Dalawampu't walong taon na ang nakalipas, sa Central City, naganap ang isang malaki at mapaminsalang Gyera. Laban ito ng dalawang malalakas na race sa Gaia, ang mga tao at mga Goblins.
Nag ugat ito nang balak sakupin ng mga goblins ang kalupaan ng mga tao. Ngunit hindi sila nagtagumpay dahil mayroong mga dahilan kung bakit napigilan ang kanilang pagsakop sa mga tao.
Una na dito ang paggawa nila ng bakod na humaharang sa kalupaan ng mga tao at mga goblins. Ginawa ito ng mga God Mortal Realm Cultivators noong unang panahon pa para protektahan ang buong lugar. Isa itong Invisible Barrier kung kaan hindi maaaring makapasok ang mga hindi tao. Mayroon ding mga matatalas na hangin at delikadong mga lugar na naghaharang sa mga lupaing ito kung kaya't dehado ang mga goblin nang subukan nilang sakupin ang kalupaang iyon.
Pangalawa sa dahilan ay ang pagkamangmang ng mga Goblins. Hindi sila maruning sa pagc- cultivate kung kaya't malaki ang diperensya ng kanilang mga lakas.
Pangatlo ay ang pagsasama ng pwersa ng mga dwende at mga tao. Malaki itong dahilan kung bakit nanalo ang mga tao laban sa mga goblin.
Bago pumutok ang pulang buwan sa kalangitan, nagkaroon na ng babala sa mga tao na magkakaroon ng malaking pagsasakop sa kalupaan ng mga tao. Dahil sa isang kasunduan, tinulungan ng mga dwarves at humans ang isa't isa.
Tinulungan ng mga tao ang mga Dwarves sa pangangalap ng pagkain. Ang lupain kasi ng mga Dwarves ay mabato at kaunti lang ang lupain na maaaring pagtamnan kung kaya't ito ang naisip na ipagpalit ng mga tao. Kapalit ng mga pagkain at pananim, tutulungan ng mga Dwarves ang mga tao sa paggawa ng mga armas.
Bilang kilala ang mga Dwarves sa larangan ng pagpapanday, tinulungan nila ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga matitibay at magagandang mga armas.
Matapos ang halow isang buwang paghahanda, dumating na kinakatakoy na pangyayari ng mga tao. Tapos na maghari si haring araw at napalitan ang kalangitan ng mapula at nakakatakot na buwan.
Sa panahong iyon, si Joshua, kasama ang ibang mga galing sa ibang mundo at ang ama ni Kid, ay tumulong sa pagprotekta ng lupain ng mga tao. Katulad ni Kid ay nakapunta narin siya dito sa Gaia at naabutan niya ang pinakamalaking pananakop na mangyayari.
Pagputok ng pulang buwan maririnig ang mga sigaw at tawanan ng mga Goblins.
*Gggrrrrraaaaarrrll!!
*Shcrrriieeekkk!
*Chhraaaagg!!
Nagdulot ang paninindig balahibo ang mga boses at tunog na iyon. Hudyat para sinulan ng mga goblin ang katakot takot nilang paglusob. Nakatayo ang mga tao at hinihintay ang pagpasok nila sa loob.
Mistula bang yumanig ang lupa nang magtakbuhan ang mga Goblin salubong sa harang na ginawa ng mga tao. Sobrang dami ng mga Goblins na para bang hindi na mahulugan ng karayum ang mga espasyo nila sa isa't isa.
Madaming mga goblin ang pumalibot sa barrier na ginawa ng mga tao. Tuloy tuloy sa pagtakbo ang mga maliliit na Goblin. Maiingay sila at napakarami.
Mapapansin ang kanilang mga matatalas na ngipin at mahahabang tenga. Maymga dala silang matatalim na bato at ang iba ay may hawak pang mga dagger. Kulubot ang kanilang mga balat na kulay luntian. May nga tumutulong laway mula sa kanilang mga bibig at nanlilisik ang kanilang mga mata.
Kung isang normal na tao ang makakakita ng ganitong uri ng nilalang, paniguradong kakaripas sila ng takbo. Pero nang makita sila ng mga Cultivators, para bang nangati ang kanilang mga kamay at gusto nang makapaslang ng mga goblins.
Ilang sandali pa ay tumama na ang mga goblins sa barrier at isa lang ang kumalat sa lugar na iyon, ang kanilang mga dugo't laman.
Bumalot sa buong lugar ang amoy ng masangsang na amoy ng mga katawan ng mga Goblin. Wala ni isa ang nakalusot sa loob ng barrier ngunit nang dumating na ang mga higanteng goblins, ang mga Ogre.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...