Your Story

259 24 0
                                    

"Kaye, di ba si Jane 'yun? Yung nakaduet mo kanina?" Tanong ni Joshua.

Agad na lumingon ni Kaye sa bintana ng marinig ang pangalan ni Jane. Pauwi na sana sila ng biglang magtext si Ms. Ad na hintayin muna s'ya at makikisabay ito sa kanila. Pareho silang nasa unahan ng sasakyan. Si Kaye na ang may hawak ng manibela ngayon.

"Oo nga, mukhang s'ya nga yun" napangiti si Kaye, sakto kasing nakita n'ya yung tawanan nila ni Carlo habang tumatakbo sa ulan.

"May boyfriend na pala.. Teka, 'yung Carlo yata 'yung kasama n'ya?"

Mas lumapit si Kaye sa may bintana.

"Feeling ko ah magkaibigan lang sila. Remember kanina nung papunta tayo dito? Parang halos hindi nga sila nag-uusap" anito

"Malay mo naman L.Q lang sila. Di ba nga Jealous pa yung requested song ni Carlo kanina? Baka para kay Jane 'yun." Sabi ni Joshua.

May pagkachismoso din kayo Joshua and Kaye ano?

"Hindi talaga, hindi ko feel na magboyfriend sila. Maybe close friends."

"Okay, sabi mo eh. Bakit parang interesado ka? Baka naman type mo?"

"Ahmm.. She's pretty actually and a good singer. Sana makasama ko ulit s'ya magperform. Naaalala ko 'yung sarili ko sa kanya dati nung nagsisimula pa lang ako. Sobrang takot magperform sa crowd. Hanggang ngayon naman may stage fright pa din ako" seryosong sabi ni Kaye.

"Yeah naalala ko dati habang nasa gig ka, you almost forgot the lyrics. Buti nalang pogi ka kaya dinaan mo nlng sa ngiti at tilian pa rin ang mga chikas"

"Sira" hinagis ni Kaye kay Joshua yung throwpillow sa tabi n'ya. "Sobrang nahiya ako nun, hanggang ngayon ewan ko, challenge talaga sa akin yung magmemorize ng lyrics lalo na pagsobrang kabado. Nakakalimutan ko talaga kahit anong gawin kong pagkakabisado."

"Sign of aging bro. Makakalimutin."

"Mas matanda ka pa sa akin, mas una kang magiging ulyanin."

Bumalik ang tingin ni Kaye sa dalawang naghaharutan sa labas. Ang PDA kasi.

Biglang nagvibrate ang phone ni Kaye dahilan para magulat ito.

"Haha! Ang lagkit kasi ng tingin mo d'yan. Check mo baka si Ms. Ad na yan"

"Oo na eto na nga po oh" tinignan ni Kaye ang phone.

"Si Ms. Ad nga, nagDM sa twitter"

Tinignan nito ang Direct Message ni Ms. Ad.

Isang video. Video nila ni Jane habang kumakanta. Laging nagvivideo si Ms. Ad ng gig ni Kaye para iupload sa youtube para sa mga TeamKayeCal na hindi nakakaattend.

Pinanuod n'ya ito. Ang ganda ng kuha. Ang galing ng blending ng boses nilang dalawa. Kulang lang sa connection dahil na rin sa pagpikit ni Jane. Pero overall, maganda talaga.

"Uploaded na din 'yan sa youtube few minutes ago" - Ms. Ad

Pinindot n'ya 'yung link sa baba at nadirect s'ya sa youtube channel ng manager. "Kaye Cal @ Amana Waterpark Resort" ang title. Ilang minuto pa lang ay libo na agad ang views nito. Nagcheck din s'ya ng mga comments. Lahat magaganda, walang negative comments.

Pinanuod n'ya ulit. Hindi n'ya maitago ang ngiti kahit takpan n'ya ng kamay ang bibig. Nakapatong ang dalawang siko n'ya sa may manibela habang hawak ng isang kamay ang Cellphone.

"Oy ano 'yan? Parang kinikilig ka pa d'yan. Patingin nga." Lumapit sa kanya si Joshua. "Ayos may video pala kayo eh" sinisiko siko pa niya si Kaye.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon