4

4.8K 227 3
                                    

Bumalik na si Kid sa aklatan at sinalubong siya ni Hann. Binuksan ni Hann ang pinto ng aklatan dahil papasok palang sya doon.

"Ang aga mo ngayon Kid ah. Hindi ba saaabog iyang ulo mo sa dami ng iyong binabasa?" Sabi ni Hann sa binata.

"Hehe. Hindi po. Mahilig lang po akong magbasa." Sabi nito at tumakbo nanaman ang 10 porsyento ng kaalaman ng kanyan master na ibinigay sa kanya nito.

"Isang beses ko palang nararamdaman iyon. Mabuti at hindi iyon kayang gawin ng mga libro sakin." Sabi nito sa kayang sarili.

Kumuha ulit siya ng mga libro nyunit ang kinuha na niya ang tungkol sa medisina. Halos gamay na niya ang tungkol sa kasaysayan ng lugar na ito kung kaya't sa medisina naman siya magbibigay toon. Dahil na rin sa isa soyang Spirit Healer kaya gusto niyang lumawak ang kayang kaalaman tungkol sa medisina sa mundong ito.

Ang lagayan ng mga aklat tungkol sa medisina ay nahahati sa dalawa. Ang usa ay nasa kaliwa at ang isa naman ay nasa kanan. Hinihiwalay ito ng kulay at espasyo.

Tinanong ni Kid ang tungkol dito kay Hann.

"Ah, bale sa kaliwa, pagmemedisina iyan patungkol sa mga taong nasugatan o may karamdaman. Sa kanan naman, mas komplikado ang mga iyan dahil ang pagmemedisina sa kanang bahagi ag tungkol sa paggagamot ng mga Fate Beasts. Payo ko sayo, unahin mo muna sa kaliwa bago doon sa kanan." Sabi ni Hann kay Kid.

"Fate Beast?" Namuo ang mga katanungan sa kanyang mukha.

"Bakit? Hindi mo ba nabasa ang tungkol sa mga Fate Beasts? Osya,.." sabi nito at lumapot sa isang kabinet ng mga libro. Kumuha ito ng tatlong makakapal na libro. "Ang tatlong ito ay naglalaman tunkol sa mga Fate Beast. Basahin mo muna ang tatlong ito bago ka magbasa ng mga medisina para sa mga Fate Beast. Maliwanag ba?" Tanong nito sa binata.

"Maliwanag po." Sagot ni Kid at kinuha ang mga librong hawak ng matanda. Ipinatong niya iyon sa mga librong kanyang hawak.

Naramdaman niya na kinakausap siya ni Val sa kanyang isipan
"Kid, ako muna ang magbabasa tungkol sa mga Fate Beast na iyan. Unahin mo muna ang tungkol sa pagmemedisina." Sabi ni Master Val at lumabas ito sa loob ng singsing. Paglabas nito ay kinuha niya ang mga libro at bumalik sa loob.

Minsan nang narinig ni Val ang tungkol sa mga Fate Beasts. Ngunit hindi masyadong solido ang pundasyon ng kanyang kaalaman tungkol sa mga kakaibang Beasts na ito.

"Malakas ang kutob ko, ang mga Fate Beasts na ito ay mga Spirit Beasts!" Takbo sa isip ni Master Val.

Habang nagbubuklat na ng libro si Master Val, si Kid naman ay kumuha pa ng dalawang libro para idagdag sa tatlong libro na hawak niya. Ilang sandali pa ay umupo na siya at nagsimula nang magbasa.

**

Sa kabilang dako naman ng mundong ito, kung saan halos lahat ng bagay ay triple sa laki ng normal na bagay. Mayroong dalawang binata na nakasakay sa isang malaking salagubang na hunahabol ng malaking baboy. Ang baboy na iyon ay sing laki ng isang maliit na bahay. Habang hinahabol ang dalawa, singhal ni Fred sa kanyang kasama.

"Ano bang meron sa lugar na ito!? Bakit mayroong higanteng baboy na humahabol sa atin?!" Sigaw nito sa kasama niyang si Zed.

"Hindi ko rin alam! Ano bang nangyayari sa mundong ito?!" Sigaw nito sa takot.

Lalong kumaripas ng takbo ng salagubang kung saan nakasakay sila Zed at Fred dahil nararamdaman nila ang mga puno na bumabagsak sa likod. Nararamdaman rin nila ang pagyanig ng lupa. Palapit ng palapit ang higanteng baboy na nasa likod nila.

"Bakit ba kasi hindi tayo maka Morph!?" Singhal ni Zed. Ganon din ang nasa isipan ni Fred. Simula nang makapasok sila sa mundong ito, nawalan sila ng abilidad na makapag Morph sa kanilang mga Spirits. Mabuti na lamang at nailigtas sila ng isang salagubang na sinlaki ng isang kabayo.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon