Year End Party

306 25 9
                                    

Up beat music.

Colorful dancing lights.

Cheerful people everywhere.

Unlimited foods and drinks.

Good vibes of coming New Year.

Ang ganda ng kinalabasan ng party na inorganized ni Wendy. Halos maiyak si bakla sa backstage.

"Nice one Wendy. Ang ganda ng paparty mo mayora." Ani Jane.

"Thanks bessy. Galingan mo mamaya ah! Yung salabat, uminom ka ba? Natulog ka ba ng maaga? Baka nagpuyat ka ah. Kaya mo yan. I know, Drew will be very proud of you and ehem syempre ako. Kahit lagi kita binubully at inookray love na love kita." Sabi ni Wendy sabay kindat.

"Inuuto mo ako kasi sisikat na ako at alam mong baka Who you ka na saken. Pero syempre. Hindi kita kakalimutan. Gagawin kitang P.A ko. Hahaha Joke lang. Thank you bessy. You're the sweetest as ever." Pabirong pagkakasabi ni Jane habang nangingilid ang mga luha. Rare moment kasi sa kanila ang magseryoso.

Nagyakapan sila ng mahigpit. Dama sa mga yakap na iyon ang tunay na pagkakaibigan.

"Hmm Okay na bessy. Madrama na tayo masyado" sabi ni Wendy na halatang naiiyak rin. Pasimpleng nagpahid ng mga luha pero nakita pa rin ni Jane.

"Umiiyak ka?" Ani Jane na ngumingisi pero s'ya ay guilty din sa pagpapahid ng luha.

"Hindi bessy yung buhok mo sumabit sa mata ko kanina"

"Luh, deny pa more. Pero bakla, thank you sa lahat lahat except sa pambubully."

"You're always welcome bessy. Love kita pero hindi makakaligtas sa akin ang pormahan mo kaya please change for the better. Okay? Hindi naman masama mag step-up ng konti. Kahit konti lang. We're not getting any younger." Ani Wendy na parang nagpapangaral sa bunsong kapatid.

"Opo ateng. I'll try. A little. Konti lang" sumenyas s'ya ng "konti sign" in ga-kulangot size.

Humihina ang music. Dinig din ang kaluskos ng inaayos na mikropono. Maya maya ay naagaw ang atensyon nila dahil sa nagsalita sa background.

"Good evening everyone!" Sigaw ng CEO.

"Good evening!" Sagot ng crowd.

"How are you guys? By the way, I would like to thank all of you for coming. Ang daming present ngayon ah" panimulang bati ng CEO

"Okay so, the end of a year is a good time to look back, reflecting on achievements, and to look forward, to see what we still need to accomplish. But before we plan on how to finish our workloads for this coming year, it is not bad to atleast pause for a while. This party has been organized for all of you and a simple way of the company to thank all of you for your contributions for the success of this year. All the hardships, sleepless nights, burnt-outs and being physically, mentally and emotionally drained has been paid off. How do I know? Well, Check your payslips. Literally paid off haha. Just kidding. Ahm, May I request to raise your wine glasses ladies and gentlemen?."

Itinaas ng CEO ang kanyang wine glass. Sumunod sa kanya ang mga tao sa loob ng venue bilang pagbibigay galang na rin.

"This is a toast for the successful 2017. I am expecting to see same faces on this coming year. Walang magreresign okay?" Pabirong sabi nito. Lahat ay nagtawanan. Normal na sa kanilang CEO ang pagiging palabiro at mabait. Dito din s'ya minahal ng mga empleyado kaya ang ilan sa kanila ay bumilang na rin ng ilang taon sa loob ng kompanya.

"Cheers" masayang sinabi ng audience. At lahat sila ay humigop sa kanikanilang wine glasses.

"Alright. So what are we waiting for? Let's start the party. I know you are all excited to see our guest artists and I heard one of our colleague will be performing as well. Wow, high perfomer in every way huh. Aren't you glad guys?" Itinapat ng CEO ang mikropono sa Audience na tila humihingi ng sagot.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon