6

6.5K 291 3
                                    

Habang naglalakad kami ni Zed papunta sa kanyang Lugar, parehas kaming tahimik sa isa't isa. Siguro ay naiilang siya sa akin dahil ngayon lang kami nagkakilala at hindi pa magaan ang loob namin sa isa't isa.

Kung kaya't ako na ang nagpaubaya.

"Uhm. Zed, salamat ulit ha. Hindi ko alam kung paano magpasalamat sa iyo kasi malaki ang itutulong mo sa akin. Dagdagan pa ng bahay. Hahaha!" Sabi ko at napakamot sa aking batok.

"Naku Kid! Huwag kang mag isip ng ganyan! Malaki rin ang itinulong mo sa akin. At sa aming bayan." Sabi niya sa akin.

"Haha! Wala iyon noh! Tulong ko na rin iyon para sa inyo." Sabi ko. Kinausap ko kasi kanina si Master Lao. Sinabi ko sa kanya na dahil isang Levi si Zed, nais kong doon siya kukuha ng iba pang mga sangkap sa mga Pills na gagawin namin. Marami pang uri ng mga halaman at bulaklak na maaaring gawing Pill na makakatulong sa pagpapalakas ng isang indibidwal.

Ilang saglit pa ay lumabas si Master Val sa aking Kwintas.

'Tanungin mo si Zed tungkol kay Ceres.' Sabi niya.

Kahit naguguluhan ako kung bakit, itinanong ko nalang kay Zed ang tungkol kay Ceres.

"Ahh. Si Ceres ang God of Harvest and Fertility." Sabi niya. "Siya ang god namin." Sabi niya.

"Ah. Ganoon ba? Salamat." Sabi ko.

Agad kung itinanong kay Vala ang tungkol kay Ceres. At kung bakit siya naging interesado nang marinig niya ang panglang iyon.

'Si Ceres ay hindi isang Harvest and Fertility god. Siya ang God of Nature!' Aniya.

'Huh? god of Nature?' Sabi ko.

'Oo. Mayroong isang Kwento noon tungkol sa mga Spirit gods.'

'Huh? Spirit gods? Ngayon ko lang narinig ang mga iyan! Pwede po bang ikwento ninyo sa akin?'

Napakamot si Val sa kanyang ulo. 'Ikukwento ko na nga eh! Salita ka pa ng salita dyan!' Sabi niya na ikinangiti ko. 'Sorry.'

Hindi ko napansin na napatingin pala sa akin si Zed nang ngumiti ako.

"Oh! Bakit ka ngumingiti dyan!" Sabi niya.

"Ah, wala wala. Hahaha! Wag mo nalang akong pansinin." Sabi ko ng nahihiya.

'Sige, ito na nga. Ang bawat Aspeto sa mundo ay may sariling god. Isa na dito si Ceres. Siya ang nangangalaga sa kagubatan at mga halaman. Kung kaya't tinawag siyang Spirit god of Nature.' Aabi niya sa akin.

Napaisip ako ng saglit sa aking narinig. Bawat aspeto sa Mundo?

'Ibig po Bang Sabihin, may Spirit god din sa Apoy, Dagat, hangin, langit at king anu ano pa!?' Sabi ko sa kanya.

'Oo! Lahat ng bagay na nakikita mo at nararamdaman ay may god na nagkokontrol.' Sabi niya.

Natuwa ako sa aking narinig sa kanya. Ibig sabihin ay may sari sariling Ngunit biglang nagsalita si Val.

'Kung kaya't hindi maiiwasan ang mga god na tumaliwas sa kanyang mga kapatid. Isa na dito ang Spirit god of demons.' Sabi ni Val sa akin.

Napaisip ako ulit. Spirit god of Demons ? Ibig sabihin, isang Demon God! Ibig sabihin, si Vrendick!

'Si Vrendick po ba ang Spirit god of Demons?' Tanong ko.

'Hindi. Si Vrendick ang nakakuha ng Spirit god of Demons. Ang Starlight Wind Dragon. Ang mga Spirit gods ay mga Spirit na namamahala sa kanyang lugar. Sa aking pagkakaalala, ang mga Spirit gods ay umabot sa 100 million Years o higit pa. At mayroong mahigit 100 mga Spirit gods na nasa ating paligid at kalahati pa ang hindi pa nadidiskubre hanggang ngayon.' Sabi niya.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon