Bago ako bumalik sa totoong mundo, lumapit sa akin si master.
"Kid, hindi naman siguro patas kung ako lang ang bibigyan mo ng isang mahalagang bagay. Kung kaya't..." sabi nito at itinapat ang kanyang dalawang daliri sa aking noo. Inang samdali pa ay umilaw ang kanyang daliri at unti unting napuno ang aking isipan nag hindi maipaliwanag na kaalaman. Mawaming mga bagay na pumasok sa aking isip na hindi ko akalaing malalaman ko dahil sa ginawa ni master.
"Sampung posyento lamang iyan ng aking mga nalalaman at karanasan. Alam kong maliit na porsyento lang iyon pero sa tingin ko ay makakatulong na ang mga bagay na iyan sayo ngayon." Aniya.
SAMPUNG PORSYENTO!? MALIIT?! Halos sumabog ang ulo ko sa sobrang dami ng kaalaman na ibinigay mo tapos malalaman kong 10 posyento lang iyon? Gaano kalakas si master? Gaano katalino si master? Iyan ang mga tumatakbong tanong sa aking isip nang makalabas ako sa singsing.
Pagdilat ko ay ganoon parin ang sitwasyon sa paligid. Kaunting mga taong naglalakad sa paligid. Ang kwintas ay suot ko parin pati narin ang singsing. Itinago ko rin sa aking bulsa ang isang litrato ng aking nanay at tatay.
Tumayo ako at bumalik na sa plaza. Pagdating ko doon ay sakto nang umpisa na ng piging.
Nagkakainan na nga mga tao sa paligid. Madaming nag alok sa akin ng pagkain at inumin kung kaya't tinanggap ko iyon ng nakangiti.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng palasyo hudyat para pumasok ang mga kabataan sa loob. Isa isa na kaming pumasok sa loob. Bumungad sa aming ang napakalawak na espasyo. Ang kisame ng loob ng palasyo ay mas mataas pa sa isang matanda at mayabong na puno. May mga burda at nakaukit doon sa kisame . Napakabusisi ng pagkakaukit nito kung kaya't kahit malayo ay ang gandang tignan.
May nga mgagandang disenyo rin sa loob nito. May mga porselenang paao na may magagandang bulaklak, mga ilaw na parang bituin sa kisame at mga gwardyang nakatayo sa aming nilalakaran upang maging tanda ng lugar na amin lamang pwedeng daanan. Ilang sandali pa ay nakita na namin ang hari kasama si Scarlet sa harapan.
Hinanap ko sila Zed para makatabi ko silang tatlo.
"Ikinagagalak ko kayong makitang lahat dito sa palasyo. Mais ko kayong pasalamatan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pill. Ang pill na ito ay makakatulong sa inyong mga katawan at sa inyong spirit para mapalakas at mapataas ninyo ang inyong stage sa saglit na paraan." Sabi nito sabay angat ng isang uri ng pill na may pulang kulay. Mayroon itong lumikinang na parang ginto kasama ng pula na mismong kulay ng pill.
Habang tinititigan ko ito, naisip ko na mahusay ang pagkakagawa ng pill. Sa tingin palang ay mapapansin mo na na isa itong mataas na uri ng pill kung saan libo ang halaga. Maaari ko itong ihalintulad sa Spirit Booster pill na ginawa ko noon.
Tekaaaaaa...
"Ang pill na ito ay ang Enhancing pill mula sa Spirit Health Organization sa ating bayan. Malaki ang pasasalamat natin sa kanila dahil binigyan nila ang bayan ng pagkakataon upang mapalakas ang mga tagapagtanggol natin sa hinaharap." Sabi nito.
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Mukhang kumita nanaman ang pill na aking ginawa. At ang mas nakakatawa pa roon ay ang pill na iyon ay mismong ako ang gumawa.
Agad kong itinaas ang aking kamay kung kaya't ang atensyon ng hari at ni Scarlet ay napatingin sa akin.
"Pasensya na po sa komusyong ginawa. Nais ko lamang itong kung ano po ba ang matatanggap ng mga walang Spirit na nakibahagi sa paglalakbay?" Tanong ko. Sabay sabay na lumingon ang lahat sa aking pwesto lalu na sila Zed, Fred at Rhea na ang lalaki ng kanilang mga mata.
"Sa aking pagkakatanda, nasa 30 lamang ang mga nakilahok sa paglalakbay na walang spirit. Karamihan dito ay mga spirit healers kung kaya't bibigyan ko sila ng kopya ng paggawa ng pill na ito. Alam kong labag ito sa mga patakaran ng mga Pill makers ngunit mabuti nalang at napakiusapan ko ang mga SHO na magbigay ng kopya nito sa mga nakilahok." Aniya.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...