"Anong nangyayari!?" Tanong nila sa akin. Alam ko na natatakot sila sa kanilang nararamdaman pero hindi ko kayang sagutin ang kanilang tanong dahil hindi ko alam ang nangyayari.
"Ano ang gagawin natin, Kid?" Tanong ni Scarlet sa akin.
"Umiwas muna tayo sa lugar na ito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyayari." Sabi ko at lumayo ng kaunti sa pinaggagalingan ng pagyanig.
Halata sa kanila ang takot pero hindi parin patitinag ang tapang sa mukha nila.
"Makinig kayo ng mabuti." Pasimula ko. "Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Isa iyon sa pinakabihirang mangyari sa mga spirits pero sigurado ako sa nakita ko."
"Ano ang nakita mo! Sabihin mo na sa amin!" Sigaw ng isang lalaki sa likod.
Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Alam natin na ang bawat aspeto sa ating mundo ay may nagbabantay na Spirit Gods, tama?" Sabi ko sa kanila at tumango sila. "Pero bihirang mangyari ang Dalawang Spirit Gods na naglalaban. Bakit? Dahil may sari-sarili silang nasasakupan. Ang Nature Spirit ay para lang sa Nature, ang Fire ay para sa Fire at iba pa. Kaya bihirang mangyari ang paglalaban nila." Sabi ko. Habang nasa Spirit Forest ako noon, tinuro sa akin ni master ang halos lahat ng kanyang nalalaman pati na ang mga kilos ng mga Spirits kung kaya, medyo gamay ko ang tungkol dito.
Nasabi ni Master ang tungkol sa mga Spirits na naglalaban. Parang mga Hayop sa gubat na naglalaban para sa teritoryo. Sabi ni master ay mas matindi ang labanan kung mas malakas ang naglalaban. Alam ko iyon pero iba pala talaga kapag nararanasan mo na.
"Sa tingin ko, alam ko ang dahilan nito. Alam natin na nanggagaling ang mga Spirits sa Spirit World at pumupunta sa mundo natin. Hindi maiiwasan na nagkakaroon ng 2 o hanggang 3 Spirit Gods ang Sabay sabay napupunta dito kung kaya, naglalaban sila para sa kanilang teritoryo. At kung maglalaban sila, nakataya doon ang kanilang nasasakupan. Kapag natalo sila, mapupunta sa nanalo ang kanyang sakop at sa malalang sitwasyon, mamatay ang Spirit God na natalo." Sabi ko.
"Iyon ang nangyayari sa bangin?!" Sabi ng lalaki.
"Pero bakit ganon!?"
Nagdedebate ang bawat isa kung tutuloy pa o hindi dahil alam namin na wala kaming laban sa isang Spirit God. Dalawa pa kaya.
"May koneksyon ang nangyayari sa mga Bloodfist?" Tanong ni Fred sa akin. Tumahimik sila at tumingin sa akin.
"Hindi ko sigurado." Sabi ko.
"Bumalik nalang tayo sa kampo at magpatulo-" sabi ni Scarlet pero hindi ko siya pinatapos.
"Pero.." sabi ko at tumingin sila sa akin. "May kutob ako. Mayroong tumatakbo sa isip ko na baka konektado ito sa mga Bloodfist." Sabi ko.
"Paano mo nasabi, Kid" tanong ni Zed sa akin.
"Sa tingin ko ay gusto nilang makuha ang dalawang Spirit Gods." Sabi ko na ikinalaki ng mga mata nila. "Kapag natalo mo ang isang spirit god, nilunok ang spirit Stone nito at kunin ang mga parte nito para gawing weapon, panigurado ay lalakas ang pwersa nila." Sabi ko.
"Pero paano nila matatalo yung dalawang Spirit na iyon! "
"Kahit anong sabihin mo, hindi nila matatalo iyon." Sabi ng mga kasama namin.
"Sa tingin ko ay may punto si Kid." Sabi ni Fred. Napatingin ako sa kanya. "Iyon siguro ang balak nila. Pero hindi pa sila aatake ngayon dahil alam nila na matatalo sila ng Spirit gods. Kaya, aantayin nila na natalo na ang isang Spirit god at mahina na ang isa, saka sila susugod." Sabi niya at tumingin sa akin.
Tinaguan ko siya dahil doon. Iyon din ang nasa isip ko. Imposibleng matalo ng isang ordinaryong Spirit Bearer ang isang Spirit god. Pero kapag mahina na ito, kapag marami sila, ay matatalo nila ito. Madaming buhay ang kapalit pero ang gantimpala naman ay malaki.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...