Natapos na ang mga araw ng kanilang pagc- cultivate sa loob ng Painting. Isa isa nang lumabas ang mga Cultivators sa loob ng larawan at isa isa silang sinalubong ni Priest Meng at Priest Xiao.
Sa pagkakataong iyon, tanging ang mga mata ni Priest Xiao ang may matatalas na tingin sa bawat lumalabas sa larawan. Dahil nga siya na ang maghahawak sa kanila, kailangan niyang kilatisin ang mga gwardyang ito kung makakapasa nga ba sila bilang isang Official Guard o magiging Outer Guard sila.
"Gaano kaya ka- halimaw ang mga bagong gwardya ngayong taon?" Tanong ni Priest Xiao kay Priest Meng. Isang ngiti lang ang iginanti ni Priest Meng sa tanong ni Priest Xiao.
Isa isa nang lumabas ang mga Cultivators sa loob ng Larawan. Unang natapos sa Cultivation ay ang lalaki na mayroong malaking katawan na unang natalo ni Kid sa pangalawang patimpalak. Humakbang siya mula sa loob ng Painting palabas at sinalubong siya nila Priest Meng.
"Ito na ang una nating nakatapos sa loob." Sabi ni Priest Meng nang makita na unti unting lumalabas ang katawan nito sa painting.
"Aba! Magaling Gian." Bati ni Priest Meng. Base kasi sa kanyang Cultivation, nakaabot siya sa 6th Mortal Realm. Isa na itong magaling na resulta mula sa katulad niya na may payak lang na pamumuhay at jindi humingi ng tulong sa iba.
"Salamat po Priest Meng." Aniya at nagbigay ng kanyang paggalang dito. Humarap si Priest Xiao sa pwesto ng binata at napatango ang ulo nito. Mayroong kasiyahan na gumuguhit sa mata nito.
Kahit kasi hindi ganoon kataas ang Cultivation nito, nakikita ni Priest Xiao ang kanyang katawan na malakas ito.
"Lumapit ka rito Gian," aniya at pinapunta sila roon sa isang maespasyong lugar at mayroong isang troso ng kahoy ang nakatayo sa gitna. Ang lugar na ito ay tinatawag na Advancement Room.
Ang lugar na ito ang nagsasabi ng lakas ng isang Cultivator base sa kakayahan ng kanyang mga Martial Art Skills at pati na ang kanilang katawan.
"Ang lakas na ilalabas mo mula sa iyong katawan papunta sa trosong iyan ang magsasabi ng iyong Cultivation at Mastery ng iyong mga Skills. Ang kailangan mo lang gawin ay suntukin ang troso hanggang sa abot ng iyong lakas at doon na lilitaw ang mga impormasyon tungkol sa iyong Cultivation at Martial Art Skills." Sabi ni Master Xiao.
"Mayroong lilitaw na mga ilaw sa itaas ng trosong iyan at ilalabas diyan ang lahat ng iyong mga Skill pati na ang Mastery mo sa mga iyon." Dagdag pa niya.
"Handa ka na ba, Gian?" Tanong ni Priest Meng. Tumango ang binata bilang sagot ng may kaba sa dibdib. Kahit na alam na niya na nasa 6th Mortal Realm na siya, hindi parin maalis ang munting kaba sa kanyang piso dahil ito ang magtatakda ng kanyang pag angat para maging isang Official Guard.
Nasa tapat na siya ng trosong ito na kapag niyakap ay hindi pa mag aabot ang iyong mga daliri. Huminga siya ng malalim at itinapat ang kanyang kamao sa troso.
"Hhhiiyyyaaaahh!" Sigaw niya at maririnig ang malakas na tunog ng pagtama ng kanyang kamao at ng troso. Malakas ang ginawa niyang pagsuntok sa troso ngunit walang mapapansin na sira o galos mula sa trosong iyon. Unti unting gumalaw ang mga ilaw na para bang nagsusulat sa itaas ng troso. Nakasulat doon ang lagat tungkol sa lalaki.
------
CULTIVATION: 6TH MORTAL REALM
MARTIAL ART SKILLS:
5 Inch Punch- 5★
3 Fold Step - 4★
Tyrant Kick- 4★STRENGTH: 10 FOLDS
------
Lumabas ang mga resultang ito sa hangin na iginuhit ng mga ilaw. Tumingin si Gian sa kanyang mga resulta at napatunayan niyang totoo ang mga lagay doon.

BINABASA MO ANG
Spirits
FantasíaKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...