22

4.8K 245 11
                                    

Mountain Centaur at Earth Dragon. Dalawa sa malalakas ng Spirit gods sa hanay ng Earth Type. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Ang Mountain Centaur ay may laki na halos nasa 3-palapag na bahay. Nanhati ang katawan nito sa dalwang parte. Ang partwng kabayo at parteng tao. Mayroon itong mahabang buhok at balbas. Ang mga tainga nito ay parang kabayo pero mang mukha nito ay tao. May hawak din itong isang Spear na gawa sa isang matulis na bato.

Nagulat ako nang biglang yumanig ulit ang lupa. Nakita ko na ang lupa ay parang naging tubig dahil nang hinampas ng Centaur ang lupa ay biglang naiba ang porma ng lupa. Bigla itong tumaas at gumawa ng mga patusok tusok na mga bato at papunta ito sa pwesto ng Dragon. Pero iniharang ng Dragon ang kanyang pagpak na gawa sa bato at tumalsik ito at tumama sa pader.

Nabalot ang pwesto nito ng alikabok. Bigla akong napatayo dahil baka natalo na ang dragon pero nagulat ako nang biglang nawala ang alikabok. Parang nahati ito sa gitna at inilabas nito ang dragon.

Ang balat ng dragong ito ay parang gawa sa bato. Mayroon itong mahabang buntot na may malaking bato sa dulo. Ang mga pakpak nito ay malaki kaya hindi kataka takang nasalag niya ang atake ng Centaur. Mayroon din itong medyo malaking tiyan nagawa sa bato. Mayroon din itong Sungay na gawa sa bato sa kanyang ulo.

Nagulat ako nang niglang ipulupot ng dragon ang kanyang pakpak at buntot at nakagawa ng isang malaking bilog. Parang isang malaking bola ng bato at unti unting gumugulong papunta sa pwesto ng Centaur. Bigla itong sinalag ng Centaur. Ilang sandali pa ay iginilid ito ng Centaur at tumama ang dragon sa pader.

Para silang tao kung maglaban. Ginagamit nila ang paligid nila sa pag atake. Alam nila kung kailan sasalag, aatake at kung ano pa.

'Hindi mo na ba naaalala ang turo sa inyo sa klase?' Tanong ni master.

Nang sabihin iyon ni master ay nagtaka ako. Ano ang ibig niyang sabihin? Bigla kong naalala ang tungkol sa spirits na habang tumataas ang Edad nila, lalo silang lumalakas, tumatalino. At ang karamihan sa kanila ay nakakaintindi ng salita ng mga tao, katulad ng Pegasus na nakita namin noong nakaraan.

'Naalala ko na po master ang sinasabi ninyo.' Sabi ko.

'Sige, ngayon, pagmasdan natin ang dalawang iyon.' At tinignan na ulit namin ang kinikilos ng dalawa.

Malalakas ang bawat hampas, palo at atake ng dalawa. Buglang lumipad ang Earth Dragon at ibinuka ang bibig. Biglang lumabas ang magkahalong alikabok at mga bato sa kanyang bibig papunta sa pwesto ng Centaur. Pero nasalak ito ng Centaur nang tumayo ito at ihakbang ang dalawang paa. Biglang nagkaroon ng pader na bato sa harap nito at nasalag ang atake ng dragon.

Nang matapos ay bumaba na ang Dragon. Sobrang lakas ng dalawang ito. Halata mo sa kanila na parang hindi sila nauubusan ng lakas. Patuloy parin sa paglalaban ang dalawa nang may napansin ako.

Napansin kong hindi gumagalaw ang Centaur. Hindi ito umaalis sa pwesto nito. Parang may pinoprotektahan ito.  Nagulat ako nang sumugod ang dragon at tinusok nito ang Centaur gamit ang dalawang sungay nito. Natusok ang Centaur sa bandang paanan nito kaya medyo napaluhod ito. Hindi ito nagpatalo at tinusok naman nito ang Drangon sa pakpak gamit ang kanyang Sibat.

Parehas ang dalawa na sumigaw. Malakas ang Sigaw ng dalawa at alam kong maririnig iyon hanggang sa labas. Hindi ako sigurado sa magiging reaksyon nila kapag narinig iyon.

Biglang umatras palayo ang Dragon mula sa Centaur. Ngayon ko lang din napansin na madami nang sugat ang dalawa sa katawan nila. Ibig lang talaga sabihin non ay matindi ang labanan ng dalawang ito.

Nagulat ako nang bigla akong nakarinig ng boses.

"Tumigil ka na! Kahit kailan ay hindi ko ibibigay sa iyo ang lugar na ito!"

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon