Habang tinatahak ko ang daan, may isang lalaking nakatayo sa harapan ng malaking tore. Matanda na ito. Mayroon siyang mahabang puting buhok na umaabot hanggang likod at medyo kulubot na ang balat niya ngunit mapapansin mong ang lakas pa ang kanyang pangangatawan. Habang palapit ako ng palapit, napansin ko na ang papel na aking ipinadala ay hawak hawak niya. At dahil doon ay napangisi ako.
Ilang saglit pa ay sumalubong na sa akin ang isang galit at nagtatakang mukha.
"Anong alam mo sa mga nangyayari bata?" Sabi niya.
"Wala po. Nais ko lang po talaga makita ang mukha ng isang magaling na Spirit Healer. At gusto ko rin pong matuto kung paano gumawa ng mga potions." Sabi ko sa kanya.
"Hmph! Ano ang meron ka para tuturuan kitang gumawa ng mga Potion?"
"Nais ko lang po subukan ang aking mga nalalaman tungkol sa paggawa ng Potion." Ang totoo niyan, sa loob ng isang taon, tinuruan ako ni Val ng kanyang mga kaalaman tungkol sa ganitong larangan. Ang problema lamang ay wala kaming kagamitan para isagawa iyon.
Kung bakit ako pumunta sa SHO ay para masubukan ang aking nalalaman at kung sila ang dahilan ng pagkawala ng mga potions sa bayan.
"Ha! Isang batang nais subukan ang pagmemedisina! Bago ito!" Aniya. "Bibihira na lamang ang mga taong sumasabak sa ganitong larangan. Ang mga tao ngayon ay nais na maging Spirit Bearer at magpakabrutal. Depende nalang kung ikaw bata ay wala pang Spirit hanggang ngayon!"
Walang anu ano'y sinagot ko siya. "Kaya ko po nais sumali dito ay dahil sa tingin ko ay kayo ang dahilan ng mga pangyayari sa bayan. Wala nang iba. At tungkol naman po sa aking Spirit, tama po kayo. Wala pa akong Spirit."
"Bata. Ang mga nangyayari sa bayan ay wala kaming kinalaman. Sa katotohanan nga, nagkakaroon na rin ng pagkukulang ng mga potions dito sa loob ng SHO. Hindi namin alam ang rason, ngunit isa itong malaking problema. Kapag nawalan ng potion ang buong bayan, malaki ang posibilidad na marami ang masasawi sa mga susunod na labanan. " aniya.
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Ibig sabihin ay hindi ang SHO ang dahilan ng pagkawala ng mga potions dito sa bayan.
"Sige po, nais ko nalang pong matutong gumawa ng mga potions. Sa katunayan po, nais ko pong sumalo sa inyong organisasyon." Sabi ko.
"Bakit bata? Paano mo nasisiguradong makakasali ka sa aming organisasyon?"
"Isa po sa mga dahilan ay wala kong spirit. Ayokong umupo na lamang ay ipagsawalang bahala ang mga nangyayari. Nais kong magkasilbi kahit wala akong spirit. Pangalawa ay para masubukan ang aking mga nalalaman tungkol sa ganitong larangan. At nasisigurado po ako sa inyo, hindi po kayo magsisisi." Sabi ko.
"Ha! Kaya pala! Sige, pumasok ka sa susunod na kwarto dyan. Pagkapasok mo ay kumuha ka ng kahit isang papel na nakakalat doon at sagutan ang nakasulat. Maliwanag? Kapag natapos mo ay ibigay mo sa akin ang papel." Sabi niya.
Agad akong nagbow at pumunta na sa kwarto na sinasabi niya. Pagkabukas ko ng pinto ay may nakita akong limang lalaki na nasa lamesa at may kung anong sinusulat.
Napansin nilang bumukas ang pinto kung kaya't napatingin sila sa aking pwesto. Nang nakita nla ako ay ibinalik na muli nila ang kanilang atensyon sa kanilang ginagawa.
Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto. Tama nga ang sinabi ng matanda kanina. Punong puno ito ng mga papel. Ang iba ay nakapatong sa isa't isa, ang iba naman ay nakakalat lang. Kumuha ako ng isang papel na aking naapakan at binasa.
"Base sa pag aaral, ang ginagamit na sangkap para gumawa ng simpleng Health potion ay ang tinatawag na Red Blossom Flower. Isang uri ng bulaklak na makikita sa paligid. At sa alam ng lahat ay may lason itong kasama. Maaari bang umipekto ang lason kapag naparami ang pag inom ng Potion na ito?"
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasíaKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...