14

5.6K 263 4
                                    

Nagsimula nang magsi-alisan ang mga tao sa loob ng meeting room nang tawagin ako ni Master Lao.

"Kid, lumapit ka muna dito. Kakausapin kita." Panimula niya. "Baka nagtataka ka kung bakit ikaw ang pinili ko para maging representative ng ating Organisasyon. Ikaw ang pinili ko dahil nakikitaan kita ng potensyal. Sa tingin ko ay malayo ang mararating mo dahil sa bata mong edad ay madami ka nang nalalaman."

"Salamat po Master Lao sa pagpili sa akin. Salamat din po sa sinabi ninyo. Gagawin ko po ang lahat ng makaakaya ko para malaman ang katotohanan." Sagot ko sa kanya.

"Aasahan ko iyan Kid ha. Tandaan mo, ang pangalan ng buong SHO ay nasasaiyo. Kaya galingan mo. At tqndaan mo, unahin mo muna ang kaligtasan mo kaysa sa iba." Ma awtoridad niyang sabi. Tinawag na ako ni Zed dahil naghihintay na ang mga kabayo namin

Habang tinatahak ang daan ay nag uusap kami ni Zed tungkol sa mga bagay bagay. Muling bumalik ang aming pinag uusapan tungkol sa kanyang pamilya at sa sakit nila.

"Pipilitin ko si Papa na ako ang maging representative ng Levi." Sabi niya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

"Oo. Sigurado na ako. Wala rin naman akong magagawa eh. At ako ang pipiliin niya para sumama. Atsaka pabor sa akin iyon dahil makakapagsanay ako gamit ang spirit ko." Sabi niya.

"Sige. Huwag kang mag alala. Tutulungan kita sa anumang bagay na kaya kong gawin." Sabi ko at nguniti sa kanya.

Sa totoo lang ay naaawa ako sa kanya at sa kanyang pamilya. Kung hindi siguro sa kanilang sakit ay masaya silang namumuhay pero dahil nga doon ay parang may humaharang sa kanila. Pipilitin ko ang aking sarili na mahanap ang ginawang Recipe ni Master para mabigyang lunas na ang kanilang sakit.

Nang mkarating kami sa tahanan ni Zed ay agad niyang kinausap ang kanyang ama tungkol doon. Ayaw nitong pumayag dahil delikado raw ang pagpunta doon at nais na lang niya na isa sa kanyang magaling na tauhan na lang ang papalit kay Zed. Pero mapilit si Zed. Hindi ito tumigil hanggang sa napapayag na niya ang kanyang ama.

"Bukas ng umaga magkikita kita ang mga representante ng bawat pamilya at organisasyon sa buong bayan. Gagamapin ito sa plaza kung saan susunduin sila ng isang manlalakbay para ituro ang daan papunta sa Havanna." Sabi ng Ama ni Zed. "Mag ingat kayong dalawa sa paglalakbay ninyo doon. Siguraduhin ninyo na lqgi kayong ligtas maliwanag!" Ma-autoridad nitong sabi.

Umarap siya sa akin at nagsalita. "Ikaw Kid, Bantayan mo itong si Zed ha."

"Opo"

"O'sya, magpahinga na kayo at maaga pa kayo bukas."

Atsaka siya umalis. Nagpaalam na din sa akin si Zed at magpapahinga na raw siya. Dumiretso na ako sa aking munting kwarto at nahiga.

'Mukhang mapapasabak ka sa isang misyon ah!'

Napabalikwas ako nang narinig ko ang boses ni Master.

'Ay! Master. Kamusta po. Oonga po eh. Sana nga ay ligtas kaming makarating sa Havanna bukas.' Sabi ko.

'At sino ang nqgsabi na ligtas kayong makakarating doon? '

May namuong tanong sa aking isip sa sinabi niya. 'Ano po ang ibig ninyong sabihin?'

'Sa bagay Kid, di ka pa nakapunta doon. Isa iyon sa pinakadelikadong lugar sa mundo. Kasama iyon sa mga lugar na iniiwasan ng mga manlalakbay.'sabi niya.

'Pero may kasama naman po kaming guide papunta doon. Siguro po ay ligtas kaming makakapunta doon.'

'Ang guide ninyo ay magtuturo lang lung saan ang daan. Pero ang kaligtasan ng bawat isa sa inyo ay hawak ng bawat isa. Isa sa payo ko sa iyo pagdating doon ay palagi kang sumama kay Zed. Una, dahil mayroon na siyang Spirit at wala ka pa. Mas mabuti nang maging ligtas ka kaysa kahit kanino.'sabi niya.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon