Nang matapos na ay agad na bumalik ako sa normal kong anyo at tumingin kila Scarlet.
"Ayos lang ba kayo?" Kaswal kong tanong.
Tumango siya bilang sagot. "Oo. Nandito na ang lahat ng kasama natin."
Tumango ako at tumingin ulit sa gumuhong bangin. Lumapit sa akin si Zed at umakbay sa akin.
"Hali ka na, maghanda na tayo para bumalok sa ating kampo. Kailangan pa nating balikan ang iba nating kasama para malaman natin kung ligtas ba sila." Sabi nito at tumango ako. Inihanda na namin ang aming mga gamit nang biglang sumigaw si Master.
'KID! UMALIS NA KAAGAD TAYO DITO! MAY NARARAMDAMAN AKONG KAKAIBA.' Sabi nito kung kaya't minadali ko silang kumilos para makaalis na.
Pero huli na ang lahat. Biglang yumanig ang buong lugar at sa tingin ko ay nanggagaling ito sa gumuhong bangin.
Hindi kaya--
Biglang nagtalsikan ang mga bato at alikabok sa buong paligid.
Hindi ko makita ang aking nasa paligid. Naramdaman ko nalang naay humawak sa aking balikat.
"Kid! A-ayos ka lang?" Sabi ni Zed.
"O-oo ayos lang ako."
"Anong nangyayari?!" Sigaw siya.
Sasagot na sana ako nang biglang yumanig ang paligid.
"Anong nangyayari?!" Sigaw ng aking mga kasama.
"Bata, gamitin mo na ulit ako." Rinig kong sabi ng Centaur sa akin isip. "Nagbalik siya."
Agad akong nagmorph pagkasabi na pagkasabi niya. Nakita kong nagtalsikan ang mga bato sa paligid. Nanggagaling ang karamihan ng mga bato sa bangin.
Nagulat nalang kami nang makita namin ang dalawang lalaki na nakamorph at kasalukuyang lumilipad sa ere.
"Akala ninyo ay matatapos nyo na ang mga buhay namin!? HINDI! HAHAHA!" Sigaw ng isang lalaki.
"..." walang emosyon ang isa pang lalaki na nakatayo sa tabi ng isa. Pero kahit hindi ito nagsalita ay makakaramdam ka parin ng takot kung sakaling mapatingin ka sa kamyang mga mata.
Kahit na nakakalat parin ang alikabok sa buong lugar ay maaaninag parin ang katawan ng dalawa. Ang lalaking nasa kaliwa ay mayroong pakpak. Ngunit ang mga pakpak nito ay para bang nasira na dahil sa katandaan. Tanging ang hugis ng buto nalang ang makikita sa mga pakpak nito.
Mayroon siyang mahahabang tenga na patusok. May matatalim itong kuko at may mahabang pangil. Nakakatakot siyang tignan dahil para siyang isang paniki na namatay at muling nabuhay.
Ang isa naman ay lalaki na mayroong itim na pagpak. Napakalaki nito at sa bawat pagaspas nito ay mayroong nahuhulog na itim na pulbura mula rito. Mayroon siyang hawak na espada at isang Shield. Ang mga paa nito ay parang isa isang ibon. May matutulis at mahahabang na kuko.
"Balak ninyong tapusin ang susunod naming lider. Hindi ba kasamahan ninyo siya? Hahaha!" Sigaw ng lalaking paniki.
Nakakabingi ang boses nito dahil sa taas at nakakapanindig balahibong tining.
"Pero mabuti nalang at nakapaorph agad kami at nailigtas namin siya. Pero hindi maganda ang ginawa ninyo, at dahil diyan, magsisisi kayo. Hahaha!" Sigaw niya pero napahinto ito nang biglang itaas ng katabi niyang lalaki ang espada nito at itinapat sa leeg niya.
Nagulat ang lalaki at kinabahan. Para bang pinagpawisan ito ng malamig dahil nakakita ng multo.
Iniikot nito ang kanyang paningin at humarap sa kasama. Umiling ang lalaking ibon at ibinaba ang kanyang sandata. Nang matapos ay biglang nagbago ang mukha ng lalaking iyon. Para bang sinapian ito at paikot ikot ang kanyang ulo. Unti unting nagbago ang kanyang itsura at lumabas ang kanyang malaki at matulis na tuka at tuluyang naging ibon.
Nang matapos ay bigla itong lumipad pabalik sa bangin. Nabalot ang buong lugar ng katahimikan.
"H-haha! Ligtas kayo ngayon mga bata. Hindi namin kayo mapapatay ngayon pero tandaan ninyo, hindi pa tapos ang lahat." Takot parin nitong sabi.
Siguro ay dahil sa ginawa ng lalaking ibon na iyon sa kanya. Ibig sabihin ay mas malakas ang ibon na iyon kaysa sa kanya.
Lahat kami ay nakatingala sa ere. Pinapanood ang mga susunod na mangyayari. Para bang napako kami sa lugar na iyon dahil sa awrang inilalabas ng dalawang iyon. Lalu na ang lalaking ibon. Para bang kapag kumilos ka o kahit kaunting galaw ng iyong katawan ay bigla ka nalang mawawala sa mundo.
Narinig namin ang palaspas ng pakpak ng lalaking ibon. Bitbit nito si Ben na ngayon ay patuloy parin sa pag absorb ng spirit stong ng earth dragon.
"Babalik kami! Hahaha" sabi ng lalaking paniki at nagpalit anyo sa isang totoong paniki. Katulad ng kanyang pakpak, gutay gutay natin ang pakpak nito, may matutulis na ngipin at kuko.
Lumipad sila palayo pero hindi parin kami makakilos. Nang mawala na ang kanilang anino at lamunin na sila ng liwanag ng araw ay saka lang kami nakagalaw. Ang iba pa nga sa amin ay bumagsak sa lupa at ang iba ay nahimatay.
"Nakakatakot ang awrang naramdaman natin sa dalawang iyon. Nakakatakot." Sabi ni Zed.
Bumalik na ako sa dating anyo. Nang makabalik, Napaisip ako, nagmorph na ako bilang Centaur pero bakit ganoon parin ang takot na naramdaman ng aking katawan.
Nawala ang pag iisip ko nang magsalita si Master.
'Alam ko ang iniisip mo. Hindi mo kayang makakilos kanina dahil masyadong mababa ang cultivation mo. At sa totoo lang, lahat kayo. Kahit pa anong rarity ng iyong spirit, kung napakababa ng iyong cultivation, ma-o-Overwhelmed ka ng kalaban mo lalu na kung halos isang stage ang pagitan ninyong dalawa. At sa tingin ko, nasa 2nd-step Spirit King na ang Undead Vampire Bat na iyon at nasa 8th-step Spirit King na ang King of Soaring Eagle na iyon.' Mahaba niyang sabi.
Kaya naman pala ganoon nalang ang takot ng paniking iyong sa lalaking ibon dahil sa taas ng Cultivation nito.
Naramdaman ko rin na unti unting nawawala na ang awra ng Centaur sa aking katawan.
Unti unting nabuo ang buong katawan ng Centaur sa aking likuran.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Bagamat madaming nawala at nasira sa lugar na ito, ang mahalada ay nailigtas ko ang mga wild spirits na nakatira kasama ko rito, at salamat sa inyo dahil doon." Sabi nito at nang matapos ay humarap ito sa akin.
"Bata, nang nasa katawan mo ako, hindi ko mawari kung bakit ang lakas ng iyong espiritu. Napakalakas na kahit ako ay hindi maaaring makapasok ng tuluyan sa buo mong katawan. Alam kong wala ka pang Spirit pero nakasisigurado akong balang araw, darating ang oras na makikita mo ang Spirit na para lang sa iyo." Sabi nito at yumuko.
Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit na hindi ako sigurado sa sinabi niya ay nagpasalamat parin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasíaKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...