30

5.2K 279 52
                                    

Nang matanggap ni Kid ang sunod niyang misyon, bumalik na siya sa kanyang tinutuluyan at nagpahinga para sa kanyang susunod na gagawing misyon.

Paggising ni Kid ay naghanda na siya at lumabas papunta sa tahanan ni Shin Feng. Habang naglalakad siya papunta doon ay may nakasalubong siyang dalawang nag uusap na matanda at ang kanilang pinag uusapan ay walang iba kundi ang kundisyon ng anak ni Shin.

"Kaawa awa naman pala si Rhein ano! Hindi raw niya aikilos ang katawan niya." Sabi ng matanda.

"Oonga. Dalawang araw na ang dami ng mga manggagamot na pumunta dito sa Central City para gamutin ang sakit ng bata pero wala paring nakakapaglunas ng sakit niya!" Sabi ng isa pa.

"Oonga eh! Ano kayang sakit ang dumapo sa batang iyon. Napakabait pa naman ng dalagang iyon."

"Oonga. Kabaliktaran sa ugali ng kanyang ama, Napakasungit."

"Oonga! Baka karma na ni Shin Feng ang isang iyon!"

"Hoy! Baka may makarinig sa iyo ipatapon ka nila sa kulungan! Bilisan narin natin! Baka mamaya mahawa pa tayo ng sakit na iyon eh." At nagmadali na silang umalis sa kanilang kinatatayuan.

Hindi man maintindihan ni Kid ang halos lahat ng pag uusap ng dalawa pero narinig niya na ang isa sa mga sintomas ng sakit ng dalaga ay hindi makakilos.

Unti unti nang nakakabuo ng spekulasyon si Kid sa kanyang isipan kung ano ang maaaring sakit ng dalaga.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa harapan ng naturang Manor kung saan nakatira ang pamilya ni Shin.

May mga taong nakaabang sa labas na sa spekulasyon ni Kid ay mga nagbabakasakaling makapagpagaling sa anak ng isa sa mga mayamang tao sa Lungsod.

Habang naglalakad si Kid papunta sa mga gwardyang nakabantay sa harapan ng bahay, nagkaroon ng komusyon nang lumabas ang tarlong doktor na nanggaling sa loob ng Manor.

"Ayan na sila! Ang magkakapatid na Lou!"

"Ang tatlong magkakapatid na magaling sa larangan ng medisina! Sa tingin ko ay wala na tayong pag asa sa pagpapagaling sa anak ng may ari ng Manor na ito dahil napagaling na nila."

"Oonga! Magaling talaga ang tatlong iyan. Silang tatlo ang gumamot sa isang sikat na Cultivator sa Central City. Napakagaling talaga ng tatlong iyan!"

Iyan ang mga usap usapan nang makita ang katawan ng tatlong lalaki na lumabas ng Manor. Halo ang mga nararamdaman ng mga doktor sa paligid. Ang iba ay lungkot at ang iba ay saya. Nalulungkot ang iba dahil hindi na nila masusubukan ang kanilang galing at swerte para mapagaling ang babae. Kung mapagaling kasi nila ito ay tiyak na makakakuha sila ng malaking pabuya.

Nang makalabas na ng tuluyan at nakaharap na sa ibang mga doktor ay nagsalita ang isa sa tatlong magkakapatid. "Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero hindi namin malaman ang sakit ng bata." Sabi ng isa.

Nagkaroon naman ng kaunting liyab sa mga puso ng ibang doktor dahil sa narinig. Parang lalu silang ginanahan na subikan ang kanilang galing sa paggagamot.

Habang nakatayo si Kid sa likurang bahagi ng mga tao, hindi na niya pinansin ang iba at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa harapan ng gwardyang nagbabantay.

Napansin naman siya ng mga doktor na nasa paligid at hindi maiwasang magtaka sa ginagawa ng isang binata.

"Anong ginagawa ng batang iyon?"

"Hindi ba niya alam na bawal pumasok ang mga taong walang alam sa pagmemedisina sa loobng Manor ngayon?"

"Haha! Baka kalaguyo iyan ng anak ng may ari ng Manor!"

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon