_____Firecurl's Tail
✩Kasalukuyang nangangailangan ng buntot ng FireCurl Lizard ang tindahan ni Gared. Kailangan niya ng sampu o higit pang buntot ng Firecurl Lizard.
Reward:
2 Silver- 5 Firecurl Tail
_____Ang Firecurl Lizard ay isang uri ng hayop sa Gaia na may madaming populasyon lalu na sa kanlurang bahagi sa labas ng Central City. Madami at malawak ang mga kagubatang nakapaligid sa buong lupain ng mga tao. Halos limampung porsyento lamang ng lupain nila ang kanilang nagagamit at ang natitirang limampu ay pinaninirahan ng mga hayop at mga halaman.
Madaming mga hayop at insekto sa mga nakakalat na gubat at habang umuunlad ang mga bayan at lungsod, nadidiskubre nila na ang mga halaman at hayop sa kagubatan ay maaaring gawin o idagdag na sangkap sa paggawa ng mga armas at lalu na, ang paggawa ng Pills.
Mabuti nalang at 1 star lang ang hirap ng misyon na ito ngunit iba sa ibang misyon na kulay itim ang bituin. Ibig sabihin lang nito ay hindi siya makakakuha ng 1 Gold kapag natapos na niya ang misyon.
"Kilala ko si Gared. Malapit lang dito ang tindahan niya. Kaya kapag natapos mo na ang misyon na iyan, maaari mo nang ibigay sa kanya ang nakolekta mong firecurl. Kapag nagawa mo na iyon, bumalik ka dito para makausap mo si Aban para sa susunod mong misyon." Sabi ng matanda.
"Pasensya ka na at walang maitutulong sa iyo si Aban ngayon ah. Hayaan mo, kapag nagising na siya, agad ko siyang sasabihan patungkol sa iyo." Dagdag pa niya.
Tumango naman si Kid bilang pagsang ayon at naghanda na para sa kanyang misyon.
Bilang nasa labas ang kagubatang kinatitirahan ng Firecurl Lizard, natural na delikado ang misyon na ito. Madaming mababangis na hayop na nakakalat sa kagubatan kung kaya't kailangang mag ingat.
Bago ang lahat, kaipangan munang mangalap ng kaalaman ni Kid patungkol sa mga hayop na kanyang maaaring masalubong at makaharap sa gubat.
Pumunta siya sa Capital City Library at doon naghanap ng mga librong patungkol sa naturang hayop. Sa mga nakuhang impormasyon ni Kid nagulat siya sa mga nabasa.
Madaming maaaring paggamitan ang Firecurl Tail. Ginagamit ito sa paggawa ng Inner Heat Pill na pangkaraniwang Pill pangontra sa lamig ng paligid. Lagi itong ginagamit sa mga malalamig na parte ng lupain dahil sa taglay nagbibigay ito ng init sa katawan sapat para maiwasan ang makaramdam ng lamig.
Sa pagbabasa ni Kid, nakakita siya ng isang libro patungkol sa mga hayop sa kagubatan. Maraming uri ng mga hayop ang nasa paligid at nakasulat sa librong iyon ang halos karamihan ng mga natuklasang hayop sa paligid.
Walang atubiling binasa iyon ni Kid at walang atubiling iginugol ang halos dalawang oras sa pagbabasa ng makapal na iyon.
Nang matapos niyang mabasa iyon, mga alas dos na ng tanghali, oras niya para makapaghanda sa kanyang misyon.
Pumunta siya sa isang tindahan at bumili ito ng isang kutsilyo para gamitin sa pagputol ng buntot ng naturang hayop.
Hindi naman ito nakakapahamak sa Firecurl Lizard dahil muling tumutubo ang kanilang buntot kung sakaling maputol ito. Hindi na niya kailangang bumili ng iba pang gamit dahil madali lang namang makuha ang mga buntot.
"5 silver." Sabi ng babaeng nagtitinda.
Inabot ni Kid ang limang silver sa babae. Sa natitirang pera ni Kid, halatang gipit na gipit na siya. Dahil wala pa ang armas niya na ginagawa parin ni Ava, pansamantalang gagamitin parin niya ang Gauntlet na bigay sa kanya ni Rhea.
Dumiretso na si Kid palabas ng Central City. Hindi na siya mamomroblema sa paglabas pasok sa Central City dahil isa na siyang Official Guard.
Ang Misyon na ibinigay kay Kid ay isang 1★ Mission. Ito ang pinakamadaling misyon na maaaring makuha ng isang Guard. Kung kaya't magandang panimula ito para kay Kid para magamay niya ang paghawak sa mga ganitong misyon.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...