40

3.5K 259 40
                                    

*GRRRRRAAAARRRLLL!!!

Sigaw ng Goblin King. Nagdulot ito ng pagyanig at kilabot sa mga Spirt Bearer. Bawat hakbang nga Goblin King, patindi ng patindi ang bigat ng Arwa na nilalabas niya.

Lahat nga mga Spirit Bearer ay unti unting nawalan ng balanse mahinang paglindol na nagawa ng Goblin King.

"Mga Spirit Bearer! Atake!" Sigaw ni Shin Feng sa lahat at nagsimulang sumugod ang lahat. Kasama ang kanilang mga Apirit Beast, sabay sabay sumugod ang mga Spirit Bearer sa mga Goblin.

Ang mga Archers ay sabay sabay na hinila ang kanilang mga pana at sabay sabay ring binitawan na nag iwan ng mala ulan na pana nq unti unting bumabagsak sa mga Goblin.

Isa isang natamaan ang mga goblin. Ang iba ay bumagsak ngunit karamihan sa kanila ay nakaiwas at nakaligtas.

Patuloy ang labanan sa ibabang bahagi ng lupain. Maririnig ang mga sigawan ng mga goblin dahil sa mga atakeng kanilang natamo. Kasabay ng mga sigawan nila ang pagbigkas ng mga Martial Art Skill na gamit ng mga Spirit Bearer.

Patuloy ang pag atake ng mga tao babg biglang marinig ang pagsigaw muli ng Goblin King.

"Graaarrrl!! Mga tao! Mga goblin, sugod!" Sigaw niya at para bang nagayuma ng Goblin King ang lahat ng Goblins at nagsimulang sumugod ng sabay sabay sa mga Spirit Bearer.

Marahas na sinugod ni Shin Feng ang mga Goblin na nasa kanyang harapan. Sinisigurado niyang lahat ng kanyang masasagupang Goblin ay wala nang hininga.

Sa bawat wasiwas niya ng kanyang espada, may halos tatlo o apat na goblin ang kanyang natatamaan. Habang padami ng padami ang mga Goblin na pumapaligid sa kanya, pabilis ng pabilis ang kanyang pag atake sa mga ito. At sa bawat hiwa sa katawan ng mga goblin na kanilang natamo, paniguradong wala na silang bukas na aabangan.

Sa isang iglap, ang mga nakapalibot kay Shin Feng na mga goblin ay namatay at nakahandusay na sa lupa. Dahil doon, nakatawag pansin siya ng mga Hobgoblin.

walang anu ano'y diglang sumugod ang mga ito sa pwesto ni Shin Feng. Sa unang pagkakataon, gumamit si Shin Feng ng mga Skills na pag mamay ari ng kanilang pamilya.

Iniangat niya ang kanyang ispada at sabay sigaw ng isang skill.

"Skygod Deity Decend!"sigaw niya.

Ilang sandali pa, para bang may bumagsak na ilaw mula sa langit na tumama kay Shin Feng. Nakatawag ito ng pansin mula sa mga Spirit Bearer pati na sa mga Goblin. Pati ang Goblin King ay napatingin sa pwesto ni Shin Feng.

Unti unting nagbago ang awra ni Shin Feng. Hindi ito sinlakas ng awrang inilalabas ng Goblin King ngunit nakakatakot parin yun.

Ang pamilya ni Shin Feng ay ang nag iisang lineage sa Gaia na nakapag aral at nakapag master ng Skill na Skygod Deity. Isa itong Martial Art Skill kung saan ang Physical Strength ng isang Cultivator ay madodoble. Magkakaroon siya ng Deity Seal sa kanyang noo at magkakaroon siya ng pqkpak sa likod na parang isang Anghel mula sa langit.

Ang Skygod Deity ay isang kakaibang Skill dahil magagamit mo lamang ito kung ang iyong buhay ay nasa bingit na ng kamatayan. Kung kaya't paniguradong delikado ang magiging kakalabasan ng laban nila ng Goblin King.

"Mas mabuti pang isa-alang alang ko ang aking buhay kaysa mawala ang kinabukasan ng lupain na ito! Waaahhh!"

Nang makita ito ng Goblin King, agad na sumugod ito sa pwesto ni Shin Feng at handang umatake. Agad namang naghanda si Shin Feng at lumipad sa himpapawid.

Agad na nagsagupaan ang dalawa na nagpabago ng awra sa paligid. Dalawang malalakas at kakaibang awra ang bumabalot ngayon sa paligid na nagdudulot ng mahinang pagbago ng ihip ng hangin.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon