Binati ng mag ama si Kid sa kanyang pagkapanalo sa pagsusulit.
"Sabi ko na nga ba eh! Makakapasok ka talaga kuya!" Sigaw ni Emy habang tumatakbo ito sa pwesto ni Kid. Makikita sa mukha nito ang pagkatuwa sa nalamang balita. Si Gary naman ay nakangiting sinalubong si Kid.
Sa sandaling nakasama niya ang binata, parang itinuring na niya itong isang anak. Makikita sa mukha nito na ipinagmamalaki niya ang tagumpay ni Kid. Nandoon rin si Aling Rosa at si Hann na sumalubong rin sa tagumpay niya.
"Osya, mag ayos ka na ng mga gamit mo. Pasensya na at itong mga damit lamang ang mga kasya sa iyo. Dalhin mo na ang mga iyan kaysa naman na wala akng maisuot doon." Sabi ni Gary kay Kid.
Inilabas nito ang isang maliit na bag na gawa sa tela. Kulay itim ito na may tali na nagsisilbing pambukas dito. Laman nito ay lima o anim ng piraso ng damit. Hindi naman ito masyadong maganda. Maayos pa naman ang estado nito ngunit mapapansin mo na may kalumaan na ang mga ito.
"Ilang sandali namang at aalis na itong si Kid. Mabuti pa ay magsaya tayo!" Sigaw ni Aling Rosa sa mga kasama. Nakangiti ang mga ito at naghanda na para sa isang maliot na selebrasyon.
Sa mahigit isang linggong paninirahan ni Kid dito sa lugar na ito, napamahal na siya sa pamilyang kahit sandali ay kumupkop sa kanya. Ngayon nalang ulit ni Kid na makakita ng ganitong kasayang pamilya.
Sa saglit na panahon ay naalala niya ang ang mga mikha ng kanyang mga magulang. Hindi napansin ni Kid na napangiti siya sa pag aalala ng kanyang mga magulang.
"Kung sakaling nabubuhay pa sila ngayon, siguro ay ganito rin kami kasaya." Sabi niya sa sarili.
Tumulong si Kid sa paghahanda ng mga pagkain para sa maliit na salo salo nila.
Ilang sandali pa at dumating na ang hapon. Natapos na ang kanilang paghahanda. Tinawag ng pamiya ni Gary ang mga malalapit sa kanila at isinama sa maliit na handaan.
Karamihan dito ay binati ang binata sa kanyang tagumpay na nakamit. At ilang sandali pa ay nagkainan na ang lahat. Kahit na munti lang ang salo salong ito, marami ang kanilang handa sapat para mapakain ang kanilang mga bisita.
Kumakain si Kid ng mga handang kanilang inihanda nang nilapitan siya ni Hann. Hawak nito ang kanyang plato at tumabi kay Kid.
Nang makaupo sa tabi ni Kid, tinignan niya ang binata at tumingin sa langit. Halatang malalim ang kanyang iniisap.
"Mabuti at maganda ang panahon ngayon." Sabi nito. Napatingin si Kid sa matanda. Walang emosyon si Kid at tumingin rin sa langit.
"Oo nga po." Sabi niya.
Tahimik ang dalawa. Ang ingay sa kanilang paligid ay rinig na rinig dahil sa katahimikan na bumalot sa kanila.
"Napansin ko, sa halos isang linggo mong magtira sa baryong ito. Napahanga mo ako sa iyong abilid." Pambasag niya ng katahimikan.
"Minsan kong nakita ang sarili ko sa iyo. Mahilig sa mga libro at kaalaman na gustong iparating sa akin ng mundong ito. Napahanga mo ako dahil doon" sabi ni Hann.
"S-salamat po." Sabi ni Kid.
"Nang mabasa mo ang pinakahuling libro sa aklatan, ang akala ko ay magtatanong ka sa akin ng mga bagay na nakakagulo sa iyo pero hindi. At hanga ako sa iyo dahil doon. Ang ibig lang sabihin non ay naintindihan mo ang mga nakasulat doon." Aniya. "Noong kabataan ko, nangarap din akong makapunta sa Capital City. Ngunit hindi ako pasado sa kahit anong pagsusulit na kanilang ginawa. Ang akala ko ay wala na akong pakinabang sa mundo. Pero binago mo ang aking pananaw." Aniya.
Naglabas ito ng isang libro. Luma na rin ito katulad ng mga libro sa aklatan. Ang iba lang dito ay ang librong ito ay mas maliit kaysa sa mga librong nakasanayang mahawakan ni Kid.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...