17

5.1K 230 10
                                    

Tapos na akong magsanay at nagme- meditate ako ngayon para marelax ang aking katawan. Inilabas ko rin ang Bemeroth sa aking katawan at lumulutang ito sa aking ulohan. Habang nakaupo sa damuhan ay pinaikot ikot ang aking Aura sa aking paligid na nagpapagalaw sa mga damo na parang hinahangin.

'Unti unti nang lumalakas ang Aura mo Kid. Pero kailangan mong bawasan ang Aura mo. Isentro mo lang ito sa iyong katawan at huwag mong masyadong ilabas. Kung sakali ay may spirit na makaramdam ng Aura mo ay puntahan tayo dito.' Sabi ni Master sa akin.

Tumango ako atsaka nag concentrate. Ang aura sa paligid ko ay unti unting lumiit. Unti unti ay bumabalot ito sa aking katawan. Para akong nasa loob ng isang bola.

Ilang sandali pa ay natapos na kami. Bilog na bilog ang buwan sa aking ibabaw. Napakaganda nito at maliwanag. Dagdagan pa ng ganitong paligid. Napakasarap sa pakiramdam. Nahiga ako sa damuhan habang nakatitig sa Buwan.

'Mukhang may bisita ka, Kid.' Sabi ni master na ikinabangon ko.

"Bakit ka nandito?" Simple kong tanong kay Fred.

"Uhm.. Ano.. Kasi.. Patawad. Patawad sa nagawa ko noon. Hindi ko sinasadya iyon." Sabi niya.

Tahimik parin akong nakatitig sa Buwan. Hindi ko siya inimik at hindi ko sinagot ang kanyang sinabi.

"A-alam ko na marami akong naging kasalanan sayo at alam ko rin na hindi mo ako kayang patawarin. Pero alam ko na kapag hindi pa ako humingi ng tawad ngayon, baka mawalan na ako ng pagkakataon." Sabi niya.

Tahimik parin ako at hindi umiimik. Hindi ko alam kung anong isaaagot ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagagalit ba ako dahil makalipas ng ilang taon ay ngayon lang siya humingi ng tawad? Natatakot ba ako na baka gawin niya ulit iyon sa akin?

'Ang taong hindi marunong magpatawad ay makasarili.' Sabi ni master sa akin. 'Hindi mo kailangang matakot magpatawad. Tandaan mo, ang taong humingi ng tawad ay isang matapang ta tao. Ang hindi humingi ng tawad ay isang duwag. At ang hindi pagtanggap ng tawad ay hangal at mas duwag.' Sabi niya.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Sige, pinapatawad na kita. Pero kaya ko bang sabihin iyon? Pag iisipan ko. Pero parang ang sama ko naman.

Nahinto ang aking pag iisip ng mangsalita si Fred. "Kung hindi mo pa ako kayang patawarin ay ayos lang. Pag isipan mo muna. Alam kong marami akong nagawa sayo. Nasaktan kita, ininsulto, inaway at muntikan pang mapatay pero maniwala ka sa akin, nagsisisi ako." Sabi niya at nagsimula nang maglakad paalis.

"T-teka. Sandali!" Sabi ko at tumayo. "Hhhmm. Paano ba ito. Ahh, alam ko na darating ang oras na ito nang makita kita kanina sa Bayan. Noong una, hindi ko alam ang sasabihin pero  alam ko na ngayon. Sa totoo lang, dati pa kita pinatawad. Sadyang natatakot lang ako na baka pag pinatawad kita ay gawin mo ulit sa akin iyon. Lalo pa na isa ka nang Certified Spirit Bearer at ako ay hanggang ngayon ay wala pang Spirit. Masyado akong mababa para doon. Kaya natatakot ako. Pero ngayon, siguro ayos na na patawarin kita." Sabi ko.

Nabalot ng katahimikan ang aming kinatatayuan.

"Salamat. Salamat Kid. Medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay mawalan na ng isang tinik ang aking puso. Salamat" sabi niya.

Tama na iyan! Nandidiri na ako! Hahaha. Bumalik na tayo doon at magpahinga. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko. At naglakad na kami ng sabay papunta sa Tent.

"Kamusta ka na, Fred?" Tanong ko.

"Hindi ko alam." Sabi niya.

"Bakit?"

"Sa tingin ko ay si Vrendick ang may kagagawan ng lahat ng ito." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. "Si Vrendick?"

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon