"Aba! Magkakilala na pala kayo?" sabi ni Zed.
"Oo. Magkakilalang magkakilala." Walang emosyong sabi ko. Simula kasi nang itulak niya ako sa ilog ay hindi na ako pumasok sa eskwela dahil paranng hindi para sa akin ang mapabilang doon. Minsan ay sumasama nalang ako kay Aling Matilda sa pagbili ng mga paninda niya o kaya ay nasa bahay ako at nagbabasa ng libro. Makalipas ng 1 taon ay bumalik na ako sa Eskwenla dahil pinipilit ako ni Aling Matilda dahil limitaado lang daw ang matututunan ko kung nasa bahay lang ako kaya pinilit ko ang aking sarili na pumasok.
At simula non ay hindi na kami nagkita.
"Ayos yan. Magsama sama na tayo papunta doon. Mukhang magaan naman ang pakiramdam natin sa isa't isa eh. Hahaha!" inusenteng sabi ni Zed. Hindi ko nalng pinansin ang sinabi niya at naglakad palayo. Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi ko parin makalimutan na muntik na niya akong mapatay. Sana naman ngayong pagkakataon e hindi na niya gawin iyon dahil pagnagkataon ay hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin.
Dumating na ang dalawang tao na aming hinihintay at nagsimula na kaming pumunta sa Havanna.
"Aabutin ng mga 3 o 4 na araw ang palalakad natin papunta doon kaya pilitin ninyong huwag ubusin ang inyong lakas dahil baka may masalubong tayong Wild Spirit. Maliwanag ba!?" sigaw ng guide sa amin.
Sumigaw ang lahat bilang pagsang ayon. Naglakad na kami paalis sa Bayan. Maririnig mo ang mga sigawan ng mga tagabayan na nagbibigay ng suporta sa amin. Ang iba ay nagsasaboy pa ng mga bulaklak na para bang nagbibigay pugay sa pagbalik ng kanilang bayani. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa malaking Gate na daan palabas ng bayan.
Ang bayan kasi ay napapalibutan ng malaking malaki at malawak na pader. Isa ito sa naisip ng aming mga ninuno bilang depensa laban sa mga spirit. Ang ibang mag bayan sa aming paligid ay may pader ding kanito. Paminsan ay may mga dumadating na manalalakbay o kaya ay taga- ibang bayan dito pero kailangan nilang magpresenta ng kanilang pakakakilanlan para makapasok.
Nang makalabas na kami sa Gate ay sinabihan kami na gumawa kami ng grupo na binubuo ng limang tao para ma-monitor ang bawat isa. At sa kasaman palad, kagrupo ko siya. Si Zed kasi ang pumilit kaya wala akong magawa. Kasama pa namin si Rhea at si Gin, isa ring Spirit Bearer. Pero iba siya sa lahat. Tahimik siya at hindi nagsasalita.
'Sa aking pagkakaalala Kid, siya ang naikwento mo sa akin. Ang batang tumulak sa iyo sa ilog. Tama ba?' tanong ni Master sa akin.
'Opo Master. Siya nga po.' Pagsangayon ko.
'Alam mo, sa tingin ko ay mas maganda ang nangyaari sa iyo nang itulak ka niyadoon. Kasi kung hindi ay hindi mo ako makikita at hindi kita makikialal. Tama?' nakangiti niyang sabi sa akin.
'Tama po kayo Master. Pero hindi ko parin matanggal sa isip ko na muntik na niya akong kitilan ng buhay. Kaya hindi parin matanggal ang kaba at takot sa isip ko.'
Sabi ko sa kanya. Nahinto ang aming pag uusap nang nagsalita si Zed.
"Kamusta ang pag aaral mo Fred?" tanong niya.
"Ayos lang naman. Isang taon nalang at magiging Certified Spirit Bearer na ako. Ikaw? Kamusta ang pagpapalakas mo. Ang makakuha ng ganyang spirit ay mahirap makapag Breakthrough diba?" sabi niya.
"Sa totoo lang, isa na akong 5th Step Spirit Practitioner. Hahaha! " masaya iyang sabi.
"Aba! Ang galing mo naman! Pero bakit parang ang bilis? 3 buwan palang ang nakalipas ah?" nagtataka niyang tanong kay Zed.
"Salamat dito sa Kapatid kong si Kid. Siya ang tumulong sa akin makapag Breakthrough." At sabay akbay sa akin.
Biglang napatingin si Fred sa akin. Nang Makita niya na nakatingin ako sa kanya ay bigla itong umiwas ng tingin at ngumiti. Mahahalata mo naman sa kanya na nagsisisi niya at nahihiya pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa siya kayang patawarin. Nagulat nalang ako nang bigalang lumapit sa akin si Rhea.
"Totoo ba iyon Kid? Paano mo iyon nagawa?" sabi niya. Doon ko lang nakita ng malapitan ang kanyang mukha. Base sa narinig ko ay gumagawa siya ng mga weapon. Mayroon siyang suot na helmet na mayroon maliit na salamin sa mata. Mahahalata mo rin sa kanyang mukha na mahilig siyang magbasa at gumawa ng mgaa bagay.
