19

4.9K 240 4
                                    

"Alam ko kung saan sila ngayon." Sabi niya.

"Sige po. Sabihin po ninyo sa akin para maisama ko sila papunta doon."

"Sige. Pero Kid, mag ingat kayo. Masyadong malalakas ang mga bandidong iyon."

Bandido? Sa pagkakaalam ko, matagal na silang wala ah! Kasama sila sa mga simaunang pangkat na lumaganap sa buong mundo. Minsan kasi ay nagkaroon sa mundo ng malaking kaguluhan. Nabalot ang buong mundo ng takot dahil bumukas ang lagusan ng mga Spirit Beasts at nagaimula silang kumalat sa mundo. Hindi alam ng mga tao ang nangyayari kaya nagkagulo ang lahat. Maraming namatay, naulila. Kaya naman gumawa ang mga tao ng kani kanilang grupo. Grupo na magpoprotekta sa kanila laban sa mga Spirit Beast at sa kapwa tao rin. Nang sumara na ang lagusan ay unti unti nang humupa ang kaguluhan. Ang ibang Mga bandido ay naging matatag at gumawa ng sarili nilang lugar na paninirahan para sa panibagong buhay. Ang iba ay gumawa ng sariling bayan para sa kanilang kapwa bandido at tumira ng maayos. At sa iba ay nanatiling bandido dahil nawalan na sila ng tiwala sa iba. Siguro..

"Pero matagal na silang nawala!" Sabi ko.

"Pero hindi sila. Pinagpapatuloy parin nila ang kanilang paniniwala. Naniniwala silang muling bubukas ang lagusan papunta sa Spirit World at mauulit muli ang paglabas ng mga Spirit." Sabi niya.

"Pero ano namang kinalaman ng bayan namin kung ganon?" Sabi ko.

"Naghahanda sila para doon. Galing ako sa pangalawang bayan. Sa bayan ng Virginia. Kung anong nangyayari sa bayan ninyo ay nangyari sa amin. Pero hindi kami nagtagumpay at nakuha nila ang lahat ng aming yaman." Sabi niya.

"Ginto, palay, pagkain, armas, potions, lahat. Kinuha nila." Sabi niya.

"Hindi kayo lumaban?"

"Lumaban. Pero hindi namin sila natalo. Kasapi sila sa Bandidong tinatawag na BloodFist." Paliwanag niya.

"Ang BloodFist ay isang sikretong grupo ng mga bandido na naniniwala tungkol sa muling pagbukas ng lagusan. Katulad ng mga bayan, binubuo sila ng mga pamilya. Pero imbes na pami-pamilya, hindi sila magkakadugo. Pinaghalu halong mga ulilang mga tao ang nandoon. Karamihan sa kanila ay mga dating bilanggo na nakatakas." Sabi niya sa akin.

"Bimubuo sila ng tatlong grupo. At sa tatlong grupong iyon, mayroon silang lider. At ang tatlong lider na iyon ay tumatanggap ng utos mula sa kanilang AMA."

"Saan mo nakuha ang mga ganyang impormasyon?" Tanong ko.

"Ginamit ko ang Shadow para malibot ng mabilis ang buong bundok. Nang mahanap sila ay saglit akong nakinig sa kanila at hinintay na may mabiktima para maitanong ko ang tungkol sa kanila. Mabuti nalang at nakakalap agad ako ng mga impormasyon na kailangan natin" Sabi niya.

Medyo kinilabutan ako sa sinabi niya. Parang napakabrutal ng matandang ito! Pero mabuti nalang at nandito siya para sabihin sa akin ang kanyang nalalaman.

"Bakit pala hindi ka sumama sa amin papaunta doon sa pwesto nila?"

"Kasi kasama ko ang Guide ninyo. Kung hindi ko siya kasama, paniguradong pupunta ako doon pero wala eh. Huwag kang mag alala. May tiwala naman ako sa inyo eh. Kahit alam kong mahihirapan kayo. Pero magtatagumpay kayo. Alam ko iyan." Sabi niya.

"Salamat. Kung ganon." Sabi ko. Itinuro na niya sa Akin ang pwesto kung saan sila naroroon. Nang maituro nya, sinabi niya sa akin ang mga pwesto ng mga patibong na dinawa ng mga bandido. Siguro ay para proteksyon nila laban sa kalaban. Ilang sandali pa ay natapos na niya ang mga paalala at nagpaalam na siya sa akin. Naging mala-itim na usok muli siya at lumipad papunta sa Havanna. Titignan daw niya muli ang pwesto ng mga kalaban para makasigurado.

Ilang sandali pa ay bumalik na siya at sinabi sa akin ang mga sitwasyon doon.

"Karamihan sa kanila ang wala doon. Siguro ay nagpatrol sila palibot sa kanilang base o kaya ay naghanap ng makakain. Pero ang nakakapagtaka ay wala doon ang lider nila. Hindi ko sigurado kung umalis na siya doon pero kahit na marami ang umalis ay marami parin ang natira doon. Mag ingat kayo, lalo ka na kid. Madaming mga Spirit Bearer sa kanila. Malalakas. Malalaki. Galingan ninyo. Sa inyo nakasalalay angkapakanan ng buong bayan ninyo." Sabi niya. Tumango ako bilang pagsang ayon atsaka nagpaalam na siya sa akin.

Muli kong kinuha ang papel na ibinigay niya sa akin at kinabisado ulit ang buong pasikot sikot ng havanna. Bawat maliliit na detalye.

'Dito Kid. Dito ang pwesto ng pinaglagyan ko ng papel na recipe ng gamot. Ilang metro katabi ng kanilang kampo. Marahil ay gumawa sila ng kampo diyan kaya hindi masyadong ligtas.' Sabi niya.

'Opo master.' Sabi ko at nag isip na ng paraan ng pagpunta namin doon sa kampo ng mga kalaban at pagkuha ng recipe.

Hindi ko masyadong nabantayan ang oras at nalipasan na ako ng gabi. Ilang oras na lang at sisikat na ang araw kaya iniligpit ko na ang mga papel.

Mabuti nalang at nakabisado ko ang mga direksyon. Alam ko na ang gagawin bukas. Kaya naman naghanda na ako sa paghiga at para makatulog na. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at nagpahinga.

Pero sa kasamaang palad, hindi umaayon sa aking ang Havanna. Nakaramdam ako ng mga pagyanig sa lupa. Habang patagal ng patagal ay palakas ito ng palakas. Bigla akong bumangon at ginising sila Zed.

"Zed! Rhea, Fred! Gising! May mga paparating!" Sabi ko.

Halata sa kanila ang pagkagulat at pagtataka sa sinabi ko. "Sino?"

"Hindi ko sigurado. Pero mukhang madami sila." Sabi ko atsaka ginising ang iba. Nakita kong tumatakbo papunta sa akin si Scarlet at alam ko ang kailangan niya.

"May mga naramdaman akong pagyanig sa lupa. Hindi ko sigurado kung mga tao ba iyon, Wild Spirits o lindol. Basta alam ko, papalapit na sila." Sabi ko.

Agad siyang tumango at sumigaw. "Ang ibang mga Spirit Bearer, sumama sa akin! Ang iba, matira dito! Bantayan ninyo ang mga gamit! Maliwanag!?" Sabi niya. Tumango ang iba sa sinabi niya. Agad siyang humarap sa akin." Suamma ka sa amin." Sabi niya sabay hablot sa aking braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya nakakaramdam ako ng sakit.

"S-sandali! Saan mo dadalhin si Kid!?" Tanong ni Zed.

"Isasama siya! Diba ikaw nakaramdam non?!" Sabi niya na nakaharap sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Kung ganon, sasama kami sa inyo!" Sabi ni Zed.

"Kayo ang bahala. Bilis na, aalis na tayo. At ikaw, ituro mo sa amin kung saan sa tingin mo nanggaling ang pagyanig." Sabi niya.

Ang problema ay hindi ko alam kung saang lugar mismo nanggaling ang pagyanig.

'Sa tingin ko Kid, hindi mo na kailangang maghanap.' Sabi ni Master sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi ni Master. 'Bakit po? Master?'

'Kasi, nandito na sila.' Sabi niya. Agad na tumayo ang mga balahibo ko sa nakita ko.

Napakarami nila. Patuloy lang silang tumatakbo sa harap namin. Iba't ibang uri. Para silang may tinatakbuhan. Tinatakasan. Hindi ko iyon tiyak pero itinuro ko iyon. Sabay sabay silang humarap sa itinuro ko. Nanlaki ang mga mata nila sa nakita nila.

"Napakaraming Spirits! Saan sila nanggaling!?"

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon