Itinuro ko ang kweba na kanina ko pang pinupuntahan. Sana lang ay hindi talaga ako nakita ng lalaki kanina kundi, malalaman nila kung saan kami magtatago ngayon.
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Scarlet.
"Karamihan lang. Ang iba, dinakip nila." Sabi ng isang lalaki.
Madami ang sugatan na kasama namin ngayon. Hindi ko alam ang nangyari pero sigurado akong ginulat sila sa paglusob ng kalaban. Hindi aabot sa ganito karaming nasugatan kung nakapaghanda sila.
Inilabas ko ang isa kong potion para magamit ko na. Kulat dilaw ang loob ng isang malakinng bote na ito. May mga kumikinang kinang rin naparang dyamante sa loob.
"Ano iyan Kid?" Tanong sa akin ni Zed.
"Isang Massive Effect Potion. Isang healing potion na ginawa ko para gamitin sa mga ganitong labanan. Mabuti nalang at nakapagdala ako ng isa dahil kung hindi, paniguradong mauubusan ako ng healing potion." Sabi ko.
Sinigurado ko muna na ang lahat ay nasa loob ng kweba. Ang ibang mga may Earth-base na Spirit Bearer na kayang kumontrol ng lupa ay sinabihan kong isarado ang Kweba para hindi nila kami mahanap.
Nang nalagyan na nila ng harang ang Kweba ay itinapon ko ang Potion sa lupa at kalat ang mbangong amoy. Pinaghalong amoy ng talahiban at tamis ng pulot. Nabalot ng ganoong amoy ang buong kweba.
"Ano iyon?"
"Ang bango!"
Agad akong umupo at tumabi kay Zed. Halata sa mukha niya na nababanguhan siya sa aking potion at itatanong kung ano iyon.
"Alam ko ang nasa isip mo. Isa iyan sa mga Mahihirap na Potion na nagawa ko. Hahaha. Tranquil potion. Isang uri ng potion na kayang magpagaling. Isa itong potion na kayang gamutin ang maraming tao. Kung sino ang makalanghap ng mabangong amoy nito, unti unting mawawala ang pagod at makakapagrelax. Kapag naman napunta ang mga kumikintab na bagay na iyan sa sugat, unti unting maghihilom iyon." Mahaba kong sabi na napapangiti dahil sa mga sinabi ko.
"Pero bakit ang bango!?"
"Ah. Kasi ginamit ko yung bulaklak ng Drainweep. Kaya ganyan ang amoy. Amoy ng preskong simoy ng hangin at halimuyak ng bulaklak." Sabi ko.
Nag usap pa kami ng medyo matagal tungkol aa mga bagay bagay. Ilang minuto pa ay tumayo si Scarlet sa isang mataas na bato at nagsalita.
"Makinig ang lahat!" Sigaw niya aapat para marinig ng iba na malayo sa kanya. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa atin ngayon. Hindi ko inaasahan na ganito aabot ang labanan na ito. At sa pagkakaalam ng lahat, madami sa atin ang naaugatan. Mabuti nalang at mayroon tayong kasamang Spirit Healer dito. Madami rin ang nadukot ng mga Bloodfist sa atin kung kaya't mas mahirap ang kalagayan natin ngayon." Sabi niya atsaka huminto. Lalong naging seryoso ang mukha niya. At kapag ganito ang kanyang mukha, alam mong nagkamali ka.
"Hindi na ako magpapaligoy- ligoy pa. Isa sa mga kasama natin dito ay isang espiya ng Bloodfist. Hindi ko alam kung sino siya pero isisigurado ko sa inyo, ako ang magpaparusa sa kanya kapag nalaman ko kung sino siya." Sabi nito at bumaba na sa bato.
Nagbubulungan na ang ibang tao sa paligid namin. Hindi ko alam kung sino ang pinag uusapan o kaya ay pinag-sususpetsyahan nila pero hindi ko gusto ang tingin nila sa akin.
'Ha! Ngayon, iniisip nila na ikaw ang Espiya.' Sabi ni Master sa akin.
'Ha! Wala na pong bago sa akin iyan. Lagi naman akong nasisisi sa mga kasalanan na hindi ako ang gumawa.'
'Pero iba ito, Kid. Baka pagnagkataon, masaktan ka nila.'
Nagulat nalang ko nang bigla akong hawakan ng isang lalaki sa balikat at pinaharap sa kanya.
"Ikaw! Ikaw ang espiya diba!?" Sigaw niya na ikinaharap ng lahat.
Ito ang pinaka ayaw kong pakiramdam. Ang mga mata na matatalim. Na sa maling ikikilos mo, masasaktan ka sa talim.
Tinignan ko ang lalaki sa kanyang mga mata at nagsalita.
"Paano mo naman nasabi na ako nga ang Espiya?"
"Kas kanina, nawala ka! Ilang minuto lang na nawala ka, dumating na sila at ilang sandali, bumalik ka na! Ibig lang sabihin non ay ikaw ang nagsabi sa kanila!" Sigaw niya. At ang ibang tao sa paligid ay sumang ayon sa kanya.
"Yun lang ba ang ebidensya mo? Ang babaw naman." Sabi ko. At naglakad na palayo. Naguusap ang mga tao sa likod ko at gusto nila akong pigilan kung saan ako pupunta.
"Walang duda, siya talaga iyon!"
"Espiya ka!"
Dahil hindi na ako nakatiis, humarap ako sa kanila at sumigaw.
"ANO BA! Hindi kayo titigil! Sige, kung ayaw ninyong tumigil, lumabas kayo sa kweba na ito! Ako kasi ang nakahanap nito eh! Wala kayong karapatan dito!" Sigaw ko na ikinatahimik nila.
"Bakit mo kami papaalisin dito! Sa iyo ba ito?!" Sigaw ng isa.
"Oonga!"
"Ikaw ang dapat umalis! Traydor ka!"
Natahimik ako sa sinabi nila. At napangiti.
"Hmm... Ha!.. Hahaha! Ako ang nagpapunta sa inyo dito! Ako ang nakakita ng lugar na ito! Ngayon, kung ako ang Espiya, dapat kanina pa dumating ang mga Bloodfist para pagpiyestahan iyang mga katawan ninyo. Ngayon, panigurado akong nasa labas sila ngayon, hinahanap ang bawat isa sa inyo. Kaya lumabas kayo!" Sigaw ko sa inis. Napatitig sa akin si Zed. Halata sa kanyang mukha ang gulat. Siguro ay dahil sa tagal naming magkasama, hindi pa niya ako nakikitang magalit katulad ngayon.
Natahimik sila sa sinabi ko. Pero hindi parin natatanggal ang init ng ulo ko kaya magsalita pa ako. "At kung Bloodfist ako, hindi ko na kayo ginamot, nilason ko nalang sana kayo!" Sabi ako at naglakad papunta sa butas na pinupuntahan ko. Narinig ko ang boses ni Zed na sinabing hintayin siya pero hindi ko siya hinarap.
Patuloy lang ako sa pagbaba ng butas nang magsalita si Zed. "Nakakatakot ka rin pala ano!? Hindi ko alam na ang akala kong mabait at matalino ay nagagalit rin pala." Sabi nito atsaka tumawa.
"Normal lang sa tao na magalit. Kapag hindi ka naiinis o nagagalit, hindi ka tao. Atsaka nasa totoo lang ako. Ayoko kasi sa lahat ang pinagbibintangan ako sa mga bagay na hindi naman ako ang gumawa." Sabi ko.
"Sa bagay, wala namang tao na gustong masisi ng wala namang dahilan. Sabi nito at patuloy lang ang pagaunod sa akin. Nang makarating ako sa dulo ay nakita ko ulit ang nangyayari sa dalawang Spirit.
"Wow! Grabe! ganyan pala kalaki ang isang Spirit god!" Sabi ni Zed na may halkng pagkahanga.
"Wala sa laki ang pagiging Spirit god." Nagulat kami nang may magsalita sa aking likod.
Si Scarlet.
"May mga Spirit gods na maliliit lang pero makapangyarihan." Sabi niya.
Tahimik naming tinitignan ang kinikilos ng dalawang Spirit gods at pati na rin ang mgq Bloodfist.
"Minsan ay umaabot ng isang buong araw ang paglalaban ng dalawang spirit god para sa trono." Sabi niya sa amin.
"Teka, ngayon ko lang naisip, bkit gustong makuha ng Bloodfist ang Spirit gods?" Tanong ni Zed.
"Madaming dahilan kung bakit nila gustong makuha ang Spirit gods. Una ay para sa ranggo. Sa tingin ko ay kailangan iyon para maging isang lider ng grupo nila. Pangalawa, para gamitin na panlaban sa mga kalaban. Kapag nakuha na nila ang spirit gods, mas madali nilang masasakop ang ating lugar. Pangatlo ay para mapalakas ang hukbo nila. Siguro ay may pinaghahandaan sila na hindi natin alam." Sabi ko. "Pero mga posibilidad lang ang sinabi ko. Hindi ko tiyak ang kahit ano doon. Pero iisa lang naman ang patutungihan nun eh, ang mapalakas ang sarilo nila." Dagdag ko.
"Paano natin sila ngayon kakalabanin?" Tanong no Scarlet.
"Hindi ko sigurado. Hindi ko rin alam na baka kapag sumugod tayo ng biglaan, kapalit non ay ang buhay ng iba nating kasama na nakuha nila." Sabi ko.
"Sino sino ba ang nakuha?" Tanong ni Zed.
"Madami." Sabi ni Scarlet. "At kasama ang kaibigan ninyo doon".
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...