"hhmm. Haha! Oo" sabi ko.
"anomg ginawa mo? Paano mo iyon nagawa? Pwede ko bang malaman?" sunod sunod niyang tanong.
"Ahh. Eh.. Hindi ko pwedeng sabihin eh. Pagmamay ari iyon ng SHO. Bawal na iyong sabihin." Sabi ko. Bigla naman siyang nalungkot sa aking sinabi.
"aahh. Ganon ba. Sige salamat." Sabi niya.
At tumalikod na sa akin at naglakad. "pero.."sabi ko na ikiniharap niya. "pwede kitang gawan non pero may kapalit."sabi ko.
Bigla namang kumislap ang kanyang mga mata sa aking sinabi. "kahit ano! Sabihin mo lang." masaya niyang sabi.
"Sige. Una, kailangan kong malaman kung kanino mo ito gagamitin." Sabi niya.
"... Sa sarili ko. Mayroon kasi akong Spirit pero hindi pa ako ganoong kalakas." Sabi niya.
"Ano ba ang spirit mo?"
"Blaze Serpent. Hahaha! Masyadong common noh?" Sabi niya.
Napatango ako sa sinabi niya. Totoong ang isang Blaze Serpent ay isang Common na Spirit. Karamihan ng spirit sa Spirit Forest sa loob ng bayan ay Blaze Serpent.
"Sige. Isang Fire Type. Bago kita bigyan ng Spirit Booster, kaipangan mo munang aanayin ang iyong Spirit. Kailangang mayroon ka ng sapat na lakas para manatiling nasa katinuan ka. Dahil pagnagkataon ay ma-overpower ka ng Spirit at may mangyayaring masama sa iyo. Maliwanag." Sabi ko.
Tumango siya na halata sa kanyang mukha ang saya. Napans8n kong nakatingin sa akin si Fred pero hindi ko nalang pinansin. Nagpatuloy kaming naglakad patungo sa Havanna.
Nagpahinga kami ng sandali upang kumain at nang bumaba na ang aming kinain ay pinagpatuloy namin ang paglalakad. Sa buong paglalakad namin ay tahimik lang ako at walang kibo. Kung kakausapin man ako ni Zed ay saka lang ako magsasalita. Isang beses ay sinubukan akong kausapin ni Fred pero agad siyang natigilan nang bilang lumapit sa akin si Rhea. Nagtanong siya tungkol sa sinabi ko kaninang Spirit Booster at nais niyang magpaturo sa akin kung paano gumawa. Pero hindi ko sa kanya itinuro dahil bawal. Ang recipe ng Spirit Booster Pill ay pagmamay ari na ng SHO kahit na simple lang ang mga kailangan.
Inabutan na rin kami ng gabi kaya naman sinabihan kami na huminto at magpahinga. Kinabukasan nalang namin ipagpapatuloy ang paglalakad.
"Bukas ng hapon ay makakarating na tayo sa paanan ng Havanna. Magiging delikado na rin ang ating 0aglalakbay dahil doon. May mga makakaharap na rin tayong mga Spirit pero base sa impormasyon namin, hindi sila malalakas. Mga 100 hanggang 150 Years palang ang mga nandoon kaya kaya ninyong protektahan ang inyong mga sarili." Sabi ng Guide. Ngayon ko lang napansin na mayroon palang isa pang kasama ang Guide namin. Pero nakasuot ito ng Hood sa ulo kung kaya't hindi ko makita ang kanyang mukha.
Isa isa na silang nagtayo ng kanilang tent. Ang tent na ginawa nila Zed ay sakto para sa aming Lima. Ako, si Zed, Fred, Rhea at Gin.
Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong nasa kapatagan pala kami. Kaunti ang mga puno sa paligid at napapalibutan halos ng damo. Dumiretso ako at puminta sa damuhan.
"Kid?! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Zed.
"Dito lang. Magpapahangin." Simple kong sagot.
"Sige. Mag ingat ka ha." At nagpatuloy na akong naglakad. Sa hindi kalayuan ay may napansin akong isang puno. Dumiretso ako at pumunta doon.
Balak kong magpagawa kay Rhea ng isang Gauntlet. Iyon ang hihingin kong pabor sa kanya. Kahit na mababang klase lang muna pero kahit papaano ay may magagamit ako.
'Ano Kid, magsasanay ka ba dito?' Tanong ni Master. Tumango ako bilang sagot sa kanya. Ngumiti siya sa akin. 'Sige. Simulan na natin'. Sabi niya.
Tinuruan na niya ako ng mga atake gamit ang Gauntlet.
'Ang isang Gauntlet ay ginagamit sa pangmalapitang labanan. Kaya papalakasin natin ang iyong mga kamao para kapag nakakuha ka na ng iyong Gauntlet ay sanay ka na.' At nagsimula na nga akong mag training.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...