Isa siyang lalaki. Malaki ang katawan at matangkad. Kalbo ang kanyang ulo ngunit may hawig parin kay Zed.
Agad aking tumayo sa kanyang harapan at nagbow.
"Sorry po. Hindi ko po sinasadya." Sabi ko.
Nakita kong kumunot ang kanyang mga kilay at biglang nagsalita.
"Sino ka bata?" Tanong niya.
"Ako po si Kid. Kapatid ni Zed." Sabi ko.
"Ha? Kapatid?" Sabi niya at biglang lumapit sa akin.
Nagulat ako sa kanyang ginawa. Bigla niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa aking balikat. At biglang tumawa.
"Ngayon ko lang nalaman na mayroon pa kaming isang kapatid ah!" Sabi niya ng nakangiti.
Ilang sandali pa ay biglang lumabas si Zed mula sa kung saan.
"Oh! Kuya! Nakita mo na si Kid." Sabi niya. "Ah kuya, siya nga pala si Kid. Kid, siya ang aking Kuya, si Zac" sabi niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong kuya pala ito ni Zed. Ilang saglit pa ay pimunta na kami sa lugar kung nasaan ang ama ni Zed.
Ilang sandali pa ay nandoon na kami. Bumungad sa akin ang isang lalaki. May mahabang bigote ito na umaabot hanggang sa kanyang tuhod. Maitim pa naman ang kanyang mga buhok na sa tingin ko ay hindi pa siya ganoon katanda. Nag aayos siya ng mga papel sa paligid.
"Ama! Nandito na po ako!" Sabi ni Zed.
"Mabuti anak! Kamusta ang pagauaulit mo sa SHO?" Sabi niya
"Maayos naman po Ama. Nga pala ama, siya po si Kid. Ang sinasabi ko sa inyo. Siya po ang tumulong sa akin para lumakas at maging isang 3-Step Spirit Practitioner." Sabi niya.
"Aba! Magaling anak! Nagkaroon ka ng isang kaibigan na isang Henyo! Maraming salamat Kid sa iyong itinulong sa aking anak. Upang sa mga susunod na mga araw, mayroong nang papalit sa akin." Sabi niya.
"Maari po bang magtanong, si Zed po ba ang papalit sa inyong Pwesto?" Tanong ko.
"Oo anak. Bakit mo naman naitanong?"
"Bakit po hindi si Zac ang papalit sa inyo?" Tanong ko.
Napansin kong napatingin si Zed sa kanyang ama atsaka tumingin sa sahig. Para bang may problemang kinakaharap ang pamilyang ito.
"Dahil mayroon kaming sakit ni Zac. Isa itong sakit na namamana. Ang sakit na ito ay ang dahilan kung bakit ko ipapasa kay Zed ang aking pwesto dahil hindi niya iyon namana."
"Ano po bang sakit iyon?" Sabi ko. Biglang lumabas si Val sa kwintas at sabay sabi sa akin ng
'Isang makasaysayang Bloodline!' Sabi ni Val.
Nagtaka ako ng ibig sabihin ng sinabi ni Val. Nagsalita na ang ama ni Zed.
"Simula pa lamang sa aming ninuno, mayroon na kaming sakit na ganito. Ang sakit na ito ang nagbibigay ng taning sa aming buhay. Bibigyan lamang ng hanggang 50 taon ang masadapuan ng sakit na ito. 48 na tanong gulang na ako at malapit na ang taning ng buhay ko." Sabi niya.
Nagsalita si Val pagkatapos magsalita niya.
'Ang Serpentine Bloodline! Tama nga ako! Isa iyong Bloodline ng mga pinakamagagaling na Spirit Healer!' Sabi ni Val.
"Tungkol po ba ito sa mga Serpentine Bloodline?" Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata nila nang sinabi ko iyon.
"Saan mo nalaman iyan!" Sabi niya.
Ang totoo niyan, mayroon akong nabasang libro tungkol sa mga Bloodlines. Nais ko ring malaman ang aking bloodline pero wala akong makita sa librong aking nabasa. At isa sa mga bloodlines na nabasa ko ay ang Serpentine Bloodline. Kakaunti lang ang nabasa ko doon pero sa kaalaman ni Master Val, siguro ay mas lalawak ang nalalaman ko tungkol sa mga bloodlines.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...