38

4.8K 239 7
                                    

Tahimik ang lahat sa mga pangyayari. Marahil ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ng hari. Maski ako ay hindi rin makapaniwala. Ang isa sa pinakatahimik na bayan ay tuluyang ipinasara sa mukha ng mundo.

"Ginawa ko lamang ang nararapat para sa ating bayan. Pinalakas ko ang pwersa ng ating mga gwardya at pinahigpit na rin ang segyridad.ng mayang ito. Ang mga magtatangkang pumasok sa loob ay kailangang mapasailalim muna sa isang pagsusuri ng personal na impormasyon tungkol sa taong iyon bago tuluyang makapasok sa bayan. At ang mga lalabas ng bayan ay kailangang humingi ng permiso mula sa mga gwardya para makita. Ang kanilang personal na impormaayon at mga ginawa sa bayan. Kung sakaling nasangkot ang isang tao sa isang krimen o nalaman na nagsaaagawa ito ng mga bagay laban sa bayang ito, pinapatawan ko ng pag-alis ng kanyang buong pamilya sa bayan." Sabi niya.

"Muli kong sasabihin ito at hindi ako magsasayang ulit ulitin. Ginagawa ko lamang ito para sa inyong seguridad at wlaa.nang iba. Ito lang din ang alam kong paraan para maprotektahan at mapangalagaan natin  angating bayan mula sa masasamang loob." Sabi nito.

Unti unting nawala ang tensyon sa mga mukha ng mamamayan ng aming bayan nang marinig ang mga salita ng hari.

May punto naman doon ang hari. Wala siyang hangad kundi ang kabutihan at kaayusan ng bayang ito kaya niya ito ginawa.

"Sa ikaaalam ng marami, nagbigay ang pamilya ng mga traydor sa akin bago pa sila lumisan ng bayan. Hindi na ako magdadalawang isip na itapon ang regalong kanilang ibinigay kung kaya't inutusan ko ang ilang mga gwardya na kunin ang regalo, pumunta sa Bundok Havanna at doon buksan ang regalo. Ang mga gwardyang iyon ay nasa Havanna na ngayon at sa makalawa ay malalaman na natin ang laman non." Sabi ng hari.

Sa tingin ko ay isa iyang magandang ideya. Hindi natin alam ang tumatakbo sa mga isipan ng mga Bloodfist kung kaya't mabuting mag ingat sa mga bagay na merong posibilidad na mangyari.

"Iyan ang unang balita na gusto kong ibahagi sa bayang ito." Sabi ng hari.

"Ang pangalawang bagay na gusto kong sabihin ay ang muling pagbubukag ng Eye of Hamlet." Sabi nito na ikinagulat ng lahat.

Hindi ako masyadong pamilyar sa Eye of Hamlet kung kaya't nagtanong ako kay master.

'Master, ano po ang Eye of Hamlet?' Tanong ko. Lumabas siya mula sa kwintas at nagsalita.

'Ang Eye of Hamlet ay isang Portal mula sa ating mundo papunta sa ibang mundo. Nangyayari ito tuwing sampung taon at ang ang mga lugar kung saan ito magbubukas ay walang kasiguraduhan.' Aniya.

'Ang Eye of Hamlet ang isang daan papunta sa ibang mundo na sa paglipas ng panahon ay naging kaugalian na ng mga Spirit Bearer na makilahok upang maging basehan ng kanilang lakas.' Sabi pa niya.

'Walang permanenteng lugar na ibinibigay ang Eye of Hamlet. Nakapasok  na ako sa Portal na iyon ng apat na beses at sa apat na beses na iyon, walang mundo na napuntahan ko na parehas.' Sabi niya.

'A-ano pong ibig sahinin non?' Tanong ko.

'Ganito ang nangyari sa aking paglalakbay. Ang unang beses kong makapasok sa Eye of Hamlet ay napunta ako sa isang mundo kung saan ang pagiging Spirit Bearer ay isang kasalanan. Kapag nakita ka ng mga tao roon na nagMorph sa isang Spirit, ikaw ay papatayin nila. Ang mundong iyon ay naniniwalang ang mga Spirit Monsters ay ang mga Epsiritu na nagbabantay ng kalikasan. Ang pangalawang mundong aking napuntahan ay ang mundo ng Martial arts. Hindi uso ang pagiging Spirit Bearer sa mundong iyon at ang kanilang paraan sa pagpapalakas ay ang pagbubukas ng kanilang Qi sa katawan. Doon ko nakuha ang Technique na ibinigay ko sa iyo.' Sabi niya.

'Ang pangatlong aking napuntahan ay ang mundo ng mga Spirit Monsters. Oo nakapunta na ako roon ngunit ang mundo nila ay napakalaki at napakalawak. Hindi ko lubusang nalibot ang mundong iyon. At ang huli ay ang mundo ng mga taong may kalahating hayop. Tinatawag silang Demi-humans sa mundong iyon at sila ang sinasabing pinakamababang uri sa mundong iyon. Ang mga Humans doon ay nagsasanay ng kanilang Mahika at pakikipaglaban upang kalabanin ang mga Monsters kung kanilang tawagin. Mga goblins, giants, lizardmen, ghouls at marami pang iba.' Mahaba niyang sabi.

'Sa bawat mundong aking napuntahan ay marami akong natutunan kaya inaatasan kitang pumasok sa Eye of Hamlet. Maliwanag ba iyon, Kid?' Sabi niya.

'Opo master.' Kaswal kong sagot.

"Muling magbubukas ang Eye of Hamlet bukas ng hapon at sinasabing magbubukas ito sa bayan ng WeepWood kung saan ako galing." Sabi ng Hari.

"Ang malungkot na balita ay hindi nila pinayagan na magdala ng maraming representante ang ating bayan. Maliit lamang ang pagbubukas ng Eye of Hamlet, mas maliit sa karaniwang sukat nito. Ibig sabihin ay mayroon lamang isang oras ang lahat para makapasok kung kaya't pipili lamang ang bawat organisasyon at bawat Pinuno ng pamilya ng isang representante para makapasok sa Portal. Sa bilang na aking nakuha, mayroong 641 na organisasyon at may 4 na Pamilya sa bayan natin kung kaya't inaasahan kong magkakaroon tayo ng 645 na makikilahok sa pangyayaring ito, maliwanag ba sa lahat?" Sigaw niya at tumango ang lahat.

"Ang penomenang ito at nangyayari tuwing sampung taon kung kaya't inaanyayahan ko ang mga organisasyong nakapaloob sa ating bayan na ipadala ang pinakamagagaling ninyong representante para sa gaganaping pagbubukas ng portal. Pipili rin ako ng 5 pang kabataan na nagpakita ng galing at talento sa ating bayan. Pipiliin ko sila bilang tagapagtayo ng ating bandila bukas. Makakapasok din sila sa portal." Sabi pa niya.

"Hinihiling namin ang kaligtasan ng lahat sa darating na penomena." Sabi nito.

Ang isang magandang balita na gusto kong ibahagi sa inyo ay ang pagtaas ng ating kita mula sa kalakalan ng bawat bayan." Sabi niya.

Kilala kasing isang malaking pagawaan ng pills ang aming bayan. At lingid sa kaalaman ng iba,  ang kalakalang nangyayari sa bawat karatig bayan na nakapalibot sa amin ay isa sa mga dahila kung bakit umasenso ang aming bayan.

"Dahil sa galing at talinong ipinamalas ng isa sa mga organisasyon sa loob ng ating bayan, tumaas ang kita ng bayan at nagkaroon ng malaking demand ang mga pills na ito sa ibang bayan, lalu na sa Weepwood kung kaya't, ang bayan ng WeepWood ay naghahanap ng mga pill makers na galing sa ating bayan na handang magtrabaho sa kanilang bayan. Isa itong malaking oportunidad sa atin dahil kilala ang bayan ng Weepwood bilang isa sa pinakamayayamang bayan sa ating bansa. Kung kaya't, ang bawat organisaayon na gumagawa ng mga pills ay inaanyayahan kong magbigay sa akin ng 2 representante para ipadala sa Woodweep at doon ay magtrabaho." Aniya.

"Ang pinakamagagaling at pinakamatatalinong pill makers ang ipapadala natin sa kanila."

"Ang kitang malilikom ng mga pill makers natin, sampung posyento lamang ang kukunin ng ating bansa bilang buwis upang ipaalam sa lahat na hindi natin aabusuhin ang galing ng isang pill maker."

"Muli, isa nanamang oportunidad ito upang ipakita sa ibang bayan ang galing natin kung kaya't ang pag asenso ng bayan natin ay dahil sa inyo." Sabi nito at nagpalakpakan ang lahat.

"Iyon lamang ang nais kong ipahatid sa bayang ito. Gagawin natin ang lahat upang mapanatili ang kaayusan at kaunlara sa bayang ito at ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para maging maayos ang bayan natin.!"sigaw niya.

"Mabuhay ang bayang ito!"sigaw ng hari.

"Mabuhay!" Sigaw ng mga mamamyan sa aking paligid. At naghiyawan ang lahat. Muling maririnig ang mga maliligayang musika sa paligid. Ang mga bata ay masayang naghahabulan sa lugar. Ang mga mamamayan ng bayang ito ay masayang masaya hindi lamang dahil sa unti unting pag unlad ng bayan, kundi dahil alam din nila na ang bayang ito ay ligtas mula sa kahit anong sakuna at pagsubok.

Nang matapos magsalita ay muling tumayo ang hari at tumalikod upang bumalik sa loob ng palasyo. Kasama sa kanyang likod ang kanyang anak na si Scarlet. Nang makapasok ang pamilya ay unti unti nang umalis ang mga nakasama namin s apaglalakbay sa Havanna at napalitan ng mga mamamayan ng bayan na naghahanda na para sa piging na mangyayari mamaya.

Naglatag sila ng mahabang lamesa. Nagsabit ng mga makukulay na banderitas at isa isa nang hinanda ang mga pagkain.

Muli, sa matagal na panahon, ngayon ko nalang ulit.nakitang ganito kasaya ang bayang aking ikinagisnan.

"Kid! Kid!"

Mayroon akong narinig na tumatawag sa aking pangalan. Tumalikod ako at nakita ko ang isang may edad na babae nakangiti ito at kumakaway sa aking pwesto.

"Aling Matilda!"

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon