2

4.8K 226 4
                                    

"Ano po ang lugar na ito?" Tanong ni Kid.

Namuo ang katanungan sa mukha ni Gary kung kaya't minabuti ni Kid na siya ang umang magkwento.

"Nagmula po ako sa Bayan ng apat na pamilya. Nagpunta po kami kasama ng aking mga kaibigan para makilahok sa isang okasyon sa bawat bayan na nangyayari kada 10 taon. Ang Eye of Hamlet. Isa po iyong lagusan kung saan mula sa aming mundo ay makakapunta kami sa iba't ibang mundo para makakalap ng mga kaalaman sa pagpapalakas ng aming katawan."

"Nagkataon pong ang mundong ito ang napuntahan namin kung kaya't nandito po ako ngayon." Aniya.

"Nasaan ang mga kaibigan mo? Hindi mo sila kasama?" Tanong ni Gary.

"Ang mga kaibigan ko po ay kasama kong pumasok sa lagusan pero nagka hiwa hiwalay kami." Sabi ni Kid.

"Ah. Ganoon pala ang nangyari." Sabi ni Gary. Pumasok naman sila Emy at Rosa sa loob ng bahay at binigay na ni Emy ang isang baso ng pinakuluang dahon ng Blackfruit.

Nang mainom ito ni Gary, medyo nakaramdam siya ng ginhawa pag paggaan ng katawan.

"Mabuti pa ay ipapaalam ko sa iyo ang tungkol sa lugar na ito." Sabi ni Gary.

"Ang mundong iyong napuntahan ay tinatawag naming Gaia. Ang mundo naming ito ay binubuo ng apat na Race. Mga tao, goblins, giants at mga dwarves. Mabuti at nahulog ka sa boundary ng lupain ng mga Tao at hindi sa mga Goblins." Aniya.

"Ibig sabihin po ay walang mga spirits dito?" Tanong ni Kid na may halong dismaya ang mukha.

"Spirits?" Buo ng tanong ang mga mukha nila sa sinabi ng binata.

"Ah eh. Bale mga hayop po na kakaiba ang mga itsura. May mga kapangyarihan at may kakayahang mapalakas ang usang tao kapag nakuha mo ang bato sa loob ng katawan nito. Bale parang nakukuha po ng bearer ang kakayahan ng hayop na iyon. Maaarinka pong makalipad, magbuga ng apoy o di kaya'y makakontrol ng lupa. Spirit Beasts po ang tawag sa amin non." Sabi ni Kid.

"Hhmm. Sa pagkakaalam ko, walang. Ganoong uri ng mga hayop sa mundong ito." Sabi ni Gary.

Medyo nalungkot naman si Kid sa sinabi ng lalaki.

"Pero..."

Napaangat si Kid ng kanyang ulo at humarap kay Rosa.

"Sa Cental City, mayroong isang Uri ng Hall doon na nagbibigay ng mga uri ng hayop na may kakaibang kapangyarihan." Sabi ni Rosa sa binata.

"Galing doon si Ana isang taon nang nakalipas at nang bumalik na siya rito, may kasama itong isang hayop na hindi normal. Isa itong malaking ibon na itim ang kulay." Sabi ni Rosa na nagbigay naman ng pas asa sa binata.

Spirit Beast!

"Pero ang sinasabi mo na makukuha ng tao ang kakayahan ng hayop na iyon para makapagbuga ng apoy, hindi ko pa naman nakikita si Ana na nagbuga ng apoy o kaya'y tinubuan ng pakpak." Sabi ni Rosa sa binata.

"Osya, kapag nakita ko si Ana, papakausap ko siya sa iyo. Paniguradong mag marami kang makakalap na impormasyon tungkol sa mundong ito." Sabi ni Rosa.

Ngumiti si Kid at hindi siya nawalan ng pag asa sa sinabi ni Aling Rosa.

"Ay nga pala, kung gusto mo pang malaman ang ibang tungkol sa mundong ito, mayroong silid- aklatan malapit sa bahay namin, kung gusto mo ay pumunta ka muna doon habang naghihintay kay Ana." Sabi ni Rosa kay Kid.

Kasalukuyan kasing nasa Central City si Ana kung kaya't kaunti lang ang mga nalaman ni Kid tungkol sa lugar na ito. Sinamahan siya ni Rosa papunta sa Silid aklatan ng munting barong ito.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon