Nang makarating ako sa plaza, sumalubong sa akin sila Fred at Rhea. Kanina pa pala sila doon. Nakangiti silang sumalubong sa akin at nagkamustahan kaming tatlo.
"Kamusta ka Kid?" Tanong ni Fred.
"Ayos lang naman ako. Nga pala Rhea, salamat pala sa gauntlet na bigay mo sa akin ha." Nakangiti kong sabi.
Nakangiti ito sa akin at tinatapik tapik ang aking likod. "Haha! Walang problema iyon, basta ha.." sabi niya at naghugis bilog ang mga mata na parang mga pills. " bibigyan mo ako ng mga sample pills moo" sabi niya habang kinakaskas ang kanyang mga palad sa isa't isa.
"Ha ha ha" nahihiya kong tawa.
Dahil nangako ako sa kanya, binigyan ko siya ng booster pill na ako mismo ang gumawa. Kuminang ang mga mata nito nang makita ang pill. Hinawakan ito ng kanyang hintuturo at hinlalaki at saka tumalon talon. Nang napagod at huminahon na siya at itinago ang pill sa isang panyo. Maingat niya itong tinupi para maitago sa kanyang bulsa.
Sa buong ginawa ni Rhea, nakatingin lang kami ni Fred sa kanya at natatawa. Ilang sandali pa aynakarattin na rin si Zed sa plazakasama ang kanyang mga kapamilyang Levi rin. Nang mabuo na kaming apat ay nag usap usap kaming grupo.
"Kamusta ang pahinga ninyo? Fred?" Tanong ni Zed.
"Ayos lang naman. Naghanda ang pamilya namin ng maliit na handaan sa bahay. Hindi ko na kayo naimbitahan dahil nang makita ko si Scarlet at tinanong kung nasaan kayo, sinabi niya na wala na sila kayo dito at naglalakad na pabalik sa Levi. Kaya ganon. Haha" sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo.
"Haha! Ayos lang iyon." Sagot ni Zed.
Pinag usapan din namin ang tungkol sa cultivation ng bawat isa. Medyo mapait ang aking mukha dahil hanggang ngayon, wala parin akong spirit pero meron naman akong technique na alam kong wala sila.
"Nasa 8th-step spirit practitioner na ako haha medyo natatagalan ako sa pag cultivate dala na ng walang tulong ng mga pills." Sabi ni Fred.
"Aba! Parehas pala tayo Fred! Nasa 8th step na rin ako. Hindi ko naman masyadong minamadali para kung sakaling magka spirit na itong is Kid, makakasabay parin siya sa atin haha!" Biro nito sabay tapik ng akong balikat.
Natawa nalang ako sa mga mukha nila dahil hindi ko alam kung inaasar ba nila ako o sadyang mababait na kaibigan lang talaga sila.
"Ako naman nasa 6th-step Spirit Practitioner na. Pero diguro pagkatapos kong inumin ang pill na iyon! Hihihihi!" Sabi niya sabay talon talon nanaman.
Minsan, hindi ko maintindihan bakit naging ganito ang mga kaibigan ko. Parang may mga sayad sa utak. Haha!.
Ilang sandali pa ay nakita na naming lahat ang hari na nasa taas ng balkonahe ng palasyo kung saan niya sisimulan ang kanyang mensahe.
Nakasuot ito ng kulay puting damit na may gintong burda. May mga makikinang na bato ring nakadikit dito. Mayroon siyang suot na korona na kulay ginto. Sa kanyang tindig palang ay mararamdaman mo na ang awtoridad at lakas na kanyang taglay.
Katabi niya ang kanyang anak na si Scarlet. Nakasuot ito ng pulang damit at palda bagay sa kanyang mukha at sa pangalan.
Nasa kanan ng hari ang lalaking sumalubong sa amin noong nakaraan. May hawak siyang unan kung saan nakalagay doon ang baston ng hari.
Dahan dahan itong lumapit sa hari at lumuhod. Dahan dahan niyang inalay ang baston sa hari na siya namang kunuha nito. Nang makuha ay umupo na ang hari sa kanyang upuan, mas maliit kumpara sa trono niya, na ikinaupo ng mga kasama niya sa itaas.
"Ikinagagalak ko kayong makita, mga matatapang at magigiting na spirit bearer." Panimula niya.
Sa boses pa lamang niya mararamdaman mo ang awtoridad na taglay niya. Natahimik ang lahat nang narinig ang kanyang boses. Tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at dahan dahang tumingin sa pwesto ng hari.
"Sa araw na ito, inaanyayahan ko ang lahat ng nakilahok sa paglalakbay upang mailigtas ang ating bayan, mamaya sa piging na aking inihanda para sa inyo. Gaganapin ito mamayang gabi dito sa plaza. Inaanyayahan ko rin ang aking mga nasasakupan na maghanda para sa gaganaping piging. Ang inyong pagbibigay tulong ay magbibigay saya sa mga tagapagtanggol ng ating bayan." Sabi niya at naghiyawan ang lahat ng tao.
Ang mga mamamayan ng bayan ay masayang naghanda na ng kanilang handa para sa piging mamaya. Siguro ay magluluto na sila para ibigay sa amin mamaya. Nakakataba ng puso.
Muling tumigil ang lahat sa sigaw at hiyawan nang makita ang pagtaas ng kamay ng hari.
"Mayroon muna akong sasabihin sa lahat. Nais kong maging maintindihin at huwag maghudyat ng kaguluhan." Panimula niya.
Medyo kinabahan ako sa tono ng hari sa mga sinabi niya.
"Dawalang balita ang gusto kong ipahatid. Una ay ang tungkol sa mga traydor ng bayang ito." Sabi niya.
Maririnig ang mga bulungan sa paligid nang marinig ang sinabi ng hari.
"Nabatid siguro ninyo ang pag alis ng buong angkan ng mga Manlalakbay sa ating bayan. Ilang taon natin silabg kinupkop at nitong nakaraan nga ay nagpasya na ang kanilang buong angkan na lisanin ang ating bayan. Tinanggap ko ang kanilang pag alis at nagpahatid ng kaligtasan nila sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, ngunit hindi ito ang kanilang pakay sa bayan." Dagdag ng hari.
"Nang makabalik ang mga matatapang na batang ito sa ating bayan, agad na ipinaalam sa akin ng aking mensahero ang pagdating ng aking anak. At kasama non ay ang balitang pagtraydor nila sa bayan." Sabi nito. "Sa ikakaalam ng buong bayan, ang buong angkan ng mga manlalakbay na iyon ay kasapi sa isang organisasyon na ang akala ng marami ay matagal na nawala. Ang mga manlalakbay na iyon ay kasapi ng organisasyong BLOODFIST!" Sigaw ng hari na ikinagulat ng ibang hindi nakakaalam.
"Tama ang inyong narinig. Kasapi ang bloodfist ang mga manlalakbay na minsan na nating kinupkop sa bayang ito. Marami silang nalaman at natuklasan sa bayang ito at mabuti na lamang at hindi sila nagtagumpay sa kanilang mga plano. Ang batang si Ben, isang may potensyal na bata pagdating sa pakikipaglaban, ang tinatawag nilang prinsipe ng Bloodfist."
"Malaki ang pagkakamali ng haring ito ngunit makakasigurado ang lahat na mapapanatili natin ang kaligtasan at kaayusan ng bayan!" Sabi nito.
"Kung kaya't napagdesisyunan na ng lahat ng mga pinuno ng bawat pamilya na muling isara ang Gate." Sabi nito na ikinagulat ng lahat.
Ang Gate ay ang pasukan at labasan ng mga tao kung sakaling lalabas o papasok sila sa bayan at sa Spirit Forest. Nakapaligid ito sa buong bayan kung saan hinagharangan nito ang lugar ng Levi at Tan mula sa Spirit Forest at ang bayan papunta sa Bundok Havanna. Malaki itong pader na mula pa noong unang panahon ay nakatayo na para maprotektahan ang mga tao sa bayan mula sa mga Wild Spirits. Isa itong maalamat na Pader na sinasabi ay itinayo ng mga Peak-step Spirit Saints upang protektahan ang bayan. Napigilan nito ang paglusob ng mga wild Spirits kung kaya't pinapahalagahan itong maigi. Ngunit nang lumusob ang mga tauhan ni Vrendick sa bayan, ang pader na akala nami'y magpoprotekta sa amin ay walang nagawa sa pag atake niya. Gumamit siya ng isang uri ng mahika na kung saan magbubukas ito ng portal at doon nanggaling ang mga spirit beasts na sumugod sa bayan na ikinasawi ng aking mga magulang.
Mabilis kong pinahid ang luha na tumulo sa aking mata at huminga ng malalim. Ang maipaghiganti ang aking mga magulang ang dahilan kung bakit ako nakatayo ngayon dito kung kaya't hindi na ako matatakot muli.
"Simula ngayon, ang ating Harang sa mundo..." panimula niya,
Nagsimulang marinig ang tunog ng gate una unti unting gumagalaw. Ang tunog na ito ay parang isang lumang pinto na isinasara."Ay muli kong ipinapasara!" Sabi nito sabay ng tuluyang pagsara ng malaking gate sa harap ng buong bayan.
Mula ngayon, ang Bayan ng apat na magigiting na pamilya, ay muling mawawala sa piling ng mundo.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...