Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan, mayroong isang mahabang karwaheng tumatahak papunta sa isang malaking Gate. Ang harap ng Capital City.
Nang makarating sa harap ng Gate, lumabas ang dalawang gwardya. Lumabas rin naman ang isang lalaki mula sa karwahe at nagpakita sa dalawang gwardya. Nang makita nila ang lalaki, agad na nagbigay galang ang mga ito at binuksan ang Gate.
Pagbukas ng Gate bumungad ang maingay na boses ng mga taga Capital City. Isa ito sa pinaka abalang bayan sa buong lupain ng mga tao. Madaming taong nasa labas ng kanilang mga tahanan at nasa pamilihan. Ang ilan sa kanila ay mga batang may maayos na damit. Mahahalatang maganda ang pamumuhay ng mga ito sa loob.
Patuloy na umaandar ang karwahe papunta sa barracks. Ang tahanan ng mga gwardya ng Capital City. Ilang sandali pa ay huminto na ang karwahe. Isa isa nang lumabas ang mga nasa loob ng karwaheng ito. Nasa 15 ang bilang ng nasa loob ng nasa karwahe, kabilang si Kid.
"Dito kayo maninirahan bilang isang Capital City Guard. Bukas ng umaga ay aasahan ko kayong nasa harap na ng inyong mga barracks. Bukas ng umaga, saktong alas sais, sisimulan natin ang paglibot sa loob ng Capital City." Aniya.
Inilibot ni Kid ang kanyang mga mata. Ang lugar na ito ay nasa loob ng Capital City pero iba ang estado nito kumpara da ibang lugar. Kapantay nito ang estado ng nasa baryo pa si Kid. Maliliit ang mga bahay na para sa isang tao lang. Ang mismong lugar ay medyo maputik dahil sa hindi ito napatag kumpara sa mismong kalsada ng Capital City. Pero napansin ni Kid na sa Barracks, mayroong 10 magagandang bahay na iba sa maliliit na bahay sa kanilang paligid.
"Mayroong 20 na bakanteng kwarto sa paligid ninyo. Mamili nalang kayo." Aniya. "Ang ibang mga kailangan ninyong malaman ay bukas ko na sasabihin. Gabi na kung kaya't magpahinga na kayo."
Isa isa nang namili ang mga bagong gwardya ng kani kanilang mga kwarto at isa na doon si Kid. Napili ni Kid na pumwesto malapit sa pinakadaan ng Capital City.
Gawa lang ito sa kahoy. Simple lang tignan ang bahay na ito at para lang talaga sa isang tao. Lumapit si Kid sa punto nito at binuksan ang pinto. Dala na siguro ng kalumaan, tumutunog ang pinto nito habang binubuksan.
*screeeeeeeecckkk
Pagbukas niya, tumambad sa kanya ang loob ng munting bahay. Dalawang dipa lang ang haba at lapad nito●. May kama ito sa pinakagilid na umookupa sa kalahating bahagi ng bahay. Wala itong kahit anong dekorasyon sa pader. Mayroon itong isang bintana sa tabi ng pinto. Wala itong pantakip sa bintana kung kaya't nagsisilbi na itong bentilasyon sa loob ng bahay. Lumapit si Kid sa kama at umupo. Ang kama niya ay gawa rin sa kahoy at maririnig mo ang kalumaan nito dahil umuugong ito at umuuga.
Tinanggal niya ang mga materyal na bagay sa kanyang isip. "Hindi mahalaga ang katayuan ko ngayon. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang aking mga kaibigan at mapalakas ang aking sarili." Aniya sa sarili.
Dahil hindi pa naman malalim ang gabi, naupo si Kid sa kama at inilagay sa kanyang singsing ang kanyang presensya at pumasok siya sa loob.
Gabi rin sa loob ng singsing. Parehas lang ang oras sa labas at loob ng singsing kung kaya't hindi na mahihirapan si Kid sa oras at mababantayan niya ito.
Sa panahon ngayon, wala nang ibang kasama at kakilala si Kid kundi ang kanyang Master lang. Nag usap sila tungkol sa mga bagay bagay. Tinulungan ni Master Val si Kid sa kanyang mga pangangailangan.
Kumain silang dalawa ng kanilang mga tanim. Napansin ni Kid na mataas na ang punong kanyang itinanim. Ang BlackFruit. Pero hanggang ngayon, wala parin itong bunga.
"Huwag kang mag alala Kid, kanina ay may mga nakita na akong mga bulaklak sa punong iyan. Malapit na at magkakaroon narin yan ng bunga." Aniya sa binata.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...