39

3.8K 284 38
                                    

Halos nakaka kalahati na sila Kid at Master Val ng libro. Halos dalawang oras narin ang nakalipas at naihanda narin ni Priest Meng ang lahat.

Habang patuloy ang dalawa sa pagbabasa, biglang bumukas ang malaking pinto. Napalingon agad si Priest Meng sa pinto at mabilis na pinuntahan ito.

Makikita ang limang pigura ng tao ang nasa labas ng malaking pinto. Tahimik itong binuksan ni Priest Meng upang hindi magambala ang dalawa.

"Mabuti at nakarating kayo. Halos kalahati na ang kanilang nababasa at alam kohg malapit na silang matapos." Sabi ni Priest Meng.

"Sigurado ka ba talagang kaya iyan ng batang iyon? Sa tingin mo ay mas malakas ang batang iyan estudyante ko?" Sabi ng isang High Priest na si Ramon.

Ang limang tao na unti unting pumasok sa loob ay ang limang High Priest. Ito ay sila Tandang Roma, Ramon, Priest Xiao, Victoria at si Aban. Sila ang mga High Priest na tunanggap kila Kit at Jay para maging ganap na Gwardya.

"Oo.  Nakakasiguro akong makakaya ng batang iyan na matutunan ang Martial Art Skill na iyan." Sabi nito sa lima.

"Sa aking pagkakaalala, estudyante mo siya Aban, hindi ba?" Tanong ni Tandang Roma kay Aban.

"Ah- eh, oo haha." Aniya sabay kamot sa ulo. Sa buong pagsasanay kasi ni Kid ay tangig ang matanda lamang na nagbabantay ng bahay ni Aban ang nagbibikay kay Kid ng mga kailangan niyang gawin. Sa buong pagsasanay ni Kid ay ni anino ni Aban ay hindi nakita.

"Hmmm, mukhang hindi mo alam ang totoong kakayanan ng estudyante mo Aban. Mukhang alam ko nanaman kung anong nangyari." Sabi ni Ramon sa kanya.

"Osya, tignan natin kung anong mangyayari sa batang iyan." Sabi ni Victoria sa kanila at tumango ang lima bilang sagot.

Umupo ang lima sa mga upuang nakapalibot sa malaking mesa. Bago pa makapwesto si Priest Meng sa kanyang upuan ay agad na hinawakan ni Priest Xiao ang braso nito at kinausap ng pabulong.

"Sigurado ka na ba talaga sa gagaein natin ngayon, Meng? Tandaan mo, maraming nakasalalay sa batang iyan. Paano kung magkamali siya at masira ang kanyang Cultivation, anong gagawin natin?"

Natigilan si Priest Meng sa mga sinabi ni Priest Xiao. Ngunit ilang sandali pa ay tinapik ni Priest Meng ang balikat ni Priest Xiao at ngumiti. "May tiwala ako sa batang iyan. Tandaan mo, ako ang nagbigay sa kanya ng unang test para makapasok dito sa Central City. Alam ko ang buong kakayahan ng batang iyan. Ay alam ko rin na kaya niya ang mahirap na Martial Art Skill na iyan." Sabay upo sa kanyang upuan.

May duda man sa isipan ni Priest Xiao ay umupo na rin ito sa kanyang upuan.

"Dapat ako nalang ang nag aral ng Martial Art Skill na iyan eh! Edi sana ngayon natalo na natin ang mga Goblin na iyon diba?" Birong sabi ni Ramon sa lima. Natawa naman si Ramon sa kanyang mga sinabi ngunit natigilang siya nang marinig ang mga sinabi ni Priest Meng.

"Handa ka bang itaya ang buong buhay mo para lang sa Martial Art Skill na iyan? Handa ka bang mawala ang iyong tungukulin bilang High Priest para lang sa Skill? Handa ka bang mawala ang cultivation mo? Dahil kung hindi, wala kang karapatan na sabihin iyan." Aniya.

Nanahimik si Ramon sa narinig. Maski ang lima ay napatingin sa sinabi ni Priest Meng.

Huminga ng malalim si Priest Meng. "Kanina, bago pa siya magsimulang aralin ang Martial Art Skill na iyan, tinanong ko siya kung handa pa siyan ialay ang lahat para lang makatulong sa pagtalo sa mga Goblin. Kita ko sa mukha ng bata na wala siyang bahid ng alinlangan. Hindi siya natatakot mawala ang lahat sa kanya. Hindi ko alam ang mga pinagdaanan niya sa kanyang orihinal na mundo pero masasabi kong hindi biro ang mga iyon." Mahabang sabi niya.

"Kaya kung itatanong nyo ulit sa akin kung makakaya ba ng batang iyan na ma master ang Skill na iyan. Isa lang ang isasagot ko sa inyo."

Nagtinginan ang lima sa sinabi ni Priest Meng. Pinatunayan niya na malaki ang tiwala nito kay Kid.

Hindi ito nromal kay Priest Meng na magtiwala. Kilala siya bilang metikoloso at mahigpit sa pagpili ng mga magiging Central Guards. Kung kaya't ang makitang nagtitiwala ang isang Priest Meng sa isang bata ay nakakagulat.

Habang nag uusap ang anim na High Priest, sa gilid naman ay makikita ang mabilis na paglipat ni Kid ng mga pahina ng Martial Art Skill. Habang patuloy na nagbabasa ang dalawa, sa isipannibkid, naghahalo halo ang mga salitang nababasa niya at nababasa ni Master Val.

Mabilis naman niyang naipo proseso ang mga salita nang biglang may naramdaman siyang may umiinit sa kanyang bandang tiyan.

Unti unti nang namamaster ni Kid ang Skill. Nagagamay na ni Kid ang skill kahit na may karamihan pa ang natitirang pahina ng libro.

Pansin din ng mga High Priest ang pagbilis ni Kid sa pagbabasa. Nagulat ang anim nang bilang may liwanang na sumabog sa pwesto ni Kid at para bang nilalamon nito ang katawan ni Kid.

"Anong nangyayari?!" Tanong ni Tandang Roma.

Unti unting lumiliit ang liwanag na nanggagaling nay Kid at pumupwesto ito sa kanyang ulo. Naghahalo ang pagtataka at kaba sa mga High Priest dahil baka nagkamali si Kid sa pag intindi ng Skill na iyon ngunit mali ang kanilang akala.

Ang liwanag na unti unting napupunta sa uluhang bahagi ni Kid ay unti unting nakakagawa ng isang pigura. Isang korona.

Ang Bemeroth.

Ang Bemeroth ay isang Mythical Weapon kung saan nagbibigay ito ng kakayahan sa isang Tao na ma master ang kahit anong uri ng sandata.

Nakakatulong ang Bemeroth dahil iniisip nito na ang Martial Art Skill na God Mortal's Prayer ay isang armas na ginagamitan ng sariling katawan para kay Kid. Isa rin sa mga dahilan kung bakit lumabas ang Bemeroth ay dahil naramdaman nito na may mali sa nabasa ni Kid at nais nitong itama ang nabasa niyang ito.

Ang Martial Art Skill na God Mortal's Prayer ay isang napakaperpektong Skill na kahit sino ay maghahangad na malaman at ma master ang skill na ito. Naisip na ito ng gumawa ng Skill. Alam niya na kapag nalaman ito ng mga Cultivators ay pagkakabuluhan nila ito at maaari pang pagmulan ng gulo kung kaya't sinadya niyang baguhin ang isang parte ng skill upang makasigurado na wala, ni isa, ang kayang makagamit ng skill.

Ngunit iba si Kid, si Master Val, at ang Bemeroth. Tatlong isipan ang nagtutulong tulong upang makuha ang perpektong Skill na iyon.

Unti unting umaangat si Kid mula sa kanyang pagkakaupo at unti unti nating tumataas ang kanyang  Cultivation. Nararamdaman ito ng mga High Priest.

". . ."

Walang nagsasalita sa anim at nananatiling tahimik at gulat sa mga nasasaksihan.

Napatayo sila mula sa pagkakakupo at pinagmamasdang mabuti ang mga pangyayari sa kanilang harapan. Hindi na maitago si Priest Meng ang kanyang tuwa at agad na inutusan ang lima na magsimula na sa kanilang ritwal.

Agad na nagmadali ang lima dahil ipang sandali nalang ay matatapos na ni Kid ang libro. Kailangan na niya ng napakaraming Essence para sa kanyang Cultivation.

"Alam kong hindi mo kami bibiguin, Kid." Sabi ni Priest Meng sabay ngisi.

Sa digmaan namang nangyayari, nasa harapan ni Jay ang isang Hobgoblin. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig kay Jay. Umatake ito ngunit agad na nakaiwas si Jay.

"Space Ripper!" Sigaw ni Jay at na tumama ang kanyang espada sa Hobgoblin. Para bang hinigop ang goblin mula sa kanyang sugat na ginawa ni Jay at biglang tumalsik palayo.

Hindi naman kalayuan ay naglalakad papunta kay Jay ang dalawa pang Hobgoblin na handang umatake sa kanya. Kahit pagod at hinahabol ang sariling hininga ay inihanda ni Jay ang kanyang susunod na atake. Nang biglang  may maririnig ng malakas na sigaw. Mas malakas sa tunog ng trumpeta kanina.

*GRAAAAARRRRRGGGLLL!!!!!

Naramdaman ni Jay na bumigat ang hangin sa kanyang paligid at napupuno ito ng kadiliman.

Sa bawat pagyanig ng lupa unti unting nararamdaman ni Jay na pabigat ng pabigat ang hangin sa kanyang paligid. Unti unti naring nahihirapang makahinga ang ibang Spirit Bearer sa Awrang kanilang nararamdaman.

"Nandito na...

Ang Goblin King!"

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon