Habang naghahanda si Kid ng kanyang mga gamit na dadalhin sa kanyang pagbalik sa kanilang mundo, Mayroon ulit na bisitang pumunta sa kwarto ni Kid.
"Sino iyon Master?" tanong ni Kid kay Master Val.
"Kamusta ka na Kid?" rinig na boses ni Kid. agad namang napalingon si Kid sa pinaggalingan ng boses at nakita niya sila Shin Feng at kanyang anak na si Kesha.
"Mabuti naman ako. Nakapagpahinga na ng maayos." sabi ni Kid kay Shin Feng.
"Mabuti naman kung ganon. Bale pumuntaa kami dito ni Kesha para magpasalamat sa iyo at magpaalam narin. Nabalitaan namin na malapit na kayong bumalik sa mundo ninyo kung kaya't hindi na namin aantayin ang araw na iyon para magpaalam sayo." mahabang sabi ni Shin Feng.
"Ganon ba? Naku salamat ah. Haha! " sabi ni Kid.
Nag usap pa ang dalawa tungkol sa mga bagay bagay at nang matapos ay napagseisyunan na ni Shin Feng na umalis.
"Mauna ka na Ama. May sasabihin lang ako kay Kid." mahinhin na sabi ni Kesha sa kanyang ama.
"Sige. Antayin nalang kita sa Manor ah! Mag ingat ka!" sabi ni Shin Feng sabay bukas ng pinto ng kwarto ni Kid.
"Saglit lang ito Ama. Hintayin nyo nalang ako sa labas." dagdag ni Kesha sa Ama.
"Ganoon ba, sige." sabi ni Shin Feng at sabay labas ng Kwarto. Naiwan sa loob sila Kid ar Kesha. Tahimik ang kanilang paligid at walang nagsasalita sa kanila. Hindi naman napigilan ni Kid ang basagin ang katahimikan dahin hindi siya sanay sa matinging katahimikan.
"HHrrm! K- kamusta ka naman?" tanong ni Kid.
"Mabuti." mahinang sabi ni Kesha pero sapat na para marinig ni Kid. "Uhm. Pumunta ako sito para pasalamatan ka. Hindi lang ang sakit ko ang pinagaling mo, pati narin ang problema ng Central City ay pinagaling mo rin. Dahil doon, salamat." Sabi ni Kesha kay Kid. Medyo namumula ang mga pisngi ni Kesha nang sabihin ang mga salitang iyon.
Napangiti naman si Kid sa mga sinabi ni Kesha at hindi napigilang tumawa.
"Haha! Walang problema. Sa maikling panahon, tumira ako dito sa Central City. Kung ito ang paraan para magpasalamat sa Central City sa pagkupkop sa akin at pati na sa mga kasamahan ko, ayos lang sa akin. Atsaka, ang pagtulong ko sayo ay isang trabaho na ibinigay sa akin ng aking naging guro. Kung kaya't kailangan ko talagang gawin iyon." mahabang paliwanag niya.
"Ah, ganon ba. Pero salamat parin sa lahat." sabi ni Kesha sabay tayo at aakmang papunta sa Pinto para lumabas nang bigla siyang huminto. Mabilis siyang humarap kay Kid at nagbigay ng isang matamis na halik sa binata.
Nagulat si KId sa ginawa ni Kesha pero hindi siya mapagsalita sa ginawa ng dalaga. Lalo namang namula ang mga pisngi ni Kesha na unti unting kumakalat sa buong mukha niya. Nang maghiwalay ang kanilang mgalabi ay mabilis na umalis si Kesha at isinarado ang pinto ng kwarto.
"Ama, halikana!" rinig ni Kid na sabi ni Kesha.
"Oh! Anong nangyari sayo?-- Teka! Huwag kang magmadali!" sabi ni Shin Feng sa anak sabay habol dito.
Mabilis na lumipas ang mga araw at nalaman na nila Kid ang pwesto kung saan nabubuo ang portal pabalik sa kanilang mundo. Sa halos ilan libong mga kasabay ni Kid sa unang beses niyang pumasok sa loob ng portal,Ngayon ay medyo madami ang na bawas sa kanilang bilang. Ang ilan sa kanila ay nasawi dahil sa nangyaring digmaan at ang iba naman hindi pinalad sa kanilang pamumuhay sa Gaia.
Unti-unti nang nabubuo ang portal ng kanilang dadaanan para makabalik ulit sa kanilang mundo.
"Unti unti nang bumubukas ang Eye of Hamlet! Mga kasama, Makakabalik na tayo!" sigaw ng isang lalaki na may malaking pangangatawan.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...