"S- sino ka!? Nakit ka nandito? Nasaan si Gondolf!?" Sunod sunod niyang tanong.
"Ah. Bibili sana ako ng armas ko eh. Hehe" sabi ni Kid habang kinakamot parin ang ulo na natamaan ng tambo.
"Ah ganon ba.." sabi nito at tumayo sa kanyang pagkakatumba. "Sige, pumili ka na diyan." Sabi niya at pinagpagan ang sarili.
Maigi niyang pinagpagan ang damit ngunit mapapansin na ang dumi nito ay nanuot na dahil sa katagakan nang hindi nalilinis. Inikot ni Kid ang kanyang ulo at tumambad sa kanya ang sari saring mga armas.
Mga Swords, Pana, Spear, Short Sword, mga Dagger at madami pang iba. Mala paraiso ito ng mga armas atmapapansin na magaganda ang kalidad nito.
Nilapitan ni Kid ang isang espada at napansin niyang may maliit na nakasulat na papel sa istante kung saan ito nakalapag. Hinawakan niya ang handle ng espada na gawa sa balat ng hayop.
[#15 Myson Sword
Pan- labinlima sa nagawang espada. Gawa ito sa isang uri ng bakal sa Gaia na ang tawag ay Myson. Matibay ito at kayang magtagal sa paiba ibang temperatura.]
Inilipat ni Kid ang atwnsyon sa sumunod na espada at binasa ang deskripsyon.
[#14 Myson Sword
Pan- labing apat sa nagawang espada. Gawa ito sa isang uri ng bakal sa Gaia na ang tawag ay Myson. Matibay ito at kayang magtagal sa paiba ibang temperatura.]
doon lang niya napansin na ang hilera ng mga espadang iyon ay dawa sa Myson. Kahit na iisang materyal lang ang ginamit sa paggawa nito, iba iba naman ang mga itsura nito sa isa't isa. Namangha si Kid sa kanyang nakitang mga espada. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong uri at itsura ng mga espada.
Idinako niya ang tingin sa pangalawang istante. Nakalagay dito ang ibang mga armas na pana. Namangha si Kid sa mga nakitang mga pana.
"Nga pala, anong armas ang hinahanap mo?!" Tanong ng babaeng dwende kay Kid.
Imilabas ni Kid ang kanyang Gauntlet na bigay ni Rhea sa kanya at ipinakita sa dwende. "Gusto ko po sanang kaparehas ng ganyang armas. Mas sanay po kasi akong gamitin ang ganyang Gauntlet sa pakikipaglaban."
Inabot naman ito ng babaeng dwende at binusisi ang Gauntlet.
"Hhhmm... Maganda ang pagkakagawa ng armas na ito pero gamit lamang ang mga mabababang uri ng materyales. Hindi rin ganoon kaganda ang Metal na gamit." Aniya. Humarap ito kay Kid at nagtanong. "Ilang beses mo na itong nagamit?" Tanong niya.
Inisip ng mabuti ni Kid at naaalala niyang halos dalawang beses palang niya itong nagagamit. "Dalawa po."
"Masyadong mababa ang kalidad ng Metal na ginamit sa Gauntlet na ito. Kahit dalawang beses mo palang ito nagagamit, makikita na ang mga natamong sira nito." Aniya.
Masyadong matalas ang mga mata ng mga Dwarves sa panunuri ng mga armas dahil ito ang kanilang kinagisnang buhay. Maski ang maliliit at hindi mapansing gasgas ng Gauntlet ni Kid ay napapansin nito na para bang isang itim na tuldok sa puting larawan.
"Kung gusto mo ay gagawan kita ng isang pares ng Gauntlet..." sabi nito.
Nagtaka naman si Kid sa sinabi ng babaeng dwende. "Gagawan? Bakit po? Wlaa pa po ba kayong nagagawang tapos na na Gauntlet?" Tanong ni Kid.
"Sa ngayon, oo. Wala pa akong nagagawang Gauntlet. Hindi kasi pangkaraniwan ang ganitong armas lalu na't palagi lang itong ginagamit bilang isang armor sa mga kamay. Pero dahil nga isang armas ang ituturing natin sa iyong Gauntlet, kaipangan ko munang pag isipan ang mga materyales, itsura at laki ng isang ito." Aniya.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...