18

4.9K 257 7
                                    

"Ano sa tingin ninyo ang paraan para mabilis nating mahanap ang pwesto ng mga kalaban?"

"Hindi ko sigurado eh. May naiisip ba kayo?"

Halos mag iisang oras na kaming nag uusap tungkol sa kung paano maikot ang Havanna ng mabilis at ligtas. Nandito ngayon kami sa tent ng Guide namin at nag uusap tungkol sa kung paano ang stratehiya kung paano masuyod ang Havanna ng mabilis. Nandito rin ang mga napiling "lider" kung saan napili ako.

Sa isang oras na lumipas ay nasabi ng Guide kung ano ang hugis ng Havanna, mga pwesto ng mga Kweba, ilog, mga sapa at mga posible naming makaharap na mga Spirit Beasts.

"Katulad nga ng sabi ko sa inyo, hindi ligtas kapag sama sama at sabay sabay tayong aakyat. Mas mabilis tayong makikita ng mga Wild Spirit pag nagkataon!." Sabi ng isa sa amin.

"May punto ka diyan. Pero limitado lang ang mga manggagamot sa atin at hindi pa masyadong bihasa ang iba." Sagot nung isa.

"Paano ang gagawin natin?"

"Paano kung isang grupo muna ang mauuna at susunod doon ang iba pa." Sabi ni Scarlet. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin ay magkakaroon tayo ng isang magaling na grupo na sila lang muna ang aakyat. Mabuti at mayroon na tayo ng kopya ng havanna ay mas madaling malibot iyon. Kapag naakyat na nila at nasiguradong ligtas na ay sa lang aakyat ang iba." Paliwanag niya.

Napaisip kami sa sinabi niya. Mukhang maganda ang naisip niya. Pero....

"Sino naman ang sasama sa unang Grupo? Ang grupong iyon ay magbubuwis ng buhay para sa iba. Madaming mag aalinlangan na sumama ssa sinasabi mong grupo kung buhay naman nila ang nakasalalay tama?" Sabi ng isang lalaki.

Napatingin silang lahat sa lalaki at napaisip sa sinabi niya. Totoo naman na magiging delikado ang magiging misyon nggrupong iyon. Buhay ang nakataya kung magkatagpo sila ng malakas na kalaban o kaya ay isang Wild Spirit. Wala pang matanda na kasama papunta doon. Nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Parang nawalan sila ng pag asa na makaisip ng paraan papunta doon. Siguro ay kailangan ko nang magsalita.

"Sasama ako." Simple kong sabi na ikinatingin nila sa akin. "Wala naman sigurong masama kung sasama ako diba?" Sabi ko.

Nagtinginan sila sa akin. "Sino ka naman?" Tanong ng isa sa mga lider.

"Wala. Isang normal na tao lang. Huwag ninyo akong pansinin. Pero maganda ang naisip niya. Kaya sasama ako." Simple kong sagot. Hindi ko kailangangang sabihin kung sino ako sa kanila dahil sigurado naman akong hindi nila ako bibigyan ng pansin. Isa lang akong normal na binata na walang Spirit.

Binalewala lang nila ang sinabi ko at nagtinginan ulit. "Sige, sasama na rin ako. Kasama ang grupo ko. Para madami tayo." Sabi ng isang lalaki.

"Sige. Tatlong grupo ang magiging unang grupo papunta doon. Sisimulan  natin ang pagpunta doon bukas. Maliwanag?" Sabi ni Scarlet. At nagsilabasan na silang lahat. Natira kaming tatlo at ang Guide.

"Bago ang lahat, magpakilala tayo sa isa't isa. Ako si Scarlet. Anak ni Yung Fei. 7th step Spirit Practitioner." Sabi niya.

"Ako si Miguel. Galing sa Akademya ng Shoyo. 9th Step Spirit Practitioner. Ikinagagalak kong makasama kayo." Sabi niya.

Kumunot ang mga kilay ko sa mga narinig ko. Grabe palang mga kasama ko dito. Ako lang ang pipitsugin! At ang isang ito, galing Pang Shoyo!? At ang mga Step nila, nahigitan pa nila si Zed. Ibig sabihin malalakas na talaga sila. Alam ko kung gaano kalakas si Zed sa Stage niya ngayon pero iba ang dalawang ito. Kakaiba sila.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang dalawa sa akin. Siguro ay hinihintay nila akong magsalita.

"Ah- ehh. Haha. Ako si Kid. Galing Spirit Health Org." Sabi ko.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon