukay ang paligid ng pako upang madali itong matanggal.
Alam kong nakatingin ng maigi sa akin ang dragon. Marahil ay nagtataka ito sa aking ginagawa. Ang akala niya siguro ay susubukan ko rin siysng saktanat kunin ang spirit stone nito. Agad kong kinuha ang isang espada na malapit sa akin at tinusok ang lupa na nakapaligid sa pako. Kaunti palang ang lalim na aking natatanggal sa paligid ng pako ng bigla kong napansin ang isang lalaki na nakatingin sa aking pwesto.
Isa itong Bloodfist.
Agad akong tumigil sa paghukay at tumayo ng maigi. Kinuha ko ang shield na makapit sa akin at himarap sa kanya. Bigla kong inilabas ang aking Aura at sinnubukang ilabas ang Bemeroth sa akin nang biglang sumigaw si master.
'HUWAG! Huwag mong ituloy iyan Kid!'
Adag akong nagulat at inihinto ang pagpapalabas nito. 'Bakit po master?'
'kahit gamitoin mo ang Bemeroth at matalo mo ang isang iyan, malalaman ng ibang nasa paligid nanakuha mo ang Bemeroth. Papatyin ka nila para makuha ang Bemeroth sa iyo. Kaya huwag mong gagamitin iyan!' mahabang sabi ni Master
Agad akong tumango bilang pag sang-ayon kay Master at naghanda sa pag-atake. Pero kahit na nakahanda na ako sa kanyang pag atake ay hindi parin siya sumusugod. Imbes na sumugod ay tumalikod ito at naglakad palayo. Nagtaka naman ako kung bakit pero pasalamat naman ako at hindi na siya sumugod papinta sa akin.
Agad kong ipinagpatuloy ang pagtanggal ng pako sa lupa. Nang medyo malalim na angaking nakukay ay pinilit ko na itong tanggalin mula sa lupa.
Siguro ay napansin ng Dragon na tinatanggal ko ang Pako kaya agad itong nagpumiglas mula sa pagkakatali sa kanya.
Agad akong lumayo sa pwesto ng Dragon at nagtago muli. Dahil sa kanyang pagpupumiglas ay biglang natanggal ang pako na pilit kong tanggalin. Dahil sa nangyari ay isa isa nang natanggal ang mga pako at ang mismong tali na nakabalot sa dragon.
Wwrrraaaahh!!
Sigaw ng dragon na nagpatigil sa lahat ng naglalaban. Lahat sila ay tumingin sa pwesto ng Dragon na ngayon ay nakatayo at nagngingilit sag alit.
"Mga hampas lupa kayong mga tao kayo! Sinuukan ninyo akong patayin! Humanda kayo sa ginawa ninyo!" sigaw niya sabay ipon ng isang bolang lupa mula sa kanyang bibig.
Agad na nagtakbuhan ang aking mga kasama at natirang natayo ang mga Bloodfist na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na natanggal ang Dragon sa pagkakatali.
Dahil sa nanyari ay imbis na matakot at magtago ang mga ito, sumugod silang lahat sa pwesto ng dragon. Lahat sila ay nag-Morph at inilabas ang kanilang lakas para mapatumba ang Dragon.
Naglaban ang dalawang panig. Madami laban sa malakas.
Hindi nagtagal ay ibinato nan g Dragon ang pwersang kanyang inipon sa kanyang bibig papunta sa pwesto ng mga Bloodfist. Agad naming isinalag ito nang mga Bloodfist gamit ang kanilang mga kapanyarihan.
At nabalot ang buong lugar ng liwanag at malakas na pagsabog.
BOOOOM!
Napapikit ako sa liwanag, usok , alikabok at pagsabog na nangyari. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na nalaman dahil nabalot ako ng dilim.
************
Mayroong dalawang tao na nakatayo sa aking harapan. Kahit madilim ang paligid ay alam ko kung sino ang dalawang iyon. Mula sa tindig, kilos, paglalakad. Kilalang kilala ko sila.
Mama! Papa!
Sigaw ko.
Naglalakad sila palayo sa akin. Agad akong tumakbo papunta sa kanila ngunit kahit anong bilis ang aking takbo ay hindi ko sila mahabol. Sigaw ako ng sigaw pero kahit anong gawin ko ay hindi sila lumilingon sa akin. Nakita ko nalang na mayroong isang dragon na nasa kanilang harapan. At hindi lang ito ordinaryong dragon. Ang dragong iyon ay ang dragon na kanina ay kumakalaban sa mga Bloodfist. Nakatayo ito sa harapan ng aking mga magulang at nakatingin sa dalawa.
"Sinubukan ninyo akong patayin! Ito ang kabayaran!" sigaw ng Dragon at inihagis sa aking mga magulang ang mga lupa at alikabok na naipon nito sa kanyang bibig.
"WAAAAAAAAAAGG" sigaw ko.
At bigla akong napaupo mula sa aking pagkakahiga. Pagkabangon ko ay inikot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking mga kasama. Ang iba ay sugatan at ang iba naman ay may hawak na sulo. Nagtaka ako sa aking nakita dahil alam kong nasa bangin kami pero hindi ko natatandaang pumasok kami sa isang kweba.
Bigla akong napaisip sa mga sumunod na nangyari nang atakihin ng mga Bloodfist ang Dragon.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...