Double Kill

436 34 6
                                    


Nagising si Jane. Tinignan ang relo na nakasabit sa kanyang kwarto. Alas dos na pala ng hapon. Hindi gaya ng mga normal na gising nya na nakabusangot ang muka at ayaw pang bumangon mula sa pagkakahiga ay mapapansin na may ngiti sa kanyang mga labi. Tila ba ganadong ganado para gawin ang plano ngayong araw.
Kakaiba talaga ang awra nya. Kahit late na sya nakatulog ay parang daig pa nito ang nakakumpleto ng walong oras na recommended ng mga doctor.

Lumabas sya ng kwarto. Nakita nya ang Ate nya tutok na tutok sa pinapanuod. Tinignan nya. Walking dead. K. Hindi sya interesado. Duwag kasi sya. Malakas ang imahinasyon na baka maging totoo ang zombie apocalypse. Naisip nga nya na pag nangyari yon ay hindi nalang sya lalaban, magpapakagat nalang sya sa zombies o kaya magpapanggap na patay para hindi tuluyang maging zombie. Noong una ay nakakasama pa sya magmarathon pero nung makita nya yung mga kasama ng bida na namamatay ay hindi sya makamove on. Para bang heavy drama yung pinapanuod nya hindi about sa zombies.

"Kain ka na jan. Nagluto ako ng sinigang" sabi ni Ate Sheila pero hindi lumingon. Naramdaman lang ang paglabas ni Jane sa kwarto.

"Okay, asan sila?" Tinutukoy ni Jane ang Bayaw nito na si Kuya Richard at pamangking si Reese.

"Nagpagupit. Ang haba ng nga buhok ng mag-ama ko eh"

"Bakit hindi ka sumama?"

"Muka ba kong lalake para magpagupit sa barbero?"

Natawa si Jane. Muntik na masamid sa iniinom na kape.

"Pilosopo! Haha." Tangin tugon ni Jane.

Nagkakape si Jane kahit hapon na. Ganyan sya kaadik sa kape. Walang pinipiling oras. Coffee is life. Kahit nga magkape sya ng madaling araw ay makakatulog pa rin ito. Pag nagdonate sya ng dugo malamang kape ang makuha dito. Deh joke lang. Haha



*1 message received*


Agad nyang tinignan. Si Wenandro, Wendy pala. Haha

"Bakla, tignan mo ung sinend kong link sayo sa messenger. Naalala kita eh. Alam kong sa ganyan ka lang kinikilig. 😋" -wendy

"Abah hayerp na bakla to" sabi nya pero napangiti naman. Atleast naaalala sya.

Binuksan nya ang messenger. May message nga si Baklita.

Isang link. Pinindot nya. Nadirect sya sa isang website. "Please watch Gandang Gabi Vice tomorrow, Kaye Cal and Moira will be the guest. Papaluhanin kayo ng mga kanta nila at sa kakatawa".. Napangiti si Jane. Natawa dahil naalala pa ni Wendy yung kanina. Bigdeal ata sa kanya?

Tinext nya si Wendy.


"Okay nakita ko na. Bigdeal sayo si Kaye noh? Talagang naalala mo pa ung kanina? Hindi ka makamove-on? Trip mo ba sya? Ayieh. Haha" - Jane

"Baliw ka. Sabi ng hindi ako mahilig sa peanuts. Ewwww! Haha. Para sayo yan. Para atleast kiligin ka naman. Naawa na ako sayo eh. Iba kasi ngiti mo kanina pansin ko lang. Osya babush lalarga na ko. May date pa ako. " -Wendy

"Bruha ka! Manlalalake ka na naman. Ingat lang ah baka masaktan ka na naman. Uupakan na kita este sya pag pinaiyak ka. " - Jane

"Wow ang sweet. Salamat ah! Don't worry hindi naman ako seryoso dito. Fling fling lang. Sige na byers!" - Wendy

"Anak ng tokwa. Fling fling? Ang hirap kaya humanap ng jowa tas sa kanya fling fling lang? Ibaaaaa!" Sabi nya habang kinakausap ang phone.

"Ano yun? May kafling ka?" Sabi ni Ate Sheila. Hindi masyadong narinig yung sinabi ni Jane kasi nasa climax na sya ng pinapanuod nyang walking dead. Mamamatay na naman yung isamg iba. Sad.

"Wala. Ako may kafling? Wala akong time sa ganyan. Manuod ka nalang dyan." Natatawang sabi ni Jane.





Parang excited na sya mag Sunday....





Fast Forward...... Yung uber kasi arriving na... deh joke lang haha.

Sakto nilipat ng Atee nya ung TV sa gustong panuorin na palabas. Start na at naupo sya sa tabi ni ate nya.

"Wow himala. Nanuod ka ng TV ngaun. Parang dati puro social media ka lang or nagkukulong sa kwarto pag rest day mo."

"Wala lang trip ko lang manuod ngaun. Parang nakakatawa yung episode eh nakita ko sa FB."

Nagsimula na. Masaya yung umpisa. Pero bakit nung nagsimula na silang kumanta nag iba ang ihip ng hangin...






"Inaano ba namin kayo? Masaya lang ako kanina eh" -vice ganda.

"Oo nga, masaya pa ako knina habang inaabangan ka." Pabulong ni Jane.

Napatingin ang Ate nea.

"Yes beh? Dalang dala sa kanta nila?"

"Galing eh"

Yun nalang nasabi nya.



"Oh Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko.... "




May kirot talaga sa puso yung kantang "Isang Araw" ni Kaye Cal. Sinamahan pa ng kantang "Malaya" ni Moira. Double kill na ito.


---------------------

Sinong nakapanuod ng episode na yan? Ang galing nila db? Lalo na yung impromptu nila.

Kaway kaway pala sa mga fans ni Moira. Love ko din sya. Congrats sa kanta nyang Titibo-tibo. Parang si Jane. 😄

Happy weekend.

Please comment Vote and share.. 😄

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon