"Kasama ang kaibigan ninyo doon. Si Fred." Sabi niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Naghahalong mga emosyon. Naiinis ako sa aking sarili dahil kung Hindi ako umalis doon, sana ay kasama kocsi Fred na itakas dito.
Pero ang pinagtataka ko lang, bakit kanina, habang naglalaban ang dalawang kampo, hindi ko nakita si Fred na lumalaban. Kung sakaling hindi siya lumaban, Nasaan siya? Pero bakit sabi ni Scarlet na kasam si Fred sa mga nakuha ng mga Bloodfist? Andaming mga bagay ang timatakbo sa isip ko ngayon. At Nawala iyon nang kinalabit ako ni Zed.
"Ayos ka lang? Huwag mo nang isipin iyon. Sigurado naman akong kung nasaan man si Fred, ligtas siya." Sabi nito sa akin.
"Sana nga." Sabi ko pero hindi parin mawala ang pangamba sa isip ko. Maraming "Paano kung". Maraming "Siguro". Maraming "Baka".
"Kaya ako pumunta dito para kausapin kayong dalawa. Kayong dalawa lang ang pinagkakatiwalaan ko higit pa sa iba, rito. Kaya tulungan ninyo ako. Hindi ko kayang mag- isa ito. Kaya tulungan ninyo ako." Sabi ni Scarlet sa amin.
"Kailangan nating makahanap ng paraan para mailigtas ang mga kasama natin. Kailangan din nating mapigilan ang pagkuha ng Bloodfist ng Spirit Gods na ito. Hindi ko alam kung paano. Pero kapag tinulungan ninyo ako, baka makabuo tayo ng magandang plano." Sabi niya
Nagtinginan kaming dalawa ni Zed.
"Sige. May naisip ka na bang plano?" Tanong ko sa kanya.
"Meron. Pero hindi ko alam kung ayos lang." Sabi niya. "Sosorpresahin natin sila ng atake. Kapag susubukan na nilang atakihin ang mga spirits na iyon, saka tayo aatake." Sabi niya.
Sa ikli naming makasama nitong si Scarlet, medyo nawi-wirduhan ako sa kanya. Hindi ko alam pero boses at kilos lalaki siya. Alam ng lahat na babae siya pero sa tingin ko ay hindi. Pero hindi talaga eh! Babae talaga siya! Siguro ay ganon lang talaga siya magsalita at kumilos. Dahil na rin siguro sa kanyang ama. Kailangan siyang sanayin para lumakas at makayanan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa iba.
"Pwede nating gawin iyon, pero paano natin sila maililigtas?" Tanon ni Zed.
"Gagawa tayo ng isang grupo na tutulong sa pagliligtas sa kanila. Kailangan ang kasama doon ay mapagkakatiwalaan." Sabi ko.
"Sige. Zed, ikaw ang mamuno doon. Humanap ka ng mga kasama mo para tumulong sa iyo sa pagligtas sa kanila." Sabi ni Scarlet.
"Kailangan din pala nating gumawa ng dalawang grupo. Isa ay manggagaling dito at ang isa ay manggagaling sa taas. Ikaw scarlet ang mamuno sa mga manggagaling sa taas ng bangin na ito. Diba ang spirit mo ay -"
"Oo. Ako na ang bahala." Sabi niya.
"Sige." Sabi ko. Tumayo na sila at naghandang bumalik nang magsalita ako.
"Kung sakaling may mangyaring masama sa akin, at nakataya doon ang buhay ninyo, iligtas ninyo ang sarili ninyo." Sabi ko sa kanila. "Tandaan ninyo, isa lang akong Spirit Healer. Walang Spirit." Sabi ko.
"P-pero Ki-"
"Sige. Pumapayag kami. Pero siguraduhin mong walang mangyayari sa iyo!" Sabi ni Scarlet at bumalik na.
Tinignan ko ang likod ni Scarlet habang nilalamon siya ng dilim ng Kweba. Mahahalata mo sa kanya ang tapang pero hindi parin mawawala ang pag aalala sa kanya.
"Kid. Huwag kang magsalita ng ganyan! Hindi nakakatuwa." Sabi ni Zed.
"Alam mo Zed, wala namang mawawala sa akin kung mawala man ako. Wala na akong pamilya. Kaya walang malulungkot. Ikaw, umaasa sa ito ang pamilya mo. Lalung lalo na ang tatay mo. Kaya huwag mong isakripisyo ang buhay mo para sa akin." Sabi ko at naglakad na rin pabalik. Narinig ko pa siyang nagsasalita pero hindi ko nalang pinansin.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...