*Kring!* *Kring!*
Hudyat na magsisimula na naman ang araw ni Jane
Ilang minuto pa ay bumangon na ito sa pagkakahilata sa kama. Pupungas pungas ang mga mata, tinignan n'ya kung anong oras na.
Sakto may 2 oras pa sya bago pumasok.
Isang oras para mag muni muni, kumain at mag internet. Isang oras para maligo at mag ayos. Ganyan kaeksakto ang galaw n'ya araw-araw.
Jane by the way is a Strong Independent Woman. Working for 3 years since she graduated from college. Walang ibang libangan kundi ang magtrabaho. Teka, kailan pa naging libangan ang pagtatrabaho? Sabagay, nauubos ang oras nya rito.
Tatlong taong pagtatrabaho. Kabisado ng kabisado na nya ang galaw nya sa araw-araw.
"Ate! Papasok na ko" aniya sa ate nya.
"Ingat!" Tanging nasabi ng Ate nya habang abala ito na nakaharap sa salamin at nagpapantay ng kilay. Work is life but kilay is lifer para sa ate nya. Matatagalan pa ito kaya iniwan na n'ya. Ayaw n'yang nalelate sa trabaho.
Pareho na silang nagtatrabaho ng Ate n'ya. Ang pinagkaiba lang, may asawa na ito. S'ya ay wala. Hindi lang talaga itinadhana na magkajowa. Paano? May mga lalaki naman syang kaofficemate pero kung hindi may mga jowa ay lalaki rin ang hanap. So unahan sila ng peg pag may naligaw na gwapo sa production floor.
In the office, while everyone is busy hitting their keyboards...
"Guys! Labas tayo mamaya after shift! Nauumay na ako dito sa reports ko, gusto ko mag unwind. Tara! Hanap tayo ng fafang!" Sabi ni Wendy kahit katabi lang n'ya yung Team Lead nilang si Ms. Michelle. Sya nga pala si Wendy. Wenandro sa Umaga, Wendy sa gabi.
They were on night shift and dealing on the last day of working. . Fri-yey! The most awaited day for them. Saturday na pag-out nila kaya gaya ng nakagawian, lumalabas sila just to give themselves a reward for a long week working. Madalas 'kain' ang ginagawa nila.
"Bakla nakalimutan mo bang night shift tayo? Ang aga aga pa! Tulog pa ang mga tao nyan. Sinong mahahanap mo ng alas singko ng umaga aber? Ung guard?" Sagot ni Suzette. Ang pinakaprangka at taklesang kateam ni Jane.
"Kain nalang tayo. Yung korean korean something." Sabi ni Jane. Nag finger heart pa para mas convincing.
"Ayan tayo eh, kaya hindi ka nagkakajowa. Puro kain ang gusto mong gawin pero oo nga noh? Tara! baka mahanap ko na dun ang Oppa ko" banat ni Wendy.
"Ayoko na pala. Lalandi ka lang don. Baka maOppakan pa kita" sagot ni Jane.
Nagtawanan ang lahat ng nakarinig sa production floor.
Hindi nyo nga pala naitatanong, pero sabihin ko na din. Haha. Medyo titibo tibo kasi tong si Jane. Hindi sya mahilig magpakikay. Nag memake up sya pero tama lang. Boyish ang galawan pero hindi mo maituturing na lesbian. Mas brusko pa sya kaysa kay Wendy. Kaya pag nagpakalalake ng asta si Jane tiklop sa kanya si Wendy.
"NapakaKJ mo. Kaya tatanda kang dalaga" sagot ni Wendy.
After ng shift, Wendy googled the nearest Korean restaurant. Seryoso ang Bakla makahanap ng Oppa. Makakita naman s'ya kaya tuloy ang plano. They were all drained kaya naman gusto nilang magpakabusog.
Few minutes after, ay nasa Dong Dey Dey Restaurant na sila. Inilapag sa harap nila ang napaka daming karne pero ibang karne talaga ang hanap ni Wendy. Jk. Galit galit muna sila. Lahat ay abala sa pagbilog ng lettuce sa karneng pinrito ng kawawang Muchacha na si Suzette. Sa Barkada meron talaga taga luto at merong taga lamon. Sa puntong ito si Suzette ang aliping sagigilid ng mga pashnea.

BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?