Madami sila. At nag aabang ng pagkakataon para sumugod. Base sa nakikita ko, punterya nila ang Earth Dragon. Siguro ay dahil sa mas mahina ito kaysa sa Centaur at mas madami na itong sugat.
Pero hindi ko matatanggal ang posibilidad na pati ang Centaur ay kalabanin nila at kunin ang Spirit Stone.
'Bumalik na tayo Kid!sabihan natin sila tungkol dito.!'
'Anong gagawin namin pagkatapos non master?'
'Mamaya na natin isipin iyan. Basta sabihan mo sila tungkol sa mga Bloodfist.'
Agad akong tumayo sa aking pwesto at bumalik sa kung saan ako nanggaling kanina. Sa sobrang taranta ko ay madulas- dulas kong umakyat sa isang bato.
'Magdahan dahan ka Kid!' Sigaw ni master.
Nang makarating na ako sa taas ay napansin ko na naglalakad si Zed at parang may hinahanap. Nang mapalingon ito sa akin ay agad itong tumakbo papunta sa akin.
"Kid! Saan ka nanggaling!? Kanina ka pa namin hinahanap!" Sabi niya.
"Mamaya ko na sasabihin pero ang unahin natin ay ang pagpunta kila Scarlet." Sabi ko sabay takbo sa pwesto ng iba pa naming kasama.
Sinalubong ako ni Scarlet ng isang tanong. "Saan ka nanggaling!?"
"Wala akong oras na sabihin sa inyo. Ang mahalaga ay ang nakita ko." Pasimula ko. "Nakita ko na ang mga Myembro ng Bloodfist. At nandoon sila ngayon sa bangin. Kasama ng Mountain Centaur at Earth Dragon." Nang pagkasabi ko ay nagulat sila. Pero halata sa mukha ni Scarlet ang hindi pagkabigla.
"Sige. Ngayon, hahatiin ko kayo sa dalalwang grupo. Ang una ay pamumunuan ni Jason. Doon kayo pumunta sa kabilang parte ng bangin. Sa grupo ko, sumama kayo sa akin at dito tayo." Sabi niya sa amin at sinunod na namin siya. Nang mahati na kami sa dalawang grupo ay lumipat na ang grupo ni Jason sa kabilang parte ng Bangin at kami naman aynagtago na para sa surpresang atake sa kanila.
"Saan mo sila nakita, Kid?"
"Doon. Doon sila nakapwesto. Ang iba sa kanila ay nasa dulo ng bangin pero ang karamuhan ay nandito." Sagot ko habang itinuturo ang lugar kung saan ko sila nakita.
"Sige."
Tahimik namin silang pinagmasdan sa kanilang kinikilos. Nakakatakot ang mga itsura nila dahil parang hindi nila nililinis ang kanilang sarili. Kulay itim ang kanilang suotat may suot na itim na kapa sa likod.
Para silang mga bampira pero wlaang panil, hindi maputla ang kulay at marumi. Bigla kng napansin ang isang lalaki. Iba ang suot niya kaysa sa iba. Madilim na pula ang suot niya kaya sa malayo ay sa tingin mo ay itim ito. Mas malaki siya kaysa sa iba. Mas matangkad at mas malaki ang katawan.
May lumapit sa kanyang isang lalaki, isang utusan. May sinabi siya sa lalaki at nang matapos ay nag-now ito sa lalaki bilang galang. Pero imbis na paalisin ay itinulak niya ito at napahiga ang lalaking iyon.
Biglang yumanig nanaman ang lupa. Patuloy parin palang naglalaban ang dalawa. Sinubukqn kong silipin qng nagyayari sa kabila pero bigla akong hinila ni Zed.
"Anong ginagawa mo! Makita ka nila!" Sabi niya.
"Ah.. titignan ko lang sana yung nangyayari sa baba." Sagot ko.
"Huwag mo na munang tignan. Baka makita ka nila." Sagot ni Scarlet. Siguro ay narinig niya ang sinabi ni Zed.
Pinagmasdan namin ang mga kinikilos nila pero katulad namin, naghihintay lang din sila ng magandang pagkakataon para lumusob.
Napagdesisyunan ko na bumalik doon sa kwebang pinanggalingan ko para makita ang mga nangyayari.
"Scarlet, Zed. May pupuntahan lang ako. Kapag nakakita na kayo ng oportunidad para lumusob, huwag ninyo na akong hintayin." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasíaKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...