Lahat ay nakaabang sa lalakeng lalabas mula sa pulang van.
Mahaba ang biyas. Maputi. Makinis. Nakakasilaw. (Pede na syang model ng isang whitening lotion)
Nakashort ito na blue at naka long sleeves na medyo faded black. (Nasa taas yung picture nya)
Ang gwapo ng pagkakababa n'ya sa sasakayan. Para bang isang scene sa pelikula na may tense kasi ayaw pang ipakita yung mukha. Pinapasabik lalo ang mga manunuod.
Ganyang ganyan ang pakiramdam ni Jane. Nasasabik s'yang makita kung sino ang lalakeng pinadala sa kanya ng Diyos para sagipin sa pagiging single. (Okay ang O.A na naman ng narrator)
Tuluyang nakalabas ng van ang lalake. Naka cap ito na black. Nakaharap sa pwesto nila Carlo at Suzette. Nakatagilid naman ito kay Jane. Tama lang para makita ang ilong hanggang bibig na parte ng mukha.
Parang ayaw talaga ng tadhana na makita ni Jane ang lalake. Pero familiar sya dito. Ang ganda ng labi nya na natural ang pagkakapula.
Nagsmile ito.
"Familiar yung smile" sabi ni Jane sa sarili.
Una nitong kinausap si Wendy. (Ang galing mo talaga Wendy! How to be you po?)
Nakita ni Jane ang phone na hawak ng lalaki. Naalala nya yung kausap nya sa phone kanina. Aatakihin na yata sya sa puso. Nagwawala na ang lahat ng lamang loob nito sa katawan at handa ng sumabog. Yuck.
"Hello!" Ani nung lalake.
"Hi!" Sagot ni Wendy. Naghawi pa ito ng buhok nya. Parang ang haba ng buhok ni bakla.
"I guess ikaw yung una kong nakausap. I'm Kaye" sabi nito.
Itinaas ng lalake ang kanyang noo sakto para makita ang kabuuan ng mukha.
"O M G!.. ha-Hi! I'm Wendy." Nauutal na sabi ni Wendy.
Si Suzette naman ay manghang mangha sa nakita n'ya hanggang sa.....
"KAYE CAL? AS IN YUNG KAYE CAL NA LESBIAN NA SINGER NA SONGWRITER NA NAPANUOD KO SA GGV NUNG LAST SUNDAY???"
"Hmmm oo, ako nga hehe" napakamot sa ulo at tumingin sa sahig na tila ba nahihiya din sya.
"Goodness gracious! Ikaw ngaaaaa!" Lumapit ito kay Kaye at saka niyakap. Fangirl na fangirl ang dating ni Suzette.
"Pedeng magpapicture?" Request nito.
"Sure" sabay ngiti. Parang pinagmamalaki ang perfect white teeth nya. Hindi na pala whitening lotion ang kailangan nyang imodel. Toothpaste na pala.
Kinuha ni Suzette ang phone nya. At pumwesto para makapagselfie kay Kaye kaso lang maliit si Suzette. Hindi makakuha ng tamang anggulo.
"Sige ako nalang ang kukuha" biglang sabi ni Kaye habang nakangiti.
Pede bang pakitigil na ang pagngiti dahil si Jane, ayun kinukumbulsyon na sa gilid.
"Waah sige" napapalakpak pang sabi ni Suzette.
"Okay. one, two, three Smileeeee!"
"Thank you! Ang bait mo pala at mas gwapo sa personal" pambobola ni Suzette.
"Haha salamat! Grabe yung gwapo. Mas gwapo ako sa T.V" natatawang sabi ni Kaye.
"Hindi yun joke. Akala nga ni Wendy lalaki yung lumabas sa sasakyan eh di ba Wendy?" Sabay nitong tingin kay Wendy.
"Ahh ou. Kasi naman, saka yung boses. Teka. Ikaw ba yung kausap ko kanina at hindi si Joshua? Boses lalaki kasi."
"Haha ou ako nga. Hindi s'ya pede makipag-usap kasi s'ya yung nagmamaneho kaya ako nalang tumawag sa inyo" paliwanag ni Kaye.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfic(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?