"Jane! Bilisan mo naman. Ang bagal mong maglakad. Magstart na daw yung party" nagmamadaling sabi ni Suzette.
Bakit ba naman kasi 'tong si Ms. Michelle saktong sakto kung tumawag.
"Teka saglit. Hindi ako sanay masyado maglakad ng nakaheels ano ba kayo. Bagalan n'yo naman ng kaunti" reklamo ni Jane
Tumigil si Suzette at Wendy para hintayin si Jane
"You should wear heels more often. Maghiheels ka kasi sa office para masanay ka." Pangaral ni Wendy.
Nakapamewang ito at parang pinapagalitan si Jane.
"Hindi ako komportable eh." Sabi ni Jane.
"Masasanay ka din. Ganon talaga sa umpisa" ani Suzette
"Sabagay, ako nga nasanay na sa ugali n'yo eh. Sa heels pa kaya" pabirong sabi ni Jane.
This time nakahawak na sa wall si Jane habang naglalakad para mas mabalanse ang sarili at maabutan ang mga kaibigan.
"Aah talaga ba? Tara na nga Suzette. Iwan na natin yang isa na yan. Walang utang na loob pagkatapos natin syang pagandahin. Tsk tsk" ang drama na naman ni Wendy.
"Tara bakla. Tampo na ko." Panggagatong ni Suzette sa kadramahan ni Wendy.
"Woy kayo naman hindi mabiro. Super love ko kaya kayo."
"May naririnig ka ba bakla? Parang may mutlo dito sa hallway. Tayo lang magkasama pero may umeepal sa usapan natin." Umarte si Wendy na parang kinikilabutan.
Kaunti nlng makakarating na si Jane sa finish line.
"Shoot! Ang creepy nga. Teka nakikita mo ba yun? Parang may parating na babae. Nakablack. Parang tayo yung pupuntahan n'ya." Ani Suzette
The Best actor/actress goes to Wendy and the Best supporting actress goes to Suzette.
"Mga baliw. Pagtulungan daw ba ako?" Natatawang sabi ni Jane.
"My ghaaaad! Ang creepy na talaga. Ayoko na dito Wendy" pagpapatuloy ni Suzette sa acting n'ya.
"In the count of 3 sabay tayong tatakbo ah? Game? One.. two.. three.." sabi ni Wendy
"Hooooy naman! Teka lang. Sorry na, nagbibiro lang ako kanina. Hindi naman kayo mabiro. Wait n'yo ko please " pagmamakaawa ni Jane.
Nagtawanan silang tatlo. Hindi talaga matapos tapos ang trip nila.
Patuloy si Jane sa paglalakad habang nakahawak ang kaliwang kamay sa wall. Nang matapat s'ya sa pintuan ay biglang bumukas ito sabay ng pagkaout balance n'ya.. kay.. Carlo.. kwarto pala ito nila Carlo.
Pause.
Halos nakayakap si Jane kay Carlo. Itong si Carlo naman ay saktong nasalo si Jane mula sa pagkakasemplang. Ang ganda ng pose. Pwedeng pwede ipangtapat sa KathNiel, JaDine at LizQuen. Deh joke lang.
Ilang segundo din silang nasa ganoong posisyon.
"Ehem. Di ba Jane nagmamadali tayo. Baka pwedeng umalis alis ka na d'ya pagkakadikit kay Carlo. Para kang linta". Pang-aasar na naman ni Wendy.
Nang matauhan ay kumalas na ito sa pagkakayakap kay Carlo.
Itong si Carlo naman ay halos mainganga ang bibig sa sobrang gulat.
"Tignan mo si Carlo oh gulat na gulat hahah" Ani Suzette
"Yung tataa Carlo san ka nagulat. Sa ayos ni Jane or sa pagyakap n'ya sayo?" Dugtong ni Wendy.
"Ah.. eh.. pareho" mahinang sagot ni Carlo.
"Uyyy naman!" Kinikilig na sabi nila Suzette and Wendy in chorus.
BINABASA MO ANG
Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)
Fanfiction(EDITING) Madaya ang tadhana. Mapaglaro. Sino ang mas pipiliin mo, ang taong maihahambing sa katotohanan o ang taong lubos na hinahangaan ngunit walang kasiguraduhan?