We go to a party and everyone turns to see
This beautiful lady that's walking around with meHabang bumababa sila ng hagdan ay nakaantabay na ang mga tao hawak ang naka-on na camera ng kani-kanilang mga telepono.
And then she asks me, Do you feel all right?
And I say, "Yes, I feel wonderful tonight"Nagkatamaan ang kanilang mga mata ngunit biglang umiwas si Jane ng makaramdam ng pag-init ng pisngi. Umarte nalang ito na kunwari'y maingat na naglalakad pababa ng hagdan.
Patuloy lang sa pagkanta si Kaye habang inaalalayan ang dalaga. Makikita sa mga videong kuha ng mga manunuod kung gaano kagentle(wo)man itong si Kaye. Nahihiya naman si Jane dahil hindi s'ya sanay sa atensyon na nakukuha n'ya ng gabing iyon. Para bang gusto nalang niyang magtago sa pulang tux na Kaye para makaiwas sa mga nakatutok na camera.
"Jane crush na kita!" Sigaw ng isang lalaki sa crowd. Bigla namang nahiya si Jane sa narinig.
Nagtawanan ang lahat. Lalong hindi malaman ni Jane kung saan n'ya itatago ang mukha. Ituloy nalang kaya n'ya ang pagtago sa tux ni Kaye?
Huminto sila sa paglalakad. Nasa dating pwesto na agad sila ni Jane.
Hindi pa rin umaalis si Kaye sa kinatatayuan. Patuloy pa rin sa pagkanta. Magkahawak pa rin ang mga kamay nila.
Unti unti nyang nakikita ang pagtaas ng kamay palapit sa labi ni Kaye. Naramdaman ang pagdaplis ng labi sa kamay nya.
Oh my darling, you were wonderful tonightGulat na gulat ang lahat ng nakakita. Ang sweet pero hindi nakakaumay. Sakto lang ang tamis.
Natapos ang awit.
Dahil sa ginawa ni Kaye ay nagkaroon ng chance si Jane na matitigan ang mukha ng hinahangaan sa huling pagkakataon. Pawisan na ito ngunit gwapo pa rin. Sa tagal nilang magkasama ay ngayon lang n'ya nakita ng pagkalapit lapit ang mukha nito. Tila kinakabisado ang bawat detalye. Ang mga mata, labi, ilong, pisngi maging ang pilikmata nito. Nagkatotoo ang larawan na noon ay tinititigan lang n'ya.
"Thank you!." Nakangiting bulong ni Kaye.Dalawang salita lang pero parang musika sa pandinig ni Jane.
"Welcome!" Nagkaroon pa sya ng lakas ng loob na sumagot kahit halos hindi na nito kaya ang sobrang kilig na nararamdaman.
Bumitaw na sila sa pagkakahawak. Binigyan naman ni Kaye ng pagkakataon na makapagpapicture ang ibang manunuod.
Naiwang tulala si Jane.
Isang yakap mula sa likod nito ang nagpabalik ng ulirat n'ya. Lumingon s'ya at nakita ang kaibigan.
"Ang galing mo Jane. I'm so proud of you." Maiyak iyak na sabi ni Suzette.
"Hala bakit umiiyak ka?" Tanong ni Jane. Natatawa sa itsura ni Suzette.
"Sobrang saya ko lang for you friend."
"Thank you friend!"
Dahil may pagkaiyakin, hindi na rin n'ya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Mga luhang kanina pa n'ya pinipilit isingit sa kaloob looban ng mga mata n'ya.Sino ba kasi ang nag-iwan ng sibuyas sa tabi n'ya? Joke.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfic(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?