Dahan dahang iminulat ni Kid ang kanyang mga mata at nakita niya ang paligid. Kulay puti ang mga gamit na kanyang nakita ka sa kanyang paligid.
"Mabuti at nagising kana." Rinig ninKid sa kanyang kanang bahagi. Nakaupo si Master Val sa kanyang tabi at nagbabasa ng isang libro.
"Master."
"Magpahinga ka pa. Kailangan mo iyan." Kalmadong sabi ni Val kay Kid.
"Ilang araw na po akong natutulog?" Tanong ni Kid kay Master Val.
"Halos mag iisang linggo na." Sabi ni Master Val. "Masyadong mong inabuso ang iyong Cultivation at binigla mo ang katawan mo. Hindi na kita napigilan nung araw na iyon kung kaya't ganyan ang nangyari sayo."
"Ayos lang iyon master. Kamusta ang mga Spirit Bearer na nasaktan?" Tanong ni Kid.
"Madami na sa kanila ang nasa normal na kalagayan. Pero huwag mo na silang isipin ngayon. Magpahinga ka muna." Sabi ni Val kay Kid.
"Sige po." Simpleng sagot ni Kid kay Val at bumalik na ulit sa pagtulog.
Makalipas ang dalawang araw ay ayos na ang kalagayan ni Kid. Madaming bumisita sa kanya kabilang na dito ang mga High Priest.
"Kid! Mabuti at ayos ka na ngayon." Sabi ni Priest Meng.
"Oonga po Priest Meng eh! Salamat nga po pala ah. Pasensya narin." Sabi ni Kid na may halong lungkot sa kanyang tono.
Agad namang napansin ni Priest Meng ang emosyon ni Kid kunng kaya't agad siyang tumawa.
"Haha! Wala iyon. Sabi ko nga sa iyo, malaki ang utang na loob ko sa iyong ama. Maliit na bagay lang ang mawalan ng Cultivation kung ikukumpara sa ginawa ng iyong ama sa akin." Sabi niya.
Ngumiti si Priest Meng kay Kid sabay haplos ng ulo nito. Para bang hinihikayat ni Meng si Kid na ngumiti at maging masaya para sa kanyang desisyon.
"Nga pala Kid, nandito ang iba pang High Priest para magpasalamat sa iyo." Sabi ni Priest Meng hudyat para isa isang magpakita ang mga High Priest kay Kid at nagpasalamat sa binata.
"Mabuti at buhay pa ako ngayon! Naabutan ko ang isang katulad mo, Kid." Sabi ni Tandang Roma.
Sa sandaling iyon ay napuno ng tawanan at pangpapasalamat ang loob ng kwarto kung nasaan nagpapahinga si Kid.
Ilang sandali pa ay umalis narin ang mga High Priest sa loob ng kwarto at naiwan ulit sila Kid at Master Val sa loob. Saglit na nag usap ang dalawa tungkol sa Cultivation ni Kid.
"Kid. Naaalala mo yung araw na pinag aaralan natin ang Martial Art Skill sa loob ng Martial Hall?" Tanong ni Master Val.
"Opo. Naaalala ko." Sagot ni Kid.
"Napansin mo ba ang mga nangyari sa paligid natin nung araw na iyon?"
Medyo nagtaka si Kid sa narinid pero sumagot parin sa kanyang Master. "Hindi po. Pero naaalala ko na uminit ang aking katawan habang pinag aaralan ko ang Martial Art Skill na iyon."
"Ah. Ganon ba. Base kasi sa aking matinding pag iisip, sa tingin ko, gumana ang Bemeroth sa mga oras na iyon." Aniya.
Biglang nagulat si Kid. Matagal nang panahon nang makuha niya ang Bemeroth pero alam parin niya ang kakayanan ng Bemeroth. "Teka Master, ibig sabihin, Gumana ang Bemeroth sa araw na iyon? Bakit? Paano?" Sunod sunod na sabi ni Kid kay Val.
"Sa tingin ko ay kinununsidera ng Bemeroth ang Martial Arts bilang Armas. Isang Armas na ang ginagamit ay katawan." Aniya.
"At ang dahilan kung bakit gumana ang Bemeroth ay dahil alam niya na ang Martial Art Skill na iyon ay sinadyang maliin para walang umabuso. Pasalamat tayo na nasasayo ang Bemeroth kundi, baka wala na ang lupaing ito at wala ka naring Cultivation." Dagdag pa ni Master Val.
"Hay. Mabuti nalang at mayroon pa tayong Swerte sa katawan." Sabi ni Kid. Napangiti naman si Master Val sa sinabi ni Kid.
Biglang lumabas si Sky sa loob ng Space Ring sabay talon sa gilid ni Kid.
"Wow! Sky! Ang laki mo na! Para kang isang totoong Leon na may pakpak!" Sabi ni Kid.
"Nga pala Kid," Sabi ni Master Val kay Kid. "Ano ang balak mo kay Sky kapag babalik na tayo sa Mundo natin?" Aniya.
Napatahimik si Kid sa tanong ni Master Val. Hindi niya alam kung maaari bang makalabas ang mga Fate beast sa Gaia para makapunta sa mundo ni Kid.
"Hindi ko pa sigurado Master. Pero kung sakali gusto ko siyang dalhin doon. Gusto ko siyang pinakita sa mga kasamahan namin doon." Aniya.
"Ganon ba, sige. Ikaw ang bahala." Sabi ni Master Val.
Tahimik ulit ang loob ng kwarto kung kaya't naisipan ni Kid na mag Cultivate muna. Maayos na ang kanyang katawan. Kaunting mga sakit nalang sa kanyang braso't balikat ang nararamdaman pero pwede nang kumilos.
Pumwesto si Kid at nagCultivate. Pumikit siya at unti unting inilabas ang kanyang awra at ipinadaloy sa buong katawan.
Unti unti niyang nararamdaman na umiinit ang loob ng kanyang katawan partikular sa kanyang tiyan at sikmura.
Ilang sandali pa at lumabas ang kanyang Cultivation Galaxy. Kulay violet ito na may dalawang Bituin. Nagulat si Kid sa nakita.
"Teka, God Mortal na talaga ang Cultivation ko?!" Aniya. Bigla siyang gumising at nagtanong kay Master Val.
"Master! Bakit ang Cultivation ko ay 2nd god Mortal Realm na?!" Tarantang sabi ni Kid.
"Ah! Dahil iyon sa Martial Art Skill na inaral mo. Hindi mo na ba naaalala?" Tanong niya kay Kid.
"Peri sa pagkakaalala ko, 1st god Mortal Realm palang ako!" Aniya.
"Ah, kasi ganito iyo--" hindi na natuloy ang paliwanag ni Master Val kay Kid nan biglang bumukas ang pinto ng Kwarto ni Kid.
"KID!" Rinig na sigaw ng mga kaibigan ni Kid mula sa pinto. Nandoon sa loob sila Zed, Fred at Scarlet.
"Grabe! Pinag alala mo kami!" Sabi ni Zed sabay Alog kay Kid.
"Grabe! Ang lupit mo talaga Kid! Hindi ka lang matalino, malakas ka pa!" Sabi ni Fred.
"Hahaha! Kayo talaga! Alaka ko namatay na kayong dalawa! Mabuti at ligtas kayo!" Sabi ni Kid sa dalawa niyang kaibigan na sa halos ilang taon na silang hindi nagkita.
"Haha! Hindi mo aakalain ang mga paglalakbay namin nitong ni Fred! " Sabi ni Zed.
"Hahahha! Tumira kami kasama ng mga higante!" Tuwang tuwa na sabi ni Fred.
Napuno ang tawanan sa loob ng kwarto ni Kid. Ilang sandali pa at naging medyo seryoso ang kanilang usapan.
"Alam mo ba, noong una nating pagpunta dito sa mundong ito, biglang nawala ang Spirit ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero nagulat ako nung biglang nakakita kami ng higante. Yung Spirit ko, bumalik ulit siya sa normal niyang itsura!" Sabi ni Zed.
"Oo! Parehas din ng Spirit ko." Sabi ni Fred.
Sa mga narinig ni Master Val , bigla siyang nakaisip ng isang hindi kapani paniwalang ideya."Ibig sabihin, ang mga Fate Beast ay mga Spirit sa Mundo natin! Tama ang teorya ko!" Aniya.
"Teka, ibig sabihin--" sabi ni Kid sabay tingin kay Sky. Nanlaki ang mga mata ni Kid dahil sa nalaman.
"Ang mundong ito ang Sasagot sa problema sa pagpatay ng mga Spirits sa mundo natin?!" Sabi ni Kid kay Master Val. Bigla niyang naalala ang tungkol sa Spirit Contract na ginagawa nila sa mundo nila.
"Scarlet, siguro pwede nating kausapin ang iyong ama pagbalik natin sa ating mundo. Isa ako sa mga kumokomtra sa pagpatay ng mga Spirit Beast." Aniya.
"Huwag kang mag alala, isa rin ako sa tumatanggi sa paraang iyon. Huwag kang mag alala, sasabihan ko si ama pagbalik natin sa mundo natin." Sabi ni Scarlet sabay ngiti kay Kid.
"Salamat!" Ngiti ni Kid kay Scarlet.
"Nga pala Kid! Nabalitaan namin na napabilis ang pagbubukas ng Portal natin pabalik sa mundo natin. Ilang araw nalang at magbubukas na ang portal." Sabi ni Fred.
"Ah ganon ba. Sige. Maghahanda narin ako para sa pagbabalik natin doon." Aniya sa kanibigan.
Patuloy lang ang kanilang kasiyahan at napagdesisyunan na ng tatlo na magpahinga narin. Lumabas na ang tatlo sa loob ng kwarto ni Kid.
BINABASA MO ANG
Spirits
FantasyKapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit forest para pumili ng spirit nila. Samahan natin si Kid sa kanyang paglalakbay upang maging malakas na Spirit Bearer. -------- I got my inspira...