The Message

271 24 3
                                    

Malaman kaya ng puso ang hindi makita ng mga mata?
Magtatago nalang kaya sa isang katauhan dahil walang lakas ng loob magpakilala?
Titingin nalang mula sa malayo, ngingiti habang nakikita kang masaya.

-anonymous

"Jane, ayos ka lang? Nanaginip kaya yata ng hindi maganda."

Nag-aalalang tanong ni Suzette.

"Ahh. Oo.. ayos lang ako. Masamang panaginip." Pinilit n'yang ayusin ang sarili at umarte na parang wala lang sa kanya yung napanaginipan.

"Sino si Drew? Sinasabi mo yung name n'ya ng paulit ulit. Ex mo ba yun? Di ba NBSB ka?" Tanong ni Wendy 

"Drew? May sinabi akong Drew?"

"Oo bakla, ehem! Baka may gusto kang ikwento. Mukhang naglilihim ka na naman sa amin. Remember hindi ka pa bayad dun sa pagtago mo ng talent sa amin" nakacrossed arms na sabi ni Wendy.

"Wala yun.. classmate ko lang nung elementary  yun.. hindi ko alam. .kung bakit.. ko s'ya napanaginipan. Ramdom dreams maybe?" Palusot ni Jane.

"Okay sabi mo eh. Oo nga pala, bago tayo magkalimutan---"

"Bakla, kagigising lang nung tao oh, yan agad ang ibubungad mo sa kanya?" Pag-interrupt ni Suzette kay Wendy. Nag-aayos ito ng gamit n'ya.

"Okay lang Suzette. Ano na naman ba 'yon bakla?" Sabi ni Jane habang binabasa ang maikling tula na nakita n'ya sa IG. Weird dahil nakafollow s'ya dito pero hindi n'ya maalala kung sino 'yun. Chineck n'ya ang profile ngunit walang ibang post. Acoustic guitar ang profile picture nito.

"So ayun na nga, since ako ang punong abala sa Year-end party ng Company natin ay naisipan kong IKAW ang magperform, since limited ang binigay na budget dahil nagkukuripot si Chenes Company, I decided na isa ka sa magpeperform. Syempre I will try to invite other performers pero atleast makakatipid tayo pag ikaw na 'yung isa. Wala ka pa naman talent fee so lubus-lubusin na. Nasubukan mo naman kagabi so I guess may background ka na kung paano ang pakiramdam hehe"

"Grabe! bakla naman. Char char performance lang yung kagabi. Hindi ko kaya. Ayoko!" Napatingin ito ng masama kay Wendy.

"Ayaw mo? Okay F.O na tayo. Sobra talagang hindi ko kaya yung paglihim mo sa amin ni Suzette. Biruin mo almost 3 years tayong magkakasama at wala kang naishare sa amin about d'yan. Super friends pa naman tayo tas may hindi pala kami alam sa iyo. It feels like you betrayed us Jane. OMG my heart! I think I'm gonna die" pag-iinarte ni Wendy.

Imbis na maawa or makonsensya si Jane ay natatawa lang ito sa kaartehan ng kaibigan n'ya.

"Bakit ka tumatawa d'yan? I'm dead serious. Hindi ko talaga matanggap na naglihim ka sa amin. Ano ba kami sa iyo? Hindi mapapagkatiwalaan? Kung sana nalaman lang namin 'yan dati pa, sana nalaman mo na may friends ka na kayang gawin ang lahat maboost lang 'yang confidence mo. Ganito lang kame, bully, pero Jane naman! My goodness, mababait naman kame."

Seryoso talaga si Wendy sa mga litanya n'ya.

"Sorry na. Hindi lang talaga ako confident. Hindi naman ako magaling. Naging hobby ko lang s'ya nung -- "

"Nung ano Jane?" Tanong ni Suzette.

"Nung . . Bata pa ako . . Pero kasi medyo nawalan ako ng gana. Simula nung--"

"Nung ano Jane?" Sabay na bigkas ng dalawa. Tutok na tutok sa bawat sasabihin ni Jane.

"Simula nung  . . Magkaroon ng--"

"Ng ano? Anak ng tokwa Jane ayusin mo." Reklamo ni Wendy 

"Nung ano. .  Nung . . Magkaroon ng crack yung gitara ko." Pinilit n'yang hindi sabihin ang totoong dahilan.

Digital Love letters (Kaye Cal Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